Street sweeper in her 50s earns college degree

by Bernie V. Franco
May 13, 2021
Meet Ofelia Mondaya—56-year old mom, grandmother, former street sweeper for 23 years, and recent college graduate with a degree in Business Administration Major in Marketing
PHOTO/S: Facebook/ABS-CBN Entertainment

Kuwento ng inspirasyon ang naging buhay ni Ofelia Mondaya, 56, na mula sa Batangas.

Si Ofelia, na isang street sweeper, ay nakapagtapos ng kolehiyo noon lamang July 2020.

Hindi hinayaan ni Ofelia na maging hadlang ang kanyang edad para tuparin ang pangarap na makakuha ng college degree at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Sa katunayan, isa ang ginang sa tatlong babaeng Natatanging Batangueño 2021 RotAwardees ng Rotary Club of Batangas nito lamang February 2021.

Street sweeper Ofelia Mondaya college graduation

Continue reading below ↓

Ganito ang pagsasalarawan kay Ofelia: “A 5[6] year old long time streetsweeper with 7 children who didnt stop to reach for her dreams of finishing college despite poverty and old age.

“Graduated BS Business Administration, she now works for the City Government of Batangas as office clerk.

“She was also featured in different Social Media and TV Shows for her exemplary vocational service.”

Ayon sa Facebook account ni Ofelia, nagtapos siya sa Colegio ng Lungsod ng Batangas at kasalukuyang nagtatrabaho bilang Admin Aide 1 sa Batangas City government.

Isa ring lola si Ofelia at labindalawa ang kanyang apo.

A STREET SWEEPER’S DREAM

Higit sa dalawang dekada siyang nagtrabaho bilang street sweeper,

Ano nga ba ang naging motivation ni Ofelia para magbalik-eskuwela at magpursige sa pag-aaral?

Tugon niya nang maitampok ang kanyang kuwento sa ASAP Natin ‘To noong July 2020, “Ang nag-motivate po sa akin na magpatuloy ay ang kahirapan ng buhay.

Continue reading below ↓

“Kailangan ko pong kumilos at may gawin upang maiangat ang pamumuhay ng aking pamilya.”

Hindi pala siya nakapagtapos ng elementarya, pero hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Aniya, “Grade IV lang po yung natapos ko at pinatigil na po ako ng aking mga magulang.

“Para daw po sa kanila, sapat na yung marunong sumulat at bumasa.

“Twenty-three years na po akong street sweeper. Mahirap dahil hindi maiwasan na mabasa ng ulan, mabilad sa init.”

Street sweeper Ofelia Mondaya graduation photo

Continue reading below ↓

Sa kabila raw nito, hindi niya isinuko ang kanyang pangarap na maka-graduate.

Kaya naman, hindi pinalampas ni Ofelia ang pagkakataon nang madiskubre niya ang Alternative Learning System Accreditation and equivalency (ALS A&E) test.

Patuloy niyang kuwento, “Nagsimula akong mag-aral noong 2014 dito sa lungsod ng Batangas sa ilalim ng sa ilalim ng Alternative Learning System.

“Nagkaroon ng programa ang city government na libreng pag-aaral sa kolehiyo.”

At pagkalipas nga ng tinatayang lima o anim na taon, nakapagtapos si Ofelia sa kursong Bachelor of Science andBusiness Administration Major in Marketing.

Sabi niya, “Masayang-masaya po ako na sa wakas natupad na po yung pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral.”

OFELIA'S WORDS OF WISDOM

Sa ASAP interview, naibahagi ng anak ni Ofelia na si Crizel ang hirap na pinagdaanan ng kanyang ina habang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang street sweeper.

Lahad ni Crizel, “Masipag, mapagmahal hindi lang po sa aming mga anak, ganoon din po sa kanyang mga apo.

Continue reading below ↓

“Nakita namin yung paghihirap ni Mama, lalo na sa mga aralin niya.

“Hindi po siya natutulog hangga’t hindi niya natatapos. ‘Tapos, kinabukasan, pumapasok pa siya sa trabaho.”

Proud daw si Crizel sa kanilang ina na nagsisilbing inspirasyon sa mga taong may pangarap sa buhay.

Payo naman ni Ofelia sa mga kabataan: “Ipagpatuloy ninyo ang mga pangarap.

“Huwag nating gawing dahilan ang kahirapan para huminto.

“Ginagawa natin ito hindi lang sa ating sarili, para sa ating pamilya, at sa ating kapwa.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Ofelia Mondaya—56-year old mom, grandmother, former street sweeper for 23 years, and recent college graduate with a degree in Business Administration Major in Marketing
PHOTO/S: Facebook/ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results