Remember Lorraine Pingol, the nurse who helped homeless woman give birth on sidewalk?

by Bernie V. Franco
5 days ago
More than eight months ago, the good deed of Lorraine Pingol, a nurse, went viral. She helped a homeless woman give birth on the sidewalk. What's the update about her? Lorraine talks to PEP.ph.
PHOTO/S: Facebook (Lorraine Pingol, Bangkal Ferds Makati)

Natatandaan niyo pa ba ang nurse na si Mary Lorraine Pingol?

Siya ang 29 anyos na nurse na tumulong sa panganganak ng isang homeless woman sa sidewalk, malapit sa General Estrella Street at Osmeña Highway sa Makati City, noong umaga ng August 18, 2020.

Nagmamadali noon si Lorraine, isang company nurse, na makarating sa kanyang trabaho dahil late na siya.

Habang naglalakad, natiyempuhan si Lorraine ng barangay rescue team na unang rumesponde sa homeless woman na kinilalang si Jeca Mae Rausa, 31.

Wala pa kasing medical personnel na kasama noon ang rescue team para tulungan sa panganganak ang nagli-labor na si Rausa.

Hindi nag-atubili si Lorraine at umaksiyon para tulungan ang homeless woman na nanganganak sa sidewalk.

Suot-suot pa rin ang kanyang itim na backpack, naka-face shield at face mask, inalalayan ni Lorraine ang panganganak ni Rausa.

Isang miyembro ng barangay rescue team ang kinunan si Lorraine na hawak-hawak ang sanggol habang nasa sidewalk.

Continue reading below ↓

Ipinost ang mga larawan. Nag-viral si Lorraine at itinuring na kabayanihan ang kanyang ginawang pagtulong.

Umani rin ng pagkilala si Lorraine.

Mary Lorraine Pingol helping homeless woman give birth

Natanggap niya ang Bayaning Nars award mula sa Philippine Nurses Association noong October, 20, 2020.

Pinarangalan siya ng DAISY Award, na ibinibigay “to extraordinary nurses.”

Continue reading below ↓

Ang parangal ay iginawad ng Health Carousel Philippines, Inc. sa pakikipagtulungan sa DAISY Foundation, noong October 22, 2020.

Higit walong buwan na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon, kamusta na si Lorraine?

Noong April 11, 2021, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorraine at nagbigay siya ng update tungkol sa kanyang buhay ilang buwan ang nakalipas matapos ang kanyang kabayanihan.

LORRAINE: “MAS NADAGDAGAN YUNG CONFIDENCE KO.”

Sa ngayon, patuloy ang pamamasukan ni Lorraine bilang company nurse sa isang kumpanya sa Makati.

Bungad niya sa PEP.ph via voice call, “Okay naman po. Nagtatrabaho pa rin. Same job as a company nurse, same company.

“May mga nagbago po. Personally, sa akin, mas nadagdgan yung confidence ko as a nurse.

“Nagkaroon ako ng kumpiyansa na ipagpatuloy ang nursing, at motivated ako ngayon na mag-improve pa lalo as a nurse.

“Kasi matagal akong wala sa nursing practice for several years, 'cause I got sick with leukemia.

Continue reading below ↓

“So, during those times na hindi ako nagpa-practice, of course, yung confidence ko unti-unti nababawasan.”

Naging daan daw ang insidente noong August 2020 para mapagtantong nasa tamang propesyon siya.

“After that incident, it made me realize na it was a really good decision na bumalik ako sa nursing practice.

"I feel like this is my path. Para sa akin itong nursing.”

Paliwanag niya, occupational health nurse siya ngayon.

Maraming klaseng nurse raw: merong clinical nurse, school nurse, at military nurse.

Dugtong ni Lorraine tungkol sa kanyang trabaho: “I’m working at Medicard.

“Itong Medicard kasi, generally, it is a health insurance company.

“Pero maliban kasi sa insurance, meron pa itong other services.

“It also has its own clinics, mga satellite clinics, outpatient clinics, may mga nurses din doon.

“Marami kaming clients na ibang kumpanya.

“Yung mga kumpanyang ito, nangangailangan sila ng maraming company nurses at company doctors.

“So, ako, dineploy po ako ng Medicard sa isa naming client company para maging isang company nurse doon.”

