This 16-year-old girl becomes millionaire in one year through online selling

by Bernie V. Franco
Jun 9, 2021
This 16-year-old Grade 10 student is a certified millionaire after venturing into online selling with the help of her mom, Irene, who is also in the same business.
PHOTO/S: Facebook (Unang Hirit)

Milyonarya sa edad na 16 anyos. Nagawa niya ito sa loob lamang ng isang taon.

Ito ang achievement ng teenager at Grade 10 student na si Mica Irish Oloris mula sa Cavite City.

Naging certified milyonarya si Mica dahil sa online selling ng beauty products.

Nagawa niya ito sa tulong ng kanyang inang si Irene Oloris, na isang businesswoman.

Sabi ni Mica, “Kasama ko po si Mama sa lahat ng pag-start, pati pag-travel ko po. Sinupport po ako at ginuide niya po ako sa lahat."

Ikinatutuwa rin daw ng teenager na hindi nasayang ang kanyang pagsisikap, lalo pa't sobra-sobra pa nga raw sa kanyang inaasahan.

Aniya, “Syempre naman po naging masaya ako dahil bihira lang po sa ka-age ko po ‘yung magkaroon ng PHP1 million agad.”

Naitampok ang kuwento ni Mica sa GMA-7 early-morning talk show na Unang Hirit, noong June 3, 2021.

Hindi rin naging madali para kay Mica ang pagnenegosyo dahil isinabay niya ito sa kanyang pag-aaral.

Continue reading below ↓

Pero naitawid niya pareho ang pagnenegosyo at pag-aaral dahil sa time management.

Conscious effort naman ni Irene na turuan ang anak sa online selling para may ibang pagkaabalahan.

HER MOM'S GUIDANCE

Bukod sa online selling, may spa business din ang ina ni Mica.

Lahad ni Irene, “Kasi siyempre at her age, iyan yung tipong ano, kinikilig-kilig muna sa mga crush, di ba?

“Parang do’n mula sila mas nakaka-focus.”

Naisip daw ng businesswoman na impluwensiyahan ang kanyang anak lalo’t ngayong pandemya ay maraming kabataan ang nagkakaroon ng mental-health issues.

“Nakita ko kasi na nagkakaroon yung mga kabataan ngayon ng… yung medyo anxiety, depression.

“So, iniba ko yung focus niya at in-introduce ko sa kanya yung business.”

Continue reading below ↓

Mabilis naman daw natuto si Mica dahil bata pa lamang, namulat na siya sa pinagkakakitaan ng ina.

Proud si Irene na may naipundar na si Mica sa murang edad.

Kuwento pa niya, “Since bata pa lang naman siya, sinasama ko na siya sa negosyo, kaya medyo hindi na nahihirapan itong si Mica.

“Sobrang proud talaga ako kay Mica, yung mga na-achieve niya."

Sabi pa ni Irene noong ka-edad niya ang kanyang anak ay laro lang ang inaatupag niya, "Kasi, siyempre, at that age siguro nagtsa-Chinese garter pa yata ako noong time na iyon.”

Ito naman ang payo niya sa gaya niyang mga magulang pagdating sa kanilang mga anak.

“Dapat ang gagawin sa bata is yung prepare natin yung mindset nila, na kailangan magkaroon sila ng proper mindset in terms of business.”

Samantala, may advice rin si Mica sa mga kabataang gaya niya.

“Dream at a very young age po kasi wala naman pong limit iyan sa lahat, e.

Continue reading below ↓

“Mas maganda po yung mag-start ka nang maliit hanggang mag-dream ka po nang malaki para may ma-ano na rin po sa future.”

Para hindi mauwi sa wala, ang naipon ni Mica ay ipinambili na niya ng property sa Zambales.

Ang pinag-iipunan naman niya ngayon ay ang kanyang pangkolehiyo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This 16-year-old Grade 10 student is a certified millionaire after venturing into online selling with the help of her mom, Irene, who is also in the same business.
PHOTO/S: Facebook (Unang Hirit)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results