Happy Tins cookies: Hobby na nagsimula sa P20K capital, bawing-bawi

by KC Cordero
Jul 7, 2021
Sabi ni Athena Fregillana tungkol sa Happy Tins: “Ang cookies namin ay simple lang ang lasa at hindi complicated. Lagi kong iniisip na dapat at first bite, at sa bawat kagat, ay may instant happiness agad—dahil bine-bake namin ito with a smile.”

Para hindi masayang ang oras, naging pampalipas-oras ni Athena Fregillana, 40, ang pagbe-bake simula taong 2020, noong unang sumambulat ang pandemya.

Mangyari pa, ayaw niyang mabulok ang mga saging sa bahay. Kaya nagsimula siyang gumawa ng banana bread.

May angking hilig din talaga si Athena sa pag-bake at pagluto.

Ang panimulang kuwento ni Athena sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via Facebook Messenger, noong June 30, 2021, "Paborito ko namang shows ang tungkol sa baking and cooking.

“'Tapos kapag travel, bumibili talaga ako ng kilalang pastry or food kasi minsan naiisip ko na baka puwede ko rin itong magawa."

Kasama ang mga pamangking dalaga, na mga kambal, nagta-try sila ng iba't ibang baked treats bukod sa banana bread.

“Naging cookies, bread pudding, at cupcakes. Kapag may sobra ay ipinapamigay ko sa officemates at friends namin as suprise gift.

“Marami rin akong na-bake at na-surprise noong pandemic—napaiyak din yata sila!” masayang pagbabalik-tanaw ni Tins, na siyang nickname ni Athena.

Continue reading below ↓

Kalaunan nag-concentrate siya sa cookies dahil, aniya, “Bukod sa madaling gawin ay fave ko rin ito bilang dessert."

Madali rin daw ibenta.

“Cookies din kasi ang ipinapamigay ko sa mga friends ko noong pandemic, at sabi nila ay puwede kong ibenta. Saka hindi ako magaling sa paggawa ng loaf or cake.”

Eventually, ang hobby ay naging business na tinawag niyang Happy Tins.

Ang kanyang puhunan: Halos PHP20,000, na bawi na niya, at may profit pa, three months matapos i-launch ang business.

Perfect timing din dahil, bukod sa nagkaroon siya ng oras para rito, papasok na noon ang Christmas season.

Aniya, “Naglakas-loob akong maglabas ng pera kahit pandemic dahil baka opportunity ko na ito para magkaroon ng maliit na investment.

"Dahil laging sumasagi sa isip ko na gusto kong magkaroon ng small business.

“Noong nagka-pandemic naman ay work from home ako araw-araw bilang multimedia producer ng isang local social-media platform, kaya nabigyan ko talaga ng time.”

Continue reading below ↓

S'more stuffed chocolate chip cookies (first row, R)- 12 pieces for PHP250; Momofuku cookie nibblers (from the tub)- 12 pieces for PHP350

natenggang SEAMAN naging rider para delivery

Hindi makalimutan ni Tins ang naramdaman nang, officially, na-launch ang kanyang business.

“Overwhelming! First weekend namin halos 3 a.m. na kami natutulog kasi nga one-layer oven lang kami noon.

Continue reading below ↓

"'Tapos ang dispatch namin ay 7 a.m. kasi nag-hire kami ng in-house rider na puwedeng maghatid ng orders para siguradong di masisira."

Malaking bagay daw na may malasakit ang nakuha niyang tao for delivery.

“Nakakatuwa kasi yung nakausap kong rider, e, ginamit ang kotse niya para siguradong hindi masisira ang cookies. Isa kasi siyang seaman na nagsa-sideline habang naghihintay na makasakay uli sa barko.”

At habang unti-unting umuusad ang kanyang negosyo, binago ni Tins ang packaging ng kanyang products.

“I invested sa packaging para mas maging Instagrammable kapag nag-unbox ang bumili. Ito na rin kasi ang uso ngayon, e.

“Pagdating sa branding ay blessed ako kasi ang mga kaibigan ko, tinulungan ako sa style at sa design ng collaterals. Ang dami kong advisors noong time na iyon hanggang packaging pati pricing.

“Sa marketing, minsan may promo or free item dapat. May isang buwan na ang mga nag-order sa amin ay nakakakuha ng surprise gifts from Happy Tins.

Continue reading below ↓

“Halimbawa ay deconstructed cornflakes polvoron, drip coffee or tote bag.

"Akala nila, nagkamali lang ng delivery kaya tatawagan pa kami para lang i-confirm kung para sa kanila talaga ang freebies.”

Siya at mga kambal na pamangkin, na senior high school students, ang nag-e-execute ng kanilang product shoots.

Cookie brownie + Oreo cheesecake- 16 pieces for PHP350

Continue reading below ↓

MAGANDANG TIP PARA MAPALASA ANG COOKIES

Natatawang kuwento niya, epic fail ang mga una niyang timpla.

“Naku, nakailang recipe at kitchen test kami! Nakailang adjustment din sa tamis ng cookies at brand ng ingredients na gagamitin.”

Hindi siya nagdetalye sa recipe, pero nagbigay siya ng magandang tip para maging kakaiba ang linamnam ng cookies.

“Ang mga cookie dough namin ay kailangang ma-overnight bago i-bake or isalang sa oven para mas maging flavorful at tasty kapag ibe-bake na namin.”

Sa ngayon ay may limang flavors ang Happy Tins: cookie brownie, oreo cheesecake, stuffed s’mores, momofuku cookies, at ang classic chocolate chip, na PHP250 ang cost per 18 pieces.

Continue reading below ↓

NASIRA ANG COOKIES SA BIYAHE, PINALITAN LAHAT KINABUKASAN

At kahit ngayong kabisado na niya ang baking recipe, kailangang pumasa muna sa kanya ang lasa bago i-deliver ang cookies.

“Kapag pangit ang pagkaluto or physically ay alam kong pangit, e, pinapalitan namin.

“Ako, para sa akin, utang na loob ko sa mga taong tumatangkilik sa amin ang maayos na produkto."

May instance pa raw na nagkaproblema sa delivery.

“Naalala ko, nasira lahat ