College student attends online classes while on the job in construction site

by Bernie V. Franco
May 6, 2021
College professor, Justin Veras (right photo, wearing yellow t-shirt) and his student, Mr. Dela Cruz (in white t-shirt) meet face to face. Right photo shows camera of student listening to the professor's online class while working at a construction site.
PHOTO/S: Facebook (Justin Veras)

Multi-tasking na matatawag ang ginagawa ng isang computer engineering student sa Bulacan.

Habang nakikinig kasi sa kanyang online class, kasabay nito ang pagtatrabaho niya sa isang construction site.

Napahanga ng estudyante ang guro nitong si Justin Veras, isang college professor mula sa Bestlink College of the Philippines sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nakasaad sa post ni Veras sa Facebook noong April 28, 2021 (published as is): “Habang nagdidiscuss ako, He participates in my class by answering some of my questions about the history.

“Tapos sabay sabing ‘Sir, Pasensya na kayo nasa construction site po ako.’”

Ayon sa guro, noong una raw ay hindi niya ito pinansin. Pero napukaw raw ang kanyang atensiyon nang nakita niya sa camera ang background ng naturang estudyante.

Patuloy niyang kwento, “While I am busy explaining about our topic. Napansin ko na MAY NAGPAPALA, MAY HAGDAN AND ETC. sa place niya and it shows that he is working while listening to my lecture.

Continue reading below ↓

“Then maya maya sya babalik sa cp screen niya to give his opinion about the topic..... and my heart was really touched.”

Pinuri ni Veras ang sipag ng working student. Kalakip nito ay ang screenshots mula sa kanilang online class.

Una, ay larawan ng kanyang estudyante na half body lang ang kuha at makikita ang puting gusaling itinatayo na may mga man-made frames.

Nasa construction site nga ang estudyante.

Ang pangalawang larawan naman ay ang screenshot ng computer screen ng guro at kita ang camera ng mga online students niya, na tinakpan niya ng heart emojis.

College student attends online classes in construction siteAt press time, ang post na ito ng college professor ay may 51,000 shares at 138,000 likes.

Continue reading below ↓

A WORKING STUDENT

Via direct messaging, kinumpirma ni Veras sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, May 3, na ang kanyang estudyante ay freshman.

Readings in the Philippine History naman ang subject na itinuturo ni Veras.

Nakapanayam naman sina Veras at ang kanyang estudyante sa Teleradyo ng ABS-CBN noong April 30, 2021.

Dito tinukoy ni Veras ang kanyang estudyante bilang si Mr. Dela Cruz, 23.

Naikuwento rin ng guro kung paano niya nakita ang pagtatrabaho ni Mr. Dela Cruz habang nag-o-online class sila.

Aniya, “All of my students are encouraged to open their cameras during our virtual class so that makita ko dapat kung ano yung mga ginagawa nila: kung nakikinig pa sila for my lecture and so on.

“Then before the start of the class, I leave one question to them about the history na topic namin for that day.

“And then itong si Mr. Dela Cruz, sumagot. After niyang sumagot, sabi ko, ‘Mr Dela Cruz, please open your camera.’

Continue reading below ↓

“Tsaka niya sinabi sa akin na, ‘Sir, pasensiya na, nasa construction site.’

“And then nung sinilip ko yung class ko, yung mga students ko, nakita ko [sa camera ni Mr. Dela Cruz] na merong nagpapala, may hagdan…

“’Tapos meron pa nga akong nakita sa kanya na parang meron siyang kasama, meron silang ginagawa.

“It is related to the construction. I think nagpapala or something… May hinahalo sila, like that.

“And sabi ko, 'Yung student ko nakikinig siya habang nagtatrabaho.’

“And then tinry ko pa talaga kung nakikinig. So, nagtanong ako another question and then ang ginawa, lumapit siya sa screen and he shared his opinion related to the topic na dini-discuss ko.

