VIRAL: 10-year-old boy ploughs field to help put food on the table

by Bernie V. Franco
Jun 1, 2021
Ten-year-old boy Reymark Mariano's playground is a two-hectare field, and his playmate is a horse he named Rabanos. Under the scorching heat of the sun, he ploughs the field to earn money for his family.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

“Mahirap dahil maliit lang ako, pero kinakaya ko para sa aking pamilya.”

Ito ay mula sa bibig ng isang 10-anyos na si Reymark Mariano, na sa murang edad ay nagbabanat na ng buto para matulungan ang pamilya na makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Sa Reymark ay nag-aararo sa dalawang ektaryang lupain sa Sultan Kudarat, katuwang ang kanyang kabayong si Rabanos.

Na-feature ang kuwento ni Raymark sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ng GMA News and Public Affairs nito lamang Mayo 2021.

Maraming manonood ang naantig sa kanyang kuwento.

Sa musmos na kaisipan, tanggap na ni Reymark na mahihirapan siyang makaahon sa buhay.

Ang tanging nais lang niya ay makakain ng tatlong beses sa isang araw ang pamilya.

“Wala na po kaming chance na magyaman sa mundo dahil ang amin lang po sa isang araw makakain ng tatlo,” ang madamdaming pahayag ng bata.

Mahirap daw ang buhay nila dahil kapos sila sa pera. Kung walang pera, wala silang pangkain.

Continue reading below ↓

Napilitan ang bata na magtrabaho sa bukid dahil ang kanyang ama ay sinampahan ng kasong illegal possession of firearms.

“Nagawa ko pong mag-araro dahil lang sa kanya.

“Hindi rin niya gusto pero kahit anong gawin, Ma’am, ganoon talaga.

“Gusto ko sana na makasama siya, Ma’am, dahil napapagod na po ako mag-araro dahil lang sa kanya,” ang sabi pa ni Reymark sa KMJS.

Sa mga sumunod na pahayag, bakas ang hinanakit ni Reymark dahil ang batang katulad niya ay dapat nag-aaral at naglalaro.

Pero wala siyang magawa dahil nakakulong ang ama.

“Kung nandito lang po siya, hindi na po ako maggawa noon.

“Maliit pa ako ganito na tinatrabaho ko.

“Pero sige lang, kakayanin ko para sa pamilya ko.

“Na akalain mo ang ibang bata ang suwerte nila dahil may nanay sila at tatay.

“’Tapos iniinsulto nila ang kanilang nanay at tatay.

“Kung ako po yun, Ma’am, napakasuwerte ko na po sa mundo.

Continue reading below ↓

“Di ko po sinasalita ang aking nanay at tatay nang masakit.”

KMJS araro boy story reymark mariano

Si Reymark ay lumaki kasama ang kanyang Lolo Rudy at Lola Nerie.

Tatlong taong gulang pa lang si Reymark ay iniwan na siya ng kanyang ina at nagkaroon ng ibang pamilya at mga anak.

Continue reading below ↓

Katuwang ni Reymark sa pagbubukid ang lolo, na siya namang nag-aasikaso sa mga pananim.

Malabo na ang paningin ng lolo ni Reymark. Ang kanyang lola naman ay dalawang beses nang nakaranas ang atake.

Kumikita sila ng sampung piso kada isang kilo ng tanim nilang labanos, kung saan din nila nakuha ang pangalan ng kanilang kabayo.

Sabi naman ni Lolo Rudy, siya ang bumili ng baril ng ama ni Reymark bilang pangdepensa mula sa mga unggoy, baboy, at ahas sa bukirin.

Nang umere ang episode ni Reymark sa KMJS noong May 23, nabigyan siya ng school supplies, financial assistance, at grocery items ng programa.

Nakipag-ugnayan rin ang KMJS sa local government unit at regional branches sa Sultan Kudarat ng government agencies.

Kabilang dito ang Department of Labor and Employement (DOLE), Department of Agriculture (DA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mabigyan ang assistance ang pamilya ni Reymark.

At press time, mayroon nang higit sa 8.5 million views sa GMA Public Affairs YouTube ang kuwento ni Reymark.

Continue reading below ↓

PRIVATE INDIVIDUALS EXTEND HELP

Hindi dito nagtatapos ang pagtampok sa kuwento ni Reymark sa KMJS.

Kahapon, May 31, nagkaroon ito ng ikalawang bahagi para ipaalam ang pagdagsa ng tulong para sa bata.

May mga private individuals at groups na nagkaisa para tulungan ang bata.

Ilan sa mga concerned citizens ay personal na iniabot ang tulong kay Reymark.

Ang kanilang maliit na tahanan, napuno ng sako-sakong bigas at grocery items.

May nag-donate din ng bisikleta kay Reymark.

Isang private citizen din ang nag-post ng announcement sa social media at nakalikom ng PHP100,000 para kay Reymark.

Ibinili rin ng private individual na ito si Reymark ng bagong kabayo dahil matanda na raw si Rabanos.

help for reymark mariano

Continue reading below ↓

Isa ring Overseas Filipino worker, si Stewart Portaves, na nasa Canada ang naantig sa istorya ni Reymark.

Via Facebook, nanawagan siya sa kanyang mga kasamahan sa Facebook para makalikom ng pondo at umabot ito ng PHP180,000.

Nangako rin si Stewart na tutulungan nila si Reymark na makapunta sa abroad kapag nasa tamang edad na ito.

Sa mga biyaya at tulong na bumuhos kay Reymark ay muli siyang naiyak, pero sa pagkakataong ito, saya ang dahilan ng kanyang pagluha.

Pagkalipas lamang ng dalawang araw, higit two million views na ang follow-up story ni Reymark.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ten-year-old boy Reymark Mariano's playground is a two-hectare field, and his playmate is a horse he named Rabanos. Under the scorching heat of the sun, he ploughs the field to earn money for his family.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results