Meet Cherish Maningat, a Pinay living the dream in South Korea

by Rose Garcia
6 days ago
Cherish Maningat (2nd from L) with Mouse lead stars Lee Seung Gi (L) and Lee Hee-joon (2nd from R)
PHOTO/S: @cherish_unni on Instagram

Cherish Maningat is "living the dream" in South Korea.

Ito ang kadalasang komento ng ilang Pinoy netizens kapag nakikita nila si Cherish na nakakasama ang mga paborito nilang Korean actors and actresses sa mga sikat na Korean drama.

Una siyang napansin ng Pinoy netizens sa K-drama na Romantic Doctor noong isang taon. Gumanap siya bilang ina ng isang pasyente sa Doldam Hospital.

Continue reading below ↓

Dumami ang nakakapansin at nakakakilala kay Cherish dahil sa partisipasyon niya sa Mouse, isang crime-suspense-thriller drama na kasalukuyang ipinapalabas sa tvN sa South Korea. Napapanood naman ito sa Pilipinas at sa ibang bansa sa streaming app na VIU.

Ang Mouse ay pinagbibidahan ng South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi. Kasama niya dito ang South Korean actor na si Lee Hee-Joon.

Kasalukuyang nasa episode 15 na ang serye at palagi itong nakakakuha ng pinakamataas na viewer's percentage sa TVing at trending search sa Naver at iba pang Korean entertainment search engines. Nagti-trending din ito sa Twitter sa ibang bansa tulad ng Philippines, Indonesia, Malaysia, at iba pa.

Kumpara sa Romantic Doctor, mas mahaba at mas nagmarka ang role na ginagampanan ni Cherish sa Mouse bilang ina ng batang kinidnap.

Marami siyang eksena kasama ang bidang si Lee Seung Gi, at nakakasama rin niya sina Lee Hee-Joon at ang actress na si Kyung Soo-Jin.

Continue reading below ↓

Nag-post si Cherish ng mga pictures na kasama sina Seungi Gi at Hee Joon, pati na rin isang litrato ng kopya niya ng Mouse script, sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

Sa kanyang post na kasama si Hee Joon, ikinuwento ni Cherish na nagkausap daw sila at doon nalaman ng actor na “junior” niya ang Filipina actress sa Korea National University of Arts.

Sabi ni Cherish sa kanyang caption (published as is), “With actor Lee Hee Jun
While on standby, we had a little chitchat and he asked me if I have studied acting before. And I told him I went to KArts and he exclaimed "Me too!"

Continue reading below ↓

“I got to know that he is actually my senior in Korea National University of Arts! That's why! No wonder I have always admired his acting!

"So happy to have worked with him and all the cast of Mouse!”

Sa kanyang latest Instagram post, ang picture naman niya kasama si Lee Seung Gi ang ipinost ni Cherish. At ayon dito, masaya at honored siya na makasama sa eksena ang actor.

Continue reading below ↓

Tinanong raw siya kung isa siyang Korean, at pinuri dahil para na raw siyang natural Korean dahil sa paraan niya ng pagsasalita.

Kuwento ni Cherish sa caption ng post (published as is), “I'm just so happy and honored to have shared a frame with such a talented person like Lee Seung Gi. Taken after our scene together in Mouse ep.15.

“I still remember the 1st time I saw him when we were filming episodes 4-7. I was quietly waiting on one corner and he came. While we were on standby, he suddenly asked me if I am Korean. Maybe because I was still wearing a mask? I said no and I'm from Philippines.

“Later on, Lee Hee Jun sonbaenim told him that I'm his (junior) in KArts. And he told sonbaenim that he thought I was Korean at first, and just acting as a foreigner! When we started doing the lines, Lee Seung Gi said he thinks there's no need to put an 'accent' to my lines anymore, yet, when he listens to me speak, he said it sounds so natural, like I normally speak that way.

Continue reading below ↓

“Thank you Lord Jesus for giving me wonderful opportunities like this! Thank you Lord Jesus for giving me the desires of my [heart emoji] I wanna give honor and praise to You through my acting!”

CHERISH MANINGAT ON BREAKING INTO KOREAN ENTERTAINMENT INDUSTRY

Ipinanganak at lumaki si Cherish sa Pilipinas. Nag-graduate siya ng kolehiyo sa University of Sto. Tomas bago siya nagpunta sa South Korea noong 2006.

Sa isang interview sa RTV Malacanang noong 2018, ikinuwento ni Cherish na hindi naging madali ang kanyang karanasan nang mag-aral siya sa Korea National University of Arts.

Ayon kay Cherish, “Unang, una, hindi po madali dahil na rin sa language barrier. Hindi po ako marunong mag-Korean noong una. Ang culture po sa school namin, wala po talaga kaming International Studies talaga. So lahat po ng classes ko, in Korean.

"Parang sinabak mo po ang isang kindergartener sa isang Master’s Degree. Wala po akong naiintindihan so medyo mahirap po iyon."

Continue reading below ↓

Bukod pa rito ay first time ni Cherish na mahiwalay sa kanyang pamilya.

Aniya, "At the same time, kailangan mong i-battle yung homesickness. Medyo mahirap po kasi that was the first time na umalis ako ng bansa. Umalis ako sa poder ng pamilya ko, mag-isa lang ako, wala akong friends.

"So, mahirap po iyon, siguro po, mga first three years po ng pag-aaral ko rito sa Korea.”

Sa kanyang interview, ibinahagi rin ni Cherish kung bakit siya nag-aral sa South Korea.

Nag-umpisa ang lahat dahil sa interest niya sa mga Korean drama.

Kuwento niya, “Bale umpisa po, iyon po ang mga times na nag-aaral ako sa kolehiyo, iyon po ang mga time na nag-boom ang Hallyu or Korean Wave sa Philippines.

"Nag-start po siya sa Korean drama and dahil po ang background ko ay Theater, medyo na-fascinate po ako kung ano ang ginagawa nilang pag-arte, pagpu-produce ng mga TV drama, sa mga movies, so ginusto ko po na pag-aralan kung paano sila umarte, kung paano sila gumawa ng production sa Korea.

Continue reading below ↓

"Kaya habang nasa college po ako, nagta-try na po akong mag-apply ng mga scholarship sa Korea and thank God, pinalad po akong matanggap.”

Dugtong pa niya, “Ang una pong reason kung bakit ako nagpunta sa Korea is to study my Master’s Degree. May master’s po ako sa Directing at nakakuha po ako ng scholarship. Pinalad po ako na isa sa makakuha ng scholarship given by Ministry of Culture and Tourism ng bansang Korea. Iyon po ang unang dahilan kung bakit po ako nandito.

“And after I graduated, nag-perform po ako at umarte rin po ako on movies. Ngayon po, nagtuturo rin ako sa school.”

Mahigit labinlimang taon na si Cherish sa South Korea. Bukod sa pagiging actress at director, teacher at vlogger rin siya na may sariling YouTube channel.

Lumabas na din siya sa ilan pang Korean films tulad ng Showdown, Missing, Romang, Stand by Me, A Wonderful Moment, at Golden Holiday. Nakasama niya sa huli ang Filipino actor na si Mon Confiado.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherish Maningat (2nd from L) with Mouse lead stars Lee Seung Gi (L) and Lee Hee-joon (2nd from R)
PHOTO/S: @cherish_unni on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results