LOOK! Philippine tricycle crosses Golden Gate Bridge in California, USA!

by Bernie V. Franco
Apr 14, 2021
PARA PO! This popular Pinoy mode of transportation is definitely a source of pride for Filipinos living in San Francisco, California in the U.S.
PHOTO/S: @tnt_traysikel on Instagram

Traysikel sa gitna ng Golden Gate Bridge sa San Francisco, Californa, sa United States?

Hindi kayo nagkakamali. Nakaabot na nga ang sikat na Filipino mode of transportation sa Golden City.

Paano ito nangyari?

Dahil ito sa dalawang Pilipino—sina Paolo Asuncion at Mike Arcega—na parehong naka-base ngayon sa San Francisco.

Sina Mike at Paolo ay bike lovers din at naisipang “dalhin” ang sasakyang tatak Pinoy sa Amerika.

Tinawag nila itong TNT Traysikel.

Para sa ating mga Pinoy, ang “TNT” ay isang coined term sa Pilipinas na tumutukoy sa mga Pinoy na patakas na nakipagsapalaran abroad.

Samantala, ang side car ay galing pa mismo sa Pilipinas at dinala sa Amerika.

Bidang-bida nga raw ang traysikel nang dalhin nila ito sa Asian Art Museum sa San Francisco.

Lumikha pa sina Mike at Paolo ng sariling Instagram account ng kanilang obra na may username na @tnt_traysikel.

Ito ang description nila sa TNT Traysikel: “a mobile public artwork, a cultural marker for the SOMA Pilipinas, Cultural Heritage District in San Francisco, CA.”

Continue reading below ↓

Sa Instagram account, mapapanood ang video clips ng pagtawid ng traysikel sa Golden Grate Bridge.

Kahit mismong ang maliit na sasakyang ito ay napapalamutian ng tatak Pinoy.

Kabilang na rito ang dekorasyong Barrel Man, ang sikat na sikat na wooden decoration na galing Baguio City.

Pati ang mga writings sa traysikel ay tatak Pilipino rin, gaya ng “Hoy,” “por wan pibe” at “UFO (unidentified Filipino object)”

TNT Traysikel crosses Golden Gate Bridge

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ni Mike kung paano nila naisip na tawaging TNT Traysikel ang kanilang obra.

“I wanted to play with that idea that, 'Okay, fine, if we’re illegal, we don’t know… you can’t identify us, then we are unidentified Filipino people and this is an object a metaphor for immigrants.'”

Nakapanayam sina Mike at Paolo kamakailan sa programang Mornings with GMA, isang programa sa GMA Regional TV Dagupan.

Nang matanong kung bakit traysikel ang naisipan nilang dalhin sa San Francisco, aliw ang sagot ni Paolo.

Biro niya, “Masyadong malaki yung jeep, e. Mahirap iparada.”

THE symbol OF TNT traysikel IN THE sanfo.

Sabi naman ni Paolo, ang pagdadala nila ng traysikel sa San Francisco ay isang paraan para ipagsigawan ang presence ng lahing Pilipino.

“We wanna bring awareness to the contributions of the Filipinos, but also to state na we’re here. There is a Filipino presence, a loud one.

“One [that] is clearly visible and clearly different from what’s normally seen on the street.”

Continue reading below ↓

Sa pagkakaalam daw ni Mike, dalawa lang ang traysikel na makikita ngayon sa Amerika.

“This is one of two, I think, that we know of in the entire country.

“So, it’s definitely unique to most people.”

Isa rin daw symbol of pride ang traysikel para sa mga Pilipino na naroon sa San Francisco.

“Filipinos, they see it, they see it as a sense of pride. They see it as a marker of home.

“And to others, at least it shows us that we’re here.”

Sabi ni Paolo, bukod sa Golden Gate Bridge, nais din nilang imaneho ang TNT Traysikel sa iba’t ibang bahagi pa ng United States, gaya ng West Coast sa Oregon at pati na rin sa San Diego.

Hirit pa ni Paolo, “It might take us one year kasi ang bagal ng traysikel.”

Gusto rin daw nilang madala ang traysikel sa Filipino community sa New York.

Plano rin daw nina Paolo at Mike na lagyan ng karaoke ang loob ng traysikel.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PARA PO! This popular Pinoy mode of transportation is definitely a source of pride for Filipinos living in San Francisco, California in the U.S.
PHOTO/S: @tnt_traysikel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results