Get to know puto vendor who made Ivana Alawi cry

by Bernie V. Franco
Apr 16, 2021
The puto't kutsinta vendor, Tatay Joselito Martinez (left photo), earned admiration from netizens and Ivana Alawi (right, top photo) for being a Good Samaritan. In her video last March, Ivana disguised herself as a taong grasa asking for alms (right, bottom photo). She was brought to tears because of Tatay Joselito's kindness.
PHOTO/S: Rechie Ching /YouTube (Ivana Alawi)

Siya si Joselito Martinez, 58, tindero ng puto at kutsinta sa Muntinlupa.

Pero naging pamilyar ang kanyang mukha dahil naitampok siya sa YouTube video ng ABS-CBN actress/vlogger na si Ivana Alawi.

Noong March 14, 2021, ipinost ni Ivana ang kanyang viral video.

Nagpanggap si Ivana na taong-grasa na humihingi ng limos sa random people.

Maraming mabubuting loob ang nag-abot ng tulong kay Ivana, na karamihan ay mga naghahanap-buhay din sa kalsada.

Subalit naantig ang damdamin ni Ivana sa isang kakanin vendor dahil sa kabutihan ng loob nito.

Inabutan ng tindero si Ivana ng PHP20 at humingi pa ng paumanhin dahil ito lang daw ang kanyang nakayanan.

Binigyan niya ng puto ang aktres na nagbalat-kayong taong grasa.

Nag-alok pa si Tatay Joselito na bibilhan niya ng softdrinks si Ivana. Masugid din itong nakipagkuwentuhan sa aktres.

Naiyak si Ivana sa kabaitan ni Tatay Joselito.

Nang magpakilala na siya, inabutan niya ng PHP20,000 ang tindero.

Continue reading below ↓

At this writing, mayroon nang higit sa 19 million views ang video ni Ivana.

Hindi rito nagtapos ang pagsukli ni Ivana kay Tatay Joselito.

Ipinahanap niya ito at binilhan ng isang motor, refrigerator, TV, at iba pang appliances.

Pero ano nga ba ang kuwento ni Tatay Joselito na isang Good Samaritan?

Nitong Lunes, April 12, 2021 nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tatay Joselito.

Nagkuwento siya tungkol sa kanyang makulay na buhay.

HARDSHIPS

Si Tatay Joselito ay taga-Ormoc City at nakipagsapalaran sa Maynila noong kabataan niya.

Inamin niyang naranasan niyang matulog sa Luneta Park nang mapadpad sa Maynila dahil walang kakilala.

Hindi na niya natatandaan kung anong taon ito, pero martial law pa raw noon. Isinailalim ang Pilipinas sa martial law mula 1972 hanggang 1986 sa pamumuno ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Lahad ni Tatay Joselito nang lisanin niya ang Ormoc: “Pumunta ako dito sa Manila, naghanap ng trabaho para mabuhay.

Continue reading below ↓

“Pagdating ko sa Manila, wala man akong bahay.

“Natulog muna ako diyan sa Luneta. Diyan ang pinakabahay ko… sa Luneta.”

Kung anu-anong trabaho raw ang pinasok niya para kumita ng pera.

“’Tapos nag-apply ako ng trabaho. ‘Tapos nag-dishwasher muna ako sa mga restaurant na maliliit.

“Nung nakaipon ako ng pera konti, nag-janitor ako sa Harrison Plaza," patukoy niya sa dating kilalang shopping mall sa Malate, Maynila.

“Pagkatapos, nagpaalam ako. Umuwi muna ako sa Ormoc City kasi nami-miss ko na iyong kapamilya.”

Madamdamin raw ang kanyang pag-uwi dahil hindi na niya naabutan ang kanyang mga magulang at mga kapatid na lang ang kanyang nadatnan.

Hindi naman raw siya nakontak ng mga kapatid noon dahil hindi naman nila alam kung paano siya matatawagan.

Hindi na rin matukoy ni Tatay Joselito kung anong taon siya umuwi sa Ormoc City, pero ang Pangulo pa raw noon ay si former President Gloria Macapagal-Arroyo, na nanungkulan mula 2001 hanggang 2010.

Continue reading below ↓

Muli siyang lumuwas noong ang nanunungkulan ay si former President Benigno “Noynoy” Aquino. Nanungkulan si Noynoy mula 2010 hanggang 2016.

Sa Dasmariñas, Cavite City muna siya naglagi at nagtrabaho bilang tindero ng puto at kutsinta.

“Nagtinda ako. Pagtinda ko, naabutan ako ng ilang taon, tatlong taon.”

Nasunog daw ang factory ng pinagtitindahan niya ng puto’t kutsinta.

Nagpunta siya sa Muntinlupa at nagtrabaho bilang ice cream vendor.

“Mga isang taon din ako,” aniya tungkol sa pagtitinda ng sorbetes.

Pagkatapos no’n, “Nag-apply naman ako ng puto't kutsinta. Kaya dito na.”

CROSSING PATHS WITH THE DISGUISED IVANA

Isang hapon noong Marso 2021, habang naglalako siya sa likod ng terminal na Philcoa-Buendia sa Pasay City, lumapit sa kanya ang isang babaeng grasa.

Humihingi ito ng pamasahe para makabalik daw ito sa Baguio City.

Kuwento ni Tatay Joselito, “Sabi niya, ‘Tatay, puwede ba akong humingi ng pamasahe papuntang Baguio?’

