OFW in Dubai gets brand-new car from YouTube vlogger, thanks to employer's nomination

May 12, 2021
Jeric, an overseas Filipino worker in Dubai, was nominated by his employer, and was chosen by YouTube automotive sensation Supercar Blondie as one of the recipients of the brand-new cars she was giving away.
PHOTO/S: YouTube (Supercar Blondie)

Hindi kailang kahit ibang lahi ay hinahangaan ang overseas Filipino workers (OFW) dahil sa sipag at dedikasyon nila sa trabaho.

Ito rin ang kuwento ng isang OFW sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), kung kaya’t napili siya ng kanyang employer na i-nominate sa isang contest para manalo ng brand-new car.

Paglalarawan naman ng YouTube sensation na nagpasimuno ng contest, “well-deserved” ang pagkakapili sa OFW.

THE CONTEST

Noong March 29, 2021, in-upload ng YouTube vlogger na si Supercar Blondie ang kanyang video, kung saan namigay siya ng three brand-new cars.

Si Supercar Blondie a.k.a. Alex Hirschi ay isang Australian social-media celebrity.

Kilala siya dahil sa kanyang automotive videos at 12 years na siyang naka-base sa Dubai.

Sa Facebook, meron siyang higit sa 32 million followers; halos 9 million followers sa Instagram; at 6 million subscribers sa YouTube.

Sa kanyang pa-contest, namigay siya ng tatlong brand-new cars sa tatlong “families in need” bilang way of giving back niya sa community sa Dubai.

Continue reading below ↓

Sa announcement ni Super Blondie, sa loob ng 24 oras ay tatanggap sila ng letter senders via email para mag-nominate ng taong nais nilang mabigyan ng kotse at bakit.

Nakatanggap ang team ng social-media influencer ng higit sa 2,700 emails sa loob lamang ng isang araw.

Nilinaw niya na bawat liham ay kanilang binuksan at pumili ang kanyang team kung sino sa libu-libong ito ang ang pinaka-karapat-dapat mabigyan ng kotse.

JERIC, A FILIPINO

Ang unang letter-sender ay si Abir, isang female businesswoman sa Dubai.

Ninomina ni Abir ang kanyang mapagkakatiwalaang trabahador, si Jeric, isang OFW.

Sa panayam niya, puring-puri nito si Jeric at inisa-isa ang mga dahilan kung bakit ang kanyang Pinoy employee ay karapat-dapat sa car prize.

Hindi idinetalye ni Abir kung ano ang nature ng kanyang business, pero mahihinuhang food business ito at posibleng isa sa waiters si Jeric.

Dubai OFW Jeric

Continue reading below ↓

Ani Abir, “He’s not only one of my fine assistants, he’s one of my main team members.

“He joined us three years back. He came from Philippine[s] empty pockets.

“With the help of his brother-in-law and sister, they had him secure a job here in One Business Center.”

Ang One Business Center o OBC ay isa sa mga premium business centers sa Dubai.

Pagpapatuloy ni Abir tungkol kay Jeric, “He has a memory of an elephant. He can memorize everyone’s order with zero mistake. Always a smile on his face.”

Dahil daw sa pandemya, kinailangang bawasan ni Abir ang sahod ng kanyang mga empleyado.

Pero hindi raw niya nakitaan ng lungkot si Jeric.

“During the pandemic, when everyone was on cut on their salary, the smile never left his face.”

Nabanggit din ni Abir na nagdesisyon munang umuwi na sa Pilipinas si Jeric, pero babalik daw ito sa Dubai kapag maayos na ang lahat.

Continue reading below ↓

“He actually decided to go back to Philippine[s] to support the poor family there.

“His mom was alone because his dad passed away.

“He said that, ‘I can live there with less money and I’m ready to come back to Dubai once it’s open.’"

Puri niya kay Jeric, “All the team members rely on him because he never say no. It doesn’t exist in his dictionary.”

Dagdag pa ng businesswoman, “Jeric has some health issues I’m not at liberty to discuss it today.

“If I had the help and the capabilities, I’ll always choose Jeric.”

A BRAND-NEW CAR FOR JERIC

Sa video, makikita si Jeric na naglalakad sa malawak na parking area kasama ang kanyang boss at ang staff ni Supercar Blondie, na nagtatago naman sa gilid ng isang naka-park na kotse.

Nagulat si Jeric nang biglang lumabas si Supercar Blondie at nakilala ng OFW ang sikat na vlogger.

Nagsalita si Supercar Blondie at binanggit ang mga papuring naririnig niya tungkol kay Jeric, dahilan para punasan ni Jeric ang kanyang mga luha.

Continue reading below ↓

Hindi napansin ni Jeric na sa kanyang likuran ay gumagalaw ang isang truck, lulan ang isang Hyundai Lantra na ibibigay sa kanya.

Nang sabihin ng vlogger kay Jeric na tumalikod at sinabing sa kanya na ang kotse, lalong napaiyak si Jeric.

Maririnig din si Jeric na tinawagan ang kanyang ina sa Pilipinas at ikinukuwento sa Tagalog ang malaking suwerteng natanggap niya.

Sa sumunod na eksena, makikita si Jeric at Supercar Blondie na nag-uusap sa loob ng bagong kotse.

Dubai OFW Jeric wins brand new car

Continue reading below ↓

Dito binanggit ni Jeric na nagtatrabaho siya para sa kanyang ina.

“My mom will cry for sure. It’s for my mom that’s why I’m always making hard [work].”

Nabanggit pa ni Jeric na noong umagang iyon ay tumawag siya sa ina at naiyak siya dahil alam niyang malungkot ang kanyang ina.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric, an overseas Filipino worker in Dubai, was nominated by his employer, and was chosen by YouTube automotive sensation Supercar Blondie as one of the recipients of the brand-new cars she was giving away.
PHOTO/S: YouTube (Supercar Blondie)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results