Physician board exam topnotcher declines offers from abroad to work in remote barrio

by Bernie V. Franco
May 11, 2021
Meet Dr. Tipoy Villarino, a topnotcher in the physician licensure exam in 2019 who turned down opportunities for lucrative practice. Instead, he chose to serve the poor people of Godod, his birthplace in Zamboanga del Norte.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Nakatanggap ng maraming alok si Dr. Temie Paul “Tipoy” Villarino na magtrabaho sa loob at labas ng bansa matapos maging isa sa topnotchers ng 2019 physician board exam.

Pero tinanggihan niya ang lahat ng alok at mas piniling maging doktor sa isang liblib na lugar, kung saan siya lumaki.

Nangako sa sarili si Dr. Tipoy na maglilingkod siya sa kanilang lugar na salat sa atensiyong medikal.

Si Dr. Tipoy ay top 9 sa March 2019 physician licensure examination at nakakuha ng grade na 87.42 percent.

Dr. Tipoy Villarino

Continue reading below ↓

Siya ay nagtapos mula sa West Visayas State University-La Paz sa Iloilo City, Western Visayas.

Itinampok ang kuwento ni Dr. Tipoy sa I-Witness ng GMA Public Affairs nitong Sabado, May 8, 2021.

HIS VOW TO SERVE, BE PART OF SOLUTION

Si Dr. Tipoy ay lumaki sa isang barangay sa maliit na bayan ng Godod, isa sa mga pinakaliblib na lugar sa Zamboanga del Norte.

Ang Godod ay may 18,000 population sa kasalukuyan.

Si Dr. Tipoy ang nag-iisang municipal doktor doon.

Mula sa bayan, aabutin ng apat na oras sa paglalakad para makarating sa San Pedro dahil sa mahirap at mabatong daraanan.

Paglalarawan pa ni Dr. Tipoy, “rocky road” ang tawag sa daan papunta sa kanilang barrio, bagay na lalong nagpatibay sa desisyon ng doktor na magsilbi sa lugar kung saan siya lumaki.

Ani ni Dr. Tipoy kay Kara David, host ng I-Witness, “Gusto kong maging part ng solution, kasi napakadaming problema ng ating bansa.

Continue reading below ↓

“Napakadaling magreklamo po, sa totoo lang. Sa dinami-dami ng problema na pinapasan ng ating bansa, napakadaling magreklamo.

“But I’m trying my best to be part of the solution by being a physician, a doctor sa malayo at mahirap na bayan.”

Dahil daw sa liblib at bulubundukin ang kanilang lugar, marami ang namamatay sa kanilang lugar na hindi man lang nakapagpapatingin sa mga doktor.

Siya raw mismo ay namatayan noon ng isang mahal sa buhay dahil walang doktor sa kanilang napakalayong lugar.

Hindi raw nakumpleto ng kanyang kapatid ang pagpapabakuna na naging sanhi ng maaga nitong pagpanaw.

Pagbabahagi ni Dr. Tipoy, "Naging ano siya full blown po talaga na tetanus, so namatay po siya.

“So, doon ko po na-realize na kahit simpleng bakuna lang ay napakahalaga kasi bakuna lang, dalawang turok, tatlong turok, puwede po yung makapagsalba ng buhay.”

Paliwanag pa niya, “During that time, mga 1980s, magulo po kasi ang bayan namin.

Continue reading below ↓

"There was an arms struggle, so yung mga midwives umalis po sila dito sa amin."

Ito ang nag-udyok kay Dr. Tipoy na ipangako sa sarili na magiging doktor siya ng kanilang barrio balang araw.

“During the review phase ng aking journey as a physician, isa sa mga prayers was that kung magiging topnotcher ako, I will go back to serve my hometown.

“So yun yung panata ko sa Diyos natin, na babalik talaga ako dito."

Inilarawan rin ng doctor ang karalitaan ng kanilang barrio.

Lahad ni Dr. Tipoy, “Sixty-four percent ng aming population belongs to the poverty line, so talagang ang dami pong mahihirap dito.

“When I first came here, nagulat po ako dito sa dami talaga ng pasyenteng nagpapakonsulta.

“Sa isang araw siguro, aabot ng fifty to sixty [patients], So, uulitin mo iyon mula Monday hanggang Friday po.”

CURRENT GOAL AS A DOCTOR

Ang current goal niya ay mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang barrio.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Kahit gaano kahirap ang trabaho, eto yung pinili ko.

“Part ng journey ko bilang isang doktor, ng isang manggagamot ang ganitong klase na sitwasyon, ang ganitong klase ng kalakaran.

“Palagi kong iniisip things will get better in time, at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para hindi kakalat yung COVID sa amin, para hindi ako mahawaan ng sakit.”

Dr. Tipoy Villarino

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Dr. Tipoy, hindi siya espesyal dahil marami ring kagaya niyang “doktor na naninilbihan sa mga mga liblib na lugar dito po sa ating bansa.”

Aniya, “So sila po, kami, kasamahan namin, pinili po namin magsilbi sa mga lugar na hindi nase-serve. I’m just one of the representatives po.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Dr. Tipoy Villarino, a topnotcher in the physician licensure exam in 2019 who turned down opportunities for lucrative practice. Instead, he chose to serve the poor people of Godod, his birthplace in Zamboanga del Norte.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results