Continue reading below ↓

NURSING HAS ALWAYS BEEN HER FIRST CHOICE

Ano naman ang simbolo ng mga karangalan at pagkilalang natamo niya sa kanyang pagtulong sa isang nangangailangan?

“To me, it’s a sign. It’s like God is saying na I’m really meant for nursing, I’m really meant to become a nurse.

“That’s why He gave me those blessings.

“Kung tutuusin, never in my entire life na naisip ko na magkakaroon ako ng awards as a nurse.

“Kasi nga, the fact na matagal akong wala sa nursing practice, ‘tapos kakabalik ko lang sa profession na ito, who would imagine na magkakaroon ako ng awards?

“So, it’s very humbling and it is my honor talaga na makatanggap ng ganoon, at nagpapasalamat ako kasi nga, to me, it means I’m meant for this. I’m meant for this.”

Lahad ni Lorraine nang mag-graduate siya sa high school, pinagpilian niya ang nursing, journalism, at mass communication degrees.

“When I was in high school, I was a writer sa school publication namin and I also joined campus journalism competitions,” pagbabahagi niya.

Continue reading below ↓

Pero nanaig daw ang kanyang first choice—ang nursing.

“Since I was a child, kapag tinatanong sa akin, ‘Anong gusto mong maging paglaki mo?’ lagi kong sinasabi, ‘Gusto kong maging nurse.’

“Kasi gusto kong tumulong sa mga may sakit. Dahil meron akong mga tito, tita na mga nurses.

“Nakikita ko sila na naka-white uniform.

“So, to me, as a kid, ang ganda nilang tingnan. Nagkaroon ako ng admiration towards them as nurses.

“Kaya as a kid, gusto kong maging nurse and mahilig din ako sa sciences and health.

“Mas nangibabaw yung maraming reasons, yung passion ba na mag-care sa ibang tao, ‘yon.

“Kasi malapit din po ako sa lolo’t lola po, e.

“Another is mas marami kasing opportunities sa medical field than kung magti-take ako ng journalism or mass comm.

“It’s a basic need kaya hindi ako mawawalan ng trabaho.

“With all those reasons, yung opportunities abroad and locally, ‘tapos yung desire to help others, that’s why I decided to take up nursing.”

Continue reading below ↓

Nagtapos si Lorraine sa Far Eastern University sa Manila noong April 2011.

Lorraine Pingol graduation

OVERWHELMED BY THE ATTENTION

Isa pa raw magandang nangyari matapos ang insidente noong nakaraang taon ay naging regular siya sa trabaho.

“Na-regularize po ako, kasi before, di po ako regular.

“Before the incident happened, yung August 18 incident, hindi po ako regular.

Continue reading below ↓

“Pero after that, nag-decide po ang Medicard na i-regularize po ako, kasi natuwa sila sa akin.”

Natatawa ring inalala ni Lorraine ang halos walang tigil na tawag na natatanggap niya matapos niyang mag-viral.

“Sunud-sunod po ang tawag sa akin. Medyo nakaka-overhwhelm din.

“Kahit pala tumatanggap lang ako ng calls, ano, nakakapagod din pala yung ganoon,” natatawa niyang sabi.

“’Yun bang nakaupo ka lang, doing your job, yung phone mo tumutunog. Nakakapagod din pala.

“First time nangyari sa akin ‘yon, kasi, normally, wala namang tumatawag sa akin.

“Pero during that time, kasagsagan ng August, from morning to evening, maraming tumatawag.

“Although nakakapagod siya, masaya din po ako.

“Natutuwa din po ako at nagpapasalamat dahil naa-appreciate ng mga tao yung ginawa kong iyon.

“In fact, hindi ko naman inaasahan na magiging malaking bagay iyon kasi hindi ko in-expect na lalabas ako sa news.

“Ang nagbalita lang sa akin yung isang empleyado, ‘Nurse, kayo po ba ito?’”

Continue reading below ↓

DAILY GRIND

Matapos humupa ang virality ng kanyang kabayanihan, at ang atensiyong nakuha niya, ano ang araw-araw na ginagawa ni Lorraine ngayon bilang company nurse?

“As a company nurse, ang role ko po is health promotion and disease prevention.

“Sa mga companies kasi may mga company clinics—yung mga employees, mga well patients sila, ano, ibig sabihin mga walang sakit.

“Unlike sa hospitals, ang mga pasyente doon may mga sakit na. The hospitals focus more on cure.

“Pero itong company nurses ang focus namin ay health promotion and disease prevention among employees.

“So, every time na may magkakasakit sa mga empleyado, kunwari inside the company na biglang nilagnat or anything, may nagtae, may hinigh blood o inasthma, any medical cases inside the company, ako po ang uma-attend sa kanila.

“Inaalagaan ko yung empleyado ng isang kumpanya.

“Nagbibigay din po ako ng recommendations, gumagawa po ako ng mga health programs for the employees.

Continue reading below ↓

“As a company nurse, isa rin ako sa mga nag-i-screen ng employees to make sure na wala silang COVID-19 for a safer work place.”

LORRAINE’S SENTIMENTS ON THE ONGOING PANDEMIC

Higit isang taon na ang nakalilipas simula nang tamaan ng pandemya ang Pilipinas.

Ano ang sentimyento ng nurse na si Lorraine sa kalagayan ng bansa?

“Nalulungkot ako sa kalagayan ng Pilipinas at mundo natin ngayong may pandemic.

“Lalo na dito sa Pilipinas, hindi po matibay ang ating health care system, ano.

“’Tapos punuan yung hospitals and then yung mga pasyente namamatay na lang sa labas ng ospital dahil hindi matanggap ng ospital.

“Nakakalungkot po yung ganoong sitwasyon.

“Pero kahit ganito yung sitwasyon natin parang I’m still hopeful. Positive thinker po ako.

“Eventually—hindi naman madalian ang lahat, e, lalo na ng mga problemang ganito kalaki, so, eventually, we will also improve.

“We will also be better and we will be able to resolve all these problems, eventually...

Continue reading below ↓

“What we have to do now is do our best now, with our job, with taking care of our patients. Give our best.”

WHAT’S NEXT FOR LORRAINE

Matapos ang parangal at pagkilala, ano ang mga susunod na nais makamit ni Lorraine?

“Ang ambisyon ko po is makabalik sa clinical setting.

“When I decided na babalik ako sa nursing practice, gradually, sabi ko sa sarili ko, dahan-dahan kong gagawin iyon.

“So, that’s why hindi ako bumalik agad sa hospital. Kasi after several years na wala ako sa practice, kung mago-ospital ulit ako, baka mabibigla po ako mangangapa po ulit ako.

“So, I will gradually do it. Slowly but surely.”

Pagpapatuloy niya, “Actually, nung nag-start ako, nag-apply po ako sa Japan.

“Nag-work po ako sa isang elderly care facility sa Japan.

“So, ang mga pasyente ko doon ay matatanda.”

Tumagal daw siya ng dalawang taon doon, mula 2017 hanggang 2019.

“Yun yung parang stepping stone ko para makabalik sa nursing practice.

Continue reading below ↓

“At least, after several years of no experience, doon sa Japan naranasan kong mag-alaga ng matatandang pasyente.

"So yung mga skills na natutunan ko years ago when I was a student, na-relearn ko po.”

At pagbalik nga niya sa Pilipinas mula sa Japan, nagsilbi na siya bilang company nurse.

At patuloy sa pagtatrabaho si Lorraine hanggang sa makabalik sa clinical setting.

LORRAINE ON HELPING OTHERS

Sino ang mag-aakalang ang ginawang pagtulong ni Lorraine sa isang homeless woman ay magbibigay sa kanya ng karangalan at papuri?

Pero bukod dito, nagsilbi siyang mabuting ehemplo pagdating sa pagtulong sa nangangailangan.

“Whenever someone needs your help, kung kaya mong tumulong, just help,” ani Lorraine.

“As long as meron kang kakayahan para tumulong, tumulong ka,” aniya lalo't makatutulong sa pagsagip ng buhay.

Pero paglilinaw niya, “When you can help, just help, without asking anything in return.

“We are humans. I think natural sa ating mga tao yung tumulong sa ibang tao kapag nakikita nating nangangailangan.

Continue reading below ↓

“I think natural iyon, e, parang kusa mo na lang siyang gagawin.

“Yung sa akin call of duty,” ani Lorraine, kahit maituturing na beyond call of duty ang kanyang ipinamalas.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
More than eight months ago, the good deed of Lorraine Pingol, a nurse, went viral. She helped a homeless woman give birth on the sidewalk. What's the update about her? Lorraine talks to PEP.ph.
PHOTO/S: Facebook (Lorraine Pingol, Bangkal Ferds Makati)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results