A 20-year-old Pinoy student designed Miss Universe 2020 candidate's national costume

by Bernie V. Franco
4 days ago
Miss Universe Cameroon 2020 Angèle Kossinda (left) confirms through an Instagram post that a 20-year-old Pinoy named Kennedy Jhon Gasper 20-year-old created her national costume for the 69th Miss Universe pageant. (Right photo) Kennedy Jhon holding a sketch, which, he clarifies, is not the national costume he designed for Angèle.
PHOTO/S: Miss Universe official site / @kennedy_gasper on Instagram

Maingay ngayon ang pangalan ni Kennedy Jhon Gasper, na napiling lumikha ng national costume ng isang kandidata sa Miss Universe 2020 pageant.

Tubong Isabela si Kennedy Jhon, na isang 20-year-old third-year college student mula sa Central Luzon State University sa Nueva Ecija.

Siya ay kumukuha ng Bachelor of Science in Fashion and Textile Technology, Major in Fashion Designing.

Kaliwa’t kanan na ang mga naisulat tungkol sa achievement na ito ni Kennedy Jhon, na bagamat estudyante pa lamang, nakikilala na ang husay sa international pageant scene.

Sa kanyang interviews, kinumpirma ng amateur fashion designer na nakipag-ugnayan sa kanya ang kampo ni Miss Universe-Cameroon Angèle Kossinda.

Ang Cameroon ay isang bansa sa Central Africa.

Ito ang kauna-unahang beses na sasali ang Cameroon sa Miss Universe pageant.

Samantala, kinumpirma rin ni Miss Universe-Cameroon na kinomisyon nila si Kennedy Jhon para gawin ang kanyang national costume.

Bukod dito, ibinunyag din ng candidate na siya ay na-train ng mga Filipino pageant trainers at ang kanyang evening gown ay gawa rin ng Filipino designer.

Continue reading below ↓

Nitong madaling araw ng May 4, 2021, nag-post si Angèle sa social media para patotohanan ang balita.

Ipinost niya ang screenshot ng isang news outlet tungkol sa kanya at kay Kennedy Jhon.

“I’m overwhelmed by the Filipino and media for the support,” caption ng African candidate.

Abot-abot din ang papuri ni Angèle kay Kennedy Jhon na kahit hindi niya kalahi, ay may kakayahan para gawan siya ng national costume.

Sabi ng kandidata: “Indeed a national costume represents your country legacy, culture and image.

“And to me the most important thing is to find someone who could best represent it in an outfit or costume no matter your origins - this is what we learn from beauty pageant - inclusion - tolerance - unity!

“So yes a Filipino designer has made my national costume @kennedy_gasper.

“We have to remember that he is a very young talented man who also deserves this opportunity.”

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang beses na nakatrabaho ni Angèle ang mga Pilipino.

Aniya (published as is), “There’s a big love story between the Phillipines, Filipino fans and me [heart emoji] and that is since 2017 [prayerful emoji].

“Be aware my gowns as well are made by Filipino - I have been trained and mentored by Filipino too”

Miss Universe Cameroon Angèle Kossinda thanks Filipino designer Kennedy Jhon Gasper

Continue reading below ↓

Miss Universe Cameroon Angèle Kossinda thanks Kennedy Jhon Gasper and other Filipino mentors

FORMER MISS EARTH 2017 CANDIDATE

Si Angèle ay naging kandidata sa Miss Earth 2017, na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City noong November 4, 2017.

Sa pageant na ito, nanalo ang pambato nating si Karen Ibasco.

Umabot naman sa Top 16 si Angèle sa Miss Earth 2017.

Continue reading below ↓

Angèle Kossinda in Miss Earth 2017

Si Angèle ay may Bachelor’s Degree in Banking and Finance at may Master’s Degree in Finance Management.

Isa rin siyang producer at aktres.

KENNEDY JHON ON BEING CHOSEN BY MISS CAMEROON

Samantala, nagbahagi naman si Kennedy Jhon tungkol sa pagkakapili sa kanya bilang designer ng national costume ni Miss Universe Cameroon.

Continue reading below ↓

Inakala pa nga ng netizens na isa sa kanyang latest fashion sketches na ipinost sa Instagram ay ang national costume ni Miss Universe Cameroon.

Pero paglilinaw ng young aspiring fashion designer, mga dating likha niya ito.

“Hindi po iyon iyong design na ginawa ko po para sa Miss Universe candidate,” aniya sa panayam ng Bombo Radyo DCNZ-Cauayan noong May 1, 2021.

Kennedy Jhon national costume design for Miss Universe Cameroon 2020

Continue reading below ↓

Gayunpaman, nagbigay siya ng ilang detalye sa ginawa niyang national costume.

“Medyo mahirap po siyang gawin, pero sa tulong po ng mga kaibigan ko at co-designer ko po, nagawa naman po namin iyong maayos sa apat na araw lang po.”

Lima raw silang gumawa at kinailangan ang isang welder dahil “nagpatulong po kami mag-welding dahil iyong costume po is somehow meron po siyang back dress.

“Medyo malaki siyang tignan pero lightweight lang po iyong costume.

“Gumamit po kami ng mga beads, mga iba’t ibang klase po ng indigenous materials, gaya ng abaca, wooden beads, mga coconut shells.”

May lion figure din daw silang hinulma gamit ang styro cuttings.

“Inspirasyon ko po do’n, iyong culture ng mismong country ng ginawan ko po.

“And kung ano po yung mga tradisyon nila at binase ko sa tradisyon nila iyong costume po."

Nai-ship na raw ang costume sa destinasyon nito sa Florida, U.S.A., kung saan gaganapin ang 69th Miss Universe pageant sa May 16, 2021.

Continue reading below ↓

NOT A FIRST-TIMER PAGEANT DESIGNER

Ovewhelming naman para kay Kennedy Jhon ang pagkakapili sa kanya ng isang Miss Universe candidate.

“Pinapangarap ko lang po noon na makarating sa Binibining Pilipinas, sa Miss Universe Philippines.

“Pero iba iyong Panginoon. Binigyan po ako ng opportunity para ipakita iyong creation ko hindi lang po sa ating bansa kundi internationally.

“At nagulat din po ako dahil sa dinami-dami po ng designers na magagaling sa ating bansa at sa ibang bansa, ako po iyong napili nung Miss Universe candidate na gumawa ng kanyang costume.”

Hindi naman ito ang unang beses na nagdisenyo ng damit si Kennedy Jhon para sa isang pageant candidate.

Siya raw ang gumawa ng casual wear ng Miss Universe Philippines 2020 candidate na si Sigrid Grace Flores ng Catanduanes.

Si Kennedy Jhon rin ang gumawa ng head dress ng costume ng isang Binibining Pilipinas 2020-2021 candidate na si Ruth Quin ng Nueva Ecija.

Continue reading below ↓

Paano naman napukaw ang interes ni Kennedy Jhon na pangaraping maging fashion designer?

“Ang aking ina ay isa pong mananahi and since bata pa po ako napapanood ko na po siyang magtahi.

“Nagkaroon po ako ng interes dahil ang mother ko po masayang ginagawa iyong mga tahi niya and then naengganyo po ako, nagpaturo hanggang natuto na gumawa ng iba’t ibang klaseng damit.

"And then nagkaroon po ako ng interes junior high school, senior high school, hanggang ngayon sa college.

“Kumuha po ako ng kursong connected sa fashion designing para ma-pursue ko iyong pangarap ko.”

Nais daw ni Kennedy Jhon na maging sikat na fashion designer at makabili ng kanilang sariling bahay at lupa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Cameroon 2020 Angèle Kossinda (left) confirms through an Instagram post that a 20-year-old Pinoy named Kennedy Jhon Gasper 20-year-old created her national costume for the 69th Miss Universe pageant. (Right photo) Kennedy Jhon holding a sketch, which, he clarifies, is not the national costume he designed for Angèle.
PHOTO/S: Miss Universe official site / @kennedy_gasper on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results