Vice Ganda all praises for food-delivery rider who went viral

by Bernie V. Franco
Jun 17, 2021
Vice Ganda is all praises to this food-delivery driver who went viral some months ago. His name is Jeffrey.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Isang food-delivery rider na nag-viral dati ang nagpabilib kay Vice Ganda.

Ito ay dahil sa kabila ng masaklap na sinapit nito, hindi nito nakalimutang gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Noong Abril 2021, viral ang ipinost na mga larawan ng isang Grab rider na nakaupo sa may gilid ng drive-through food-chain store at kinakain nito ang take-out food order.

Napag-alaman na kinansel daw ng customer ang in-order nitong take-out order, kaya ang rider ang nagbayad at kinain na lang ito.

Ang mga larawan ay kinunan ng netizen na si Natdemzon Lazo Pagkanlungan at ipinost ito sa social media, kalakip ang sinapit ni Jeffrey.

ANg halaga ng order ay PHP300 ang order, pero malaking kawalan pa rin ito sa delivery rider.

Marami ang naantig sa sinapit ng driver, na kinilalang si Jeffrey.

Kasunod nito, may mga netizens na nagmalakasit at nagpadala ng tulong pinansiyal kay Jeffrey.

VICE GANDA praises DRIVER

Nitong June 13, 2021, Linggo, kasama si Jeffrey sa mga participants ng Everybody, Sing!, ang Kapamilya weekend singing game show kung saan host si Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Dito nailahad ni Jeffrey kay Vice kung paano siya nag-viral at ano ang nangyari matapos kumalat ang kanyang mga larawan.

Paano siya nag-viral?

“Kumakain, Ma’am, ako sa may gilid ng drive-thru. Na-fake-book po ako. Kinansel po yung order,” lahad ng rider kay Vice.

Tinanong si Jeffrey kung bakit kinansel ng customer ang order nito. “Hindi po namin alam, Ma’am, e,” pagkibit-balikat ng driver. “Kinain ko na lang po.”

Ani Jeffrey, siya na lang ang nagbayad ng cancelled order.

Pero hindi raw siya masaya nang kainin ang take-out food mula sa kilalang fast-food chain.

Aniya, “Nabawasan po yung puhunan, e.”

Matapos pag-usapan sa social media, inamin ni Jeffrey na maraming netizens ang nagmagandang-loob at nagpaabot ng financial assistance.

Umabot ang tulong ng PHP60,000.

Pero dagdag ni Jeffrey, “Pinamigay ko rin. Nagpamigay rin po ako ng sampung sakong bigas sa mga ka-lugar ko.”

Pinuri ni Vice ang kagandahang loob ng Grab driver. Sa halip daw kasi na solohin ang nakuhang donasyon, ipinantulong pa niya ito.

Continue reading below ↓

Katwiran ni Vice,“Iyan naman talaga yung ugaling ba-bow ka. Yun na nga lang yung pera mo, di ba?”

“Sixty thousand malaki din naman iyon. Hindi rin naman pangkaraniwan.

“Pero sa hirap ng buhay mo at pinagdadaanan mo, puwede mong sarilinin yun, e.

“Gawin mong panimula para sa tatrabahuhin mo.”

Reaksiyon ni Jeffrey, “Share your blessing din lang po yun, ma’am. Pandemic, e.”

Hindi naiwasang ikumpara ni Vice ang driver sa ibang abusadong pulitiko na aniya’y ninanakaw ang kaban ng bayan.

Ani Vice, “Yung mga hindi na nga nakakaluwag-luwag na Pilipino, sila na nga yung walang-wala, sila pa yung mas ma-share, di ba?

“Ang hindi ko maintindihan yung mga ubod na nang yaman, lalo na yung mga pulitikong ang yaman na, nagnanakaw pa, di ba?

“Nakakaloka! Uy, mahiya kaya kayo. Ito nga PHP60,000 lang yung binigay, shinare pa.

“Kayo, ang yaman-yaman na, nagnanakaw pa! Uy, kape din, uy. Ang lala.”

Sabi ni Vice sa driver, “Kaya mabuhay ka.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda is all praises to this food-delivery driver who went viral some months ago. His name is Jeffrey.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results