“Sabi ko, ‘Ang layo. At saka pandemic ngayon. Bakit nandito ka sa Manila?’

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘Naipit ako sa pandemic.’”

Ivana Alawi and puto vendor Joselito Martinez

Nagpatuloy ang pakikipag-usap niya sa aktres na nagpanggap.

“Tinanong ko siya, ‘Kumain ka na ba? Eto po, kutsinta.’ Binigyan ko kutsinta. Dagdagan ko ng yema.

“’Tapos inalok ko pa siya ng, ‘Kumakain ka ba niyan?’

“’Tapos, nagtanong siya sa akin, ‘Taga sa’n ka ba, Tatay? Ba’t ang bait mo?’”

Continue reading below ↓

Nagtuluy-tuloy sa pagkuwento si Tatay Joselito tungkol sa pinag-usapan nila noon ni Ivana.

Sa video ni Ivana, maririnig pa ang tindero na pinapaalalahanan si Ivana ng pag-iingat dahil sa panahon ngayon at babae pa siya.

Ang kabaitang ito ni Tatay Joselito ang dahilan kung kaya’t napaiyak si Ivana.

Sumunod nito ay ipinahanap ng aktres ang tindero para mabilhan ito ng appliances at isang motor.

TATAY JOSELITO USED TO BE A STOWAWAY

Likas daw kay Tatay Joselito ang pagiging matulungin.

“Kahit do’n sa pinagtitindahan ko, kung may humihingi nagbibigay ako kaagad ng kutsinta’t puto.

“Binibigyan ko pa nga ng pambili ng kape, mineral [water].

“Siyempre, may puso tayo. ‘Tsaka tao din iyan.

“Mahirap tayo magdamot. Kailangan kapag may humingi sa iyo, bigyan mo rin.”

Saad niya, “Matulungin ako po kung meron ako.”

Dati rin siyang stowaway o istokwa noong bata pa siya. Mula raw Ormoc City ay napadpad siya sa Cebu City.

Continue reading below ↓

“Naaalala ko rin dahil nung maliit pa ako, palabuy-laboy din ako po, e, sa Cebu.

“Naglayas din ako sa amin kaya doon ako sa Cebu, kasi palaboy-laboy.

“Naaalala ko rin ang pinagdaanan kong gano’n. Nanghihingi rin ako.

“Kaya ang naisip ko, magbibigay rin.

“Ako kasi naranasan ko rin ganyan, e.

“Ang hirap ng ganyan—palabuy-laboy, nanghihingi.”

Kaya raw malambot ang puso niya sa mga taong sa kalsada lang nakatira.

Hindi maiwasang maiyak ni Tatay Joselito nang matanong na nakilala siya dahil sa kanyang simpleng pagtulong.

Masarap daw sa pakiramdam.

“Gusto ko lalong… ganito man ako, gusto ko talagang tumulong sa mga nakikita ko.

“Gusto ko bibigyan ko rin ng konting tulong kasi hirap ng panahon, lalo na ang mga bata na nanghihingi ng, ‘Tatay, puwede makapagpahingi ng pangkain?’”

Sa puntong iyon na tumulo ang mga luha ni Tatay Joselito, marahil naalala niya ang pagiging istokwa niya noon sa Cebu.

PUTO VENDOR AND A YOUTUBER

Sa inuupahang tirahan, kasama ni Tatay Joselito ang kanyang misis at ang kanilang anak na lalaki at dalawang apo.

Continue reading below ↓

Sa natanggap niyang PHP20,000 kay Ivana, “Bumili ako ng bigas, ‘tapos pinamigay ko sa mga kapitbahay ko.

“’Tapos bumili ako ng kama, ‘tapos iyong iba, binili ko ng mga kailangan ko sa bahay.”

Patuloy pa ba siyang nagtitinda ng puto’t kutsinta?

“Opo, tuloy po. Tuloy akong magtitinda po.”

Masaya rin si Tatay Joselito na mayroon ng sariling YouTube channel: ang Joselito Martinez vlog.

Tinulungan siyang gawin ito ng kakilala na nagsisilbing manager na rin niya ngayon at nag-iisip ng mga video content.

“May YouTube channel na rin ako.

“Tinulungan ako. Nagtulong sa akin manager ko na rin siya.

“Pasalamat ako iyan ang inaano ko, ‘Hayaan mo, ‘Tatay umpisa pa lang iyan. Lalaki ang channel,’ sabi niya sa ‘kin.”

Joselito Martinez vlog

Continue reading below ↓

Umaasa naman si Tatay Joselito na mangyayari nga ito at nangakong kapag nag-monetize ito ay mag-aabot ng tulong sa ibang tao.

Kasalukuyan, meron siyang 30,000 subscribers.

May pahabol na payo si Tatay Joselito pagdating sa pagtulong sa kapwa.

Sabi niya, “Kailangan pag merong humingi ng tulong sa atin, bigyan natin kahit papano kasi tao iyan rin sila, e.

“May puso rin sila. Kaya iyan ‘wag dirihin, huwag. Kasi din natin alam ang tao na iyan, kawawa talaga.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The puto't kutsinta vendor, Tatay Joselito Martinez (left photo), earned admiration from netizens and Ivana Alawi (right, top photo) for being a Good Samaritan. In her video last March, Ivana disguised herself as a taong grasa asking for alms (right, bottom photo). She was brought to tears because of Tatay Joselito's kindness.
PHOTO/S: Rechie Ching /YouTube (Ivana Alawi)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results