This tricycle driver now owns 6 stalls selling “best-tasting” fried chicken

by Bernie V. Franco
Jul 1, 2021
After years of being a tricycle driver, hardworking Joymar Olarte, 29, came by a winning friend-chicken recipe. This year, he was named Youth Microentrepreneur of the Year at the 18th Citi Microentrepreneur Awards.
PHOTO/S: Facebook (J & J Tasty Fried Chicken)

Success story na matatawag si Joymar Olarte, 29.

Malayo na ang narating ng dating tricycle driver.

Dati ay pinagsasabay niya ang tatlong trabaho, kasama ang pagta-tricycle, para masuportahan ang asawa at dalawang anak.

Hanggang sa sumugal siya sa pagtitinda ng fried chicken.

At hanggang sa iwanan niya ang pagpapasada at pagbebenta ng kung anu-anong merchandise para mag-focus sa paglalako ng sariling-lutong manok.

Ngayon ay hindi na siya tricycle driver. Bagkos ay may ari pa ng limang tricycle gamit pang-negosyo.

Mas kamangha-mangha pa, may-ari na rin siya ng anim na fried-chicken stalls sa iba’t ibang lugar sa Pangasinan—partikular na sa mga bayan ng Urdaneta at Villasis.

Mula sa naipundar, nagpapasuweldo na siya ng sariling mga empleyado at nakakabili na ng property, sasakyan, at ibang ari-arian.

Ngayon lamang Hunyo 2021, si Joymar ay napiling recipient ng Youth Microentrepreneur of the Year para sa 18th Citi Microentrepreneur Award (CMA).

Ang CMA ay taunang pagkilala sa microentrepreneurs nationwide dahil sa husay nilang humawak ng negosyo at sa magandang ehemplong naibibigay nila sa komunidad.

Continue reading below ↓

Ang screening committee nito ay binubuo ng Bangko Sentral ng Pilipinas, banking company na Citi Philippines, at Micro Finance Council of the Philippines Inc.

Sa isang virtual awarding ceremony noong June 3, 2021, binalikan ni Joymar kung paano nagsimula ang lahat para sa kanya.

Lahad niya, “Dati po, isa lang po akong merchandiser po sa umaga, sa hapon naman nagtitinda po ako ng manok.

“Pagdating po ng madaling-araw, tricycle driver po ako. Lahat po iyon ginawa ko.

"Pinagsabay-sabay kong ginawa dahil gusto ko pong mabigyan ng magandang kinabukasan yung pamilya ko.”

Bukod sa kasipigan ni Joymar, isang bagay ang tunay na nakapagbago sa buhay niya.

Ito ay ang fried-chicken recipe na ibinahagi ng isang taong masasabing hulog ng langit kay Joymar.

Patuloy na kuwento ng Pangasinan award-winning microenterpreur: “One day po, meron po talagang nagbigay po sa akin ng recipe po.

“Nung una pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko ba o hindi. Nag-usap po kami ng asawa ko, and then nag-decide po kami na magtinda po.

Continue reading below ↓

“Why not po? Subukan namin na magtinda sa harap ng bahay.

“Then sa tulong po ng TSPI po, unti-unti ko pong napalago yung negosyo ko.

“At sa gabay din po ni Lord kaya sobrang thankful po ako dahil ang laki ng pagbabagong nangyari sa buhay ko.”

Joymar Olarte accepts his Youth Microentrepreneur of the Year certificate for this year's 18th Citi Microentrepreneur Award

Continue reading below ↓

Ang TSPI, o Tulay Sa Pag-unlad, Inc., ay isang Christian microenterprise development at non-government organization na tumutulong sa mga maliliit na negosyo.

Ginabayan at tinuruan nito si Joymar, na admitadong walang karanasan sa pagiging negosyante.

THE SECRET CHICKEN RECIPE

Nagsimula ang lahat apat na taon na ang nakalilipas.

Naging instrumento para mabago ang buhay ni Joymar ang pasahero niyang si Inggo Baya, na kalaunan ay naging kaibigan niya.

Si Inggo ay taga-Zambales na sumubok ng kapalaran sa Pangasinan sa pamamagitan ng pagtitinda ng fried chicken.

Pero di nagtagal, si Inggo ay nagdesisyong bumalik na sa Zambales.

Inalok ni Inggo ang fried-chicken recipe niya kay Joymar sa paniniwalang papatok ang lasa nito, lalo’t walang nagbebenta ng murang fried chicken sa lugar na iyon ng Pangasinan.

Kuwento raw ni Inggo kay Joymar, binili rin lang ni Inggo ang recipe ng fried chicken, kasama na ang trade secrets ng fried-chicken business, sa halagang PHP250,000.

Continue reading below ↓

Hindi ito pinansin ni Joymar noong una, ngunit nagbago ang isip niya nang matikman ang fried chicken ni Inggo.

“Yung recipe na iyon ay ginagamit daw sa barko,” pagbabalik-tanaw ni Joymar sa sinabi sa kanya ni Inggo, ulat ng ANCX.

Matapos maituro kay Joymar ang recipe, ipinambili nito ng 20 kilong manok ang PHP2,300 na ipon sa pagiging merchandiser at pagta-tricycle driver niya.

Ang presyo ng fried chicken: PHP10 kada piraso ng leeg, at PHP20 kada piraso ng hita, pakpak, thigh, at pitso.

Hindi inakala ni Joymar na tatangkilikin ang kanyang fried chicken, na ngayon ay itinuturing nang “best-selling” at “best-tasting” fried chicken sa Urdaneta.

Currently, Joymar's fried chicken business has six branches in Pangasinan.

Continue reading below ↓

Ani Joymar, kinulang sila sa unang araw ng pagbebenta dahil pagsapit ng ika-5 ng hapon ay ubos na ang paninda nilang mag-asawa.

Ang kanilang kinita sa araw na iyon ang ipinambili nila ng manok kinabukasan.

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na.

Pahayag ni Joymar, bawat sangkap ay sinusukat nang tama para mapanatiling malutong at masarap ang kanilang fried chicken.

Tinawag niya itong J & J Tasty Fried Chicken.

Ipinagmamalaki ni Joymar na hindi na kailangan pa ng anumang gravy o ketchup ng kanilang produkto.

Puwede nga raw ipantapat ang kanilang fried chicken sa fried chicken ng mga kilalang fast-food chains.

Isa pang adbentahe ng kanilang fried chicken: masarap na, mura pa.

“Kung magulang ka at mapadaan ka sa tindahan namin, ‘tapos P50 lang ang pera mo, pwede mong maibili ng masarap na fried chicken ang pamilya mo,” aniya sa ANCX.

Taong 2019, nagpasya si Joymar na bitiwan na ang ibang trabaho at ituon ang buong pansin sa pagbebenta ng fried chicken.

Continue reading below ↓

Bumili rin siya ng rolling cart nang mailako ang fried chicken sa bayan sa araw hanggang sa hatinggabi.

Hanggang sa unti-unti nang nadadagdagan ang fried-chicken stalls ni Joymar.

CHALLENGES DURING THE PANDEMIC

Noong nakaraang taon, January 2020, nag-loan ng pera si Joymar para maitayo ang kanyang sixth branch at makabili ng mga sasakyang magagamit sa panininda: tatlong tricycle, isang pick-up, at isang Mitsubishi Xpander.

Nang sumunod na buwan, tumama ang pandemya. Nang Marso, nagsimula ang mga lockdown at mahihigpit na health protocols.

Kinailangan niyang tumigil sa pagtitinda na nagtagal ng tatlong buwan.

Bumalik muna sa pagbebenta ng sariwang manok si Joymar.

Ngunit nahuhuli na sa pagbayad si Joymar ng kanyang loan, at ang utang niya'y umabot na ng halos kalahating milyon.

“Dumating talaga sa point na walang-wala na kami,” ani Joymar.

Pagsapit ng Hunyo 2020, muling ipinagpatuloy ni Joymar ang kanyang negosyo.

Naging triple naman ang balik ng benta. Araw-araw umaabot sa 400 kilo ng fried chicken ang naibebenta nilang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Aniya tungkol sa 2020: “Ibang hirap ang naranasan namin nitong pandemya, pero ito pa din ang maituturing na the best year para sa amin.”

Joymar's booming fried chicken business sells around 400 kilos of chicken daily.

Dahil sa kanyang fried-chicken business, maraming naipundar si Joymar: isang Mitsubishi L-300, isang 4X4 Suzuki multicab, at limang tricycle.

Continue reading below ↓

Nakabili rin siya ng lote na may sukat na 600 square meters.

Pero ang pagnenegosyo ni Joymar ay hindi lamang para sa sarili at sa sariling pamilya.

Abot-abot ang pasasalamat ni Joymar sa mga empleyadong hindi siya iniwan kahit dumaan sila sa hirap.

May kasunduan ito sa mga tauhan: “Ang usapan namin, pag tumagal sila sa amin ng ten years, bibigyan ko sila ng isang outlet. Kanila na yun.”

EMOTIONAL AND GRATEFUL JOYMAR

Kung pagbabasehan ang Facebook account ng J & J Tasty friend chicken, may anim na stalls na ang negosyo ni Joymar sa Pangasinan: 3 sa Urdaneta, sa Zone 1 Pinmaludpud, Bayaoas, Cabuloan); 1 sa Zone 3 Camantiles, Sto. Domingo; 1 sa Zone 6, Liwliwa; at sa Unzad ng bayan ng Villasis.

Sa isinagawang virtual awarding kay Jomar bilang entrepreneur of the year, naibahagi nitong hindi niya maiwasang maging emosyonal.

“Parang di po ako makapaniwala. Naiiyak po ako. Tumutulo ang luha ko,” pahayag ni Joymar.

Continue reading below ↓

“Hindi ko po kasi sukat akalain na yung simpleng negosyo ko, aabot ng ganito.

“Bale, kung babalikan ko po yung nakaraan, kung ikukumpara ko po sa buhay ko ngayon, malaking-malaki po yung pagkakaiba po.

“Kaya po nagpapasalamat ako kay Lord kasi yung lahat ng hinihiling ko sa kanya, binibigay po niya sa akin.”

Makabuluhan din ang payo ni Joymar sa lahat ng nais magnegosyo.

“Minsan po, nadadapa po ako. Marami pong dumadating na pagsubok, pero yun yung nagpatibay po sa akin para ituloy ko yung ginagawa ko.

“Kung nadapa man, kailangan bumangon. ‘Wag mong isipin ang sasabihin ng iba.

“Focus ka lang sa mga dreams mo sa buhay.

“Then wag na wag mo ring kakalimutan si Lord.

“Tignan mo rin yung nasa paligid mo kung may mga natatapakan ka bang tao, kung mayroon bang nasisira.

“Dahil sabi nga sa kanta, hindi masama ang pag-unlad kung di ka nakakasira sa kalikasan.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, huwag makakalimutang lumingon sa pinanggalingan.

“Most of all look upward, humingi ng gabay ni Lord. Kung hindi siya magiging sentro ng buhay mo, bale-wala rin ang lahat.

“Mahalin niyo lang at i-enjoy n’yo lang ang ginagawa n’yo, at si Lord na ang magbibigay ng pagpapala sa inyo.

“Dahil wala pa pong nalulugi na nagtiwala kay Lord.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After years of being a tricycle driver, hardworking Joymar Olarte, 29, came by a winning friend-chicken recipe. This year, he was named Youth Microentrepreneur of the Year at the 18th Citi Microentrepreneur Awards.
PHOTO/S: Facebook (J & J Tasty Fried Chicken)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results