Nurse recounts how she and colleague evacuated 35 babies to safety during PGH fire

by Bernie V. Franco
May 19, 2021
Nurse Kathrina Bianca Macababbad on evacuating 35 babies during PGH fire: “Di ko alam kung saan nanggaling iyon pero wala akong naramdamang takot sa dibdib ko."
PHOTO/S: up.edu.ph/Kathrina Bianca Macababbad

Isang kabayanihan ang ipinamalas ng isang nurse na nakatalaga sa neonatal intensive care unit (NICU) ng Philippine General Hospital nang magkasunog sa isang bahagi ng building nitong Sabado, May 15, 2021.

Sa kabila ng nakababahalang pangyayari, wala raw naramdamang takot ang nurse na si Kathrina Bianca Macababbad habang inililikas niya at ng kasamahan niyang si Jomar Mallari ang walang muwang nilang mga pasyente sa ligtas na lugar.

Sa kanyang Facebook page, inilahad ni Kathrina, 28, kung paano nila sinagip ang 35 newborn babies during their "longest night shift duty."

At this writing, ang Facebook post na ito ni Kathrina ay may 138,000 shares at 426,000 likes.

Ipinost ni Kathrina ang larawan ng mga sama-samang supling na walang kamalay-malay sa panganib na kanilang sinapit.

Gayunpaman, lahat sila ay ligtas na.

Kaya kalmado na ang tono ni Kathrina nang ilahad niya ang kanyang pinagdaanan.

Bungad ng post ni Kathrina, “Longest night shift duty!

Continue reading below ↓

“Enjoy na enjoy pa ako nagpapaligo ng mga baby loves (patients) ko ng biglang may nagbukas ng pinto ko at sabi ay magprepare ng mag evacuate dahil may sunog.”

Ramdam rin sa paglalahad ni Kathrina ang bigat ng kanyang kalooban na hindi nila maaaring sabay-sabay na ilikas ang kanilang pasyente, lalo’t ang ilan sa mga ito ay may sensitive condition.

Kuwento niya, “Ventilator dependent ang lima sa anim na patients ko, isa lang ang naka room air.

“Nakakaiyak na habang bitbit ko yung mga kayang huminga mag isa, maiiwan yung mga naka intubate at ventilator.”

Marahil sa tawag ng tungkulin o higit pa rito, may kung ano raw nag-udyok sa dalawang nurses na balikan ang iba pang pasyenteng mga sanggol at ilikas sa ligtas na lugar.

Pagpapatuloy ni Kathrina, “Pagdating sa open area sa baba, ewan ko kung ano sumapi sa amin ni Jomar Mallari at bumalik kami sa taas para ma evacuate din yung ibang baby na naka ventilator.

Continue reading below ↓

“Nag ambu bag while carrying the baby ang scenario.”

Ambu bag ang tawag sa manual resuscitator o kaya ay "self-inflating bag".

Dugtong ni Kathrina, “Nakapag shopping rin ako ng emergency equipment (pang intubate, ambubag, ETs, oxygen cannula, emergency meds, pang swaddle ng baby, IV fluids, syringes) pinag kasya ko lahat sa ecobag na bitbit ko.”

Mala-pelikula rin ang sumunod na eksena.

Paglalarawan ng nurse: “Sa pang limang akyat baba namin sa 4th floor NICU, namatay na pipe in oxygen at kuryente kaya naman even intubated patients, binaba na rin namin.”

Sa kabila ng sinuong na panganib, wala raw naramdamang takot sa dibdib si Kathrina.

Ang namayani lang daw sa kanya sa mga oras na iyon ay magpasalamat, “Thank you Lord for the unwavering strength and courage!!!

“Di ko alam kung saan nanggaling iyon pero wala akong naramdamang takot sa dibdib ko.

“35/35 NICU babies including critical and intubated were saved! [heart emoji]”

Continue reading below ↓

“Thank you Lord! Thank you sa lahat ng doctors, nurses, NAs, UW, security guard, RTs and firemen!”

Sabi pa ni Kathrina, sa kabila ng tensiyonadong sitwasyon, hindi nawala ang kanilang presence of mind upang tiyaking tama ang tags ng mga sanggol para walang baby switching.

“P.S. We made sure na lahat ng babies ay may baby tags. Pati crib tag dinikit namin sa diapers nila to avoid baby switching.”

Later on, napaulat na naganap ang sunog sa third floor ng PGH, partikular sa operating room sanitation area, sa central block building.

Nagsimula ito bandang 12:41 ng madaling araw at naapula ng Manila Fire Department pagsapit ng 5:41 a.m.

">

Continue reading below ↓

HELP ON THE WAY

Samantala, ang mga sanggol naman ay inilipat sa Sta. Ana Hospital.

Sa pagkalat ng post ni Kathrina, marami ang nanawagang bigyan ng tulong, partikular ang breast milk, ang 35 na sanggol.

Ngayong hapon, May 19, ibinahagi ni Kathrina ang pagdagsa ng mga donasyon.

Isang concerned netizen na nag-launch ng drive na makakuha ng breast milk para sa 35 babies ang nagbigay ng update.

Ni-repost ito ni Kathrina.

Ayon sa post, dumagsa ang kahon-kahon at mga bags ng breast milk para sa mga babies.

Sa sobrang dami raw ay pinroblema nila ang kakulangan ng storage.

Update eng concerned netizen: "We did not expect we’ll be flooded with breastmilk donations.

“All freezers of PGH NICU are full, and they said it can last for months. They diverted their donations to ours, however we reached full capacity too.”

Inaasahan daw tatagal ng ilang buwan ang supply ng breast milk.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nurse Kathrina Bianca Macababbad on evacuating 35 babies during PGH fire: “Di ko alam kung saan nanggaling iyon pero wala akong naramdamang takot sa dibdib ko."
PHOTO/S: up.edu.ph/Kathrina Bianca Macababbad
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results