Two Philippine Science High School grads get offers from prestigious universities abroad

by Bernie V. Franco
May 25, 2021
Two fresh graduates from different Philippine Science High School branches have been offered admission to prominent universities abroad. Meet Maria Charisma Estrella (L) and Dominic R. Navarro.
PHOTO/S: Facebook (Philippine Science High School System)

Pinatunayan ng dalawang kabataang Pinoy ang kanilang husay sa akademya matapos nilang makatanggap ng offers mula sa iba’t ibang respetadong unibersidad sa ibang bansa.

Una si Maria Charisma Estrella, na bahagi ng Batch 2021 mula sa Philippine Science High School (PSHS) Calabarzon Region Campus.

Ang ikalawa ay si Dominic R. Navarro ng PSHS – Ilocos Region Campus, Batch 2021.

MARIA CHARISMA ESTRELLA

Si Charisma ay mula sa Silang, Cavite.

Ipinost sa Facebook page ng PSHS System ang admission offers ni Charisma sa dalawang kilalang unibersidad sa ibang bansa: ang New York University (NYU) sa Amerika, at Yale University – National University of Singapore (NUS) College naman sa Singapore.

In-offer-an ng NYU si Charisma ng Dual Degree Program of BS Biology and BS Biomolecular Engineering with a scholarship grant.

Ang NYU ay isa sa mga pinakaprominente at respetadong private research university sa New York City.

Sa Yale University - NUS College naman ay alok na “with inclined interest towards Molecular, Cellular, and Developmental Biology.”

Continue reading below ↓

Ang Yale University - NUS ay liberal arts university na itinayo ng Yale University at NUS College.

Bagamat nag-graduate ngayong Mayo, hindi biro ang dinanas na hamon ni Charisma, lalo’t ngayong may pandemya.

Naapektuhan ang kabuhayan ng kanyang mga magulang bunsod ng COVID-19 crisis.

Pero hindi ito naging hadlang kay Charisma para maka-graduate.

“The struggle is ultimately real with the new setup, not to mention the different environments that are sometimes not really conducive to learning,” sabi niya sa panayam ng GMA News Online.

Pero hinikayat niya ang mga kapwa niya estudyante na tanggapin nila ang hamon para magsikap gawin ang kanilang makakaya.

Aniya, “To all students who are having a hard time at school or for those who are stressed, tired, burned out, and overall struggling with online class, don’t worry because you’re not alone.”

At press time, hindi pa nakakapagdesisyon si Charisma kung anong offer ang pipiliin niya.

Continue reading below ↓

DOMINIC NAVARRO

Tatlong offers naman mula sa tatlong respetadong unibersidad sa ibang bansa ang natanggap ni Dominic R. Navarro ng PSHS – Ilocos Region Campus, Batch 2021.

Si Dominic ay may alok na scholarship grant mula sa Jacobs University Bremen, Germany para sa kursong BS Mathematics.

Ang Jacobs University Bremen ay “private, English-speaking campus university in Germany with highest standards in research and teaching following an interdisciplinary concept,” ayon sa website nito.

Dalawang kilalang universities din sa Amerika ang nagbigay ng offers kay Dominic.

Isa na rito ang Bentley University na may offer kay Dominic ng “Provost Scholarship, BS Actuarial Science”.

Ang Bentley University ay isang pribadong university na matatagpuan sa Waltham, Massachusetts.

May offer din ang binata mula sa University of Wisconsin-Madison na direct admission to "the very competitive BBA Actuarial Science program of Wisconsin School of Business”.

Ang University of Wisconsin-Madison ay isang top-rank research university na itinatag noong 1848.

Continue reading below ↓

Sa Facebook account ng Atheris 2021, ang Batch 2021 ng PSHS, binanggit ang katangi-tanging memorya ni Dominic.

At sa kabila ng kanyang talino, isa rin siyang binatang may pagkapilyo na kinagigiliwan ng mga kasamahan niya.

“Often portrayed as an intellect, Mico is definitely not a stranger to academe.

“His impeccable memory and vast knowledge are quite exceptional, helping him unlock the inner workings of the universe and create innovations that are out of this world.

“Because of this, he might seem intimidating; however, past his walls are his mischievous quirks and cute habits everyone loves.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two fresh graduates from different Philippine Science High School branches have been offered admission to prominent universities abroad. Meet Maria Charisma Estrella (L) and Dominic R. Navarro.
PHOTO/S: Facebook (Philippine Science High School System)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results