Yuka Saso makes history as first Pinay golf player to win U.S. Women’s Open trophy

by Bernie V. Franco
Jun 7, 2021
Filipino-Japanese Yuka Saso on becoming the first Filipina golf player to win in U.S. Women's Open: “Ginusto ko lang po mag-focus sa golf ko, sa sarili ko, just to keep focusing on my goals."
PHOTO/S: YouTube (ANC 24/7 / USGA)

Ikinasisiya ng mga Pinoy ang pagkapanalo ni Yuka Saso, 19, na kauna-unahang Pilipina na nanalo sa 76th U.S. Women’s Open.

Ginanap ang tournament sa The Olympic Club San Francisco, California, June 6, 2021 (American time).

Si Yuka ay anak ng isang Pilipina at isang Hapon. Nagsimula siyang matutong mag-golf noong siya ay 8 anyos lamang.

Sinamahan ni Yuka ang South Korean na si Park Inbee bilang “youngest champion at the tournament,” dahil pareho silang nanalo sa edad 19 anyos.

Nanalo si Inbee noong 2008.

Ikinalulugod naman ni Yuka na makalaro at manalo sa naturang U.S. Women’s Open.

"I'd like to thank my family. I won't be here without them," ang emosyunal na pahayag ni Yuka sa panayam matapos ang laro.

"To all my sponsor[s] who helped me I’m really thankful.

“And to all my friends and fans back in the Philippines and Japan, I’m really thankful and I hope I can do more better and get this going.”

Continue reading below ↓

Nangako rin siyang itutuloy niya ang magandang nasimulan.

“Sa lahat po ng sumuporta sa akin from Philippines, and lahat po ng fans na nag-cheer po sa akin, and sa lahat din po ng Pilipino na pumunta din po dito sa San Francisco to watch, e, maraming-maraming salamat po, and we’ll keep going.”

Bago ang kanyang latest victory, si Yuka ay nakasungkit ng dalawang gold medal sa 2018 Asian Games: isa sa individual event at isa sa team event.

Si Yuka ang kakatawan sa Pilipinas sa Tokyo Olympics 2020 na magaganap sa July 23 hanggang August 8, 2021.

Taong 2019 nang nang makuha ni Yuka ang kanyang Ladies Professional Golf Association (LGPA) card.

YUKA saso ON MAKING HISTORY

Wala raw sa hinagap ni Yuka na siya ang magiging champion.

Pahayag nito sa CNN Philippines ngayong Lunes, June 7, ilang oras matapos ang kanyang pagkapanalo, “Hindi ko po masyado iniisip kung sino yung mananalo at sino yung matatalo.

Continue reading below ↓

“Ginusto ko lang po mag-focus sa golf ko, sa sarili ko, just to keep focusing on my goals.”

Pagbubunyag pa ni Yuka, habang naglalaro ay nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan matapos maglaro ng 18 holes.

Nakatulong naman daw ang pakikipag-usap niya sa kanyang caddie para kumalma siya.

Aniya, “Medyo masakit po yung tiyan ko kanina, pero ngayon okay naman na po. Nagutom lang po ata.”

Alam ni Yuka na nagsisimula pa lang ang kanyang paglalakbay bilang professional golf player.

“Sobrang saya ko po na history po yung ginawa ko. I think there’s still a long way to go for me, so I just want to keep on working.”

Nausisa rin si Yuka kung kailan niya balak bumalik sa bansa.

“Pinag-uusapan pa po namin. I have to talk to my family. Gusto ko po sana kami pong lahat.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-Japanese Yuka Saso on becoming the first Filipina golf player to win in U.S. Women's Open: “Ginusto ko lang po mag-focus sa golf ko, sa sarili ko, just to keep focusing on my goals."
PHOTO/S: YouTube (ANC 24/7 / USGA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results