“Sabi ko, ‘Ang galing ng bata na ito. Sabi ko nga na-inspire ako sa batang ito.’”

Naantig daw si Veras dahil naging working student din siya noon. Alam daw niya ang pakiramdam ng pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral.

Continue reading below ↓

Nakapanayam din sa Teleradyo ang estudyante, na nagpatawag na lamang na “Rich.”

Sabi ng estudyante, ang pagtatrabaho niya sa construction site ay paraan para sa maka-ipon siya para sa kanyang pag-aaral.

Sa totoo lang daw ay kakasimula lang niya bilang constuction worker.

“Kelan lang po. Bale nung nag-open ng MECQ [Modified Enhanced Community Quarantine] yung lugar namin."

Kuwento ni Rich, bago pa siya tumuntong ng kolehiyo, napag-isip-isip na niyang maghanap ng mapagkakakitaan upang matustusan ang kanyang pagkokolehiyo.

“Kasi po yung senior high pa lang po ako, inaano ko na po mag-apply ng trabaho para pag college ko, masuportahan ko ang sarili ko.

“Twentry-three years old na rin po ako. Medyo nahihiya na rin po ako sa mga magulang ko na umasa pa.

“Kaya gumawa po ako ng paraan para makahanap po ng trabaho at matulungan po ang sarili ko.”

Isang housewife raw ang kanyang ina at isang electrician ang kanyang stepfather, na nagtuturo rin sa kanya sa pagtatrabaho.

Continue reading below ↓

“Yung suweldo ko po napupunta lang talaga sa pag-aaral ko.”

Sundot na tanong kay Rich, paano siya nakakapag-concentrate sa pag-aaral kung isinasabay niya rito ang kanyang trabaho sa construction site?

“Ginagawa ko po, nagsusuot po ako ng earphones para kahit [nakatago] yung camera ko, naririnig ko pa rin ang sinasabi ng teacher.”

Bakit ayaw niyang isakripisyo ang kanyang pag-aaral?

“Ang katwiran ko po kasi pag may natutunan ka, may tubo ka. May interes ka po, so onting sakripisyo lang po ang ginagawa ko.”

Laking galak naman ni Rich na matapos mag-viral ang post ng kanyang guro, may mga nagpaabot ng tulong via online wallet.

“Medyo nagulat din po ako kasi di ko po akalain yung normal lang para sa akin, malaki pala para sa kanila iyon.”

Aniya tungkol sa mga nagpaabot ng tulong pinansiyal, “Yung iba pa nagbibigay po sa GCash ng malilit na halaga, na pag pinagsama-sama po, malaking bagay.”

Continue reading below ↓

Samantala, ang mga nais tumulong kay Rich ay maaari ring magpaabot ng tulong sa gurong si Veras.

Sa panibagong update ni Veras nito lamang linggo, May 2, sinabi nitong nakalikom na sila ng halaga para masuportahan si Rich sa dalawang susunod na semesters ng kanyang pag-aaral.

Post ni Veras (published as is): “JUST AN UPDATE with MR.DELA CRUZ, A VIRAL STUDENT who attended with my virtual class while working at construction site.

“I personally give all of the cash na nagmula sa mga nainspired na tao at nagpadala ng mga maliliit at naging malaking halaga upang makatulong sa kanyang pag-aaral.

“Dahil po sainyong mabuting puso, Nakalikom po tayo ng halagang sasapat para sa kanyang bayarin sa school para sa dalawang semester, at ang sosobra ay ibibigay na rin po nya sa kanyang magulang para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.”

Ipinost din ng guro ang larawan niya kasama ang kanyang estudyante.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
College professor, Justin Veras (right photo, wearing yellow t-shirt) and his student, Mr. Dela Cruz (in white t-shirt) meet face to face. Right photo shows camera of student listening to the professor's online class while working at a construction site.
PHOTO/S: Facebook (Justin Veras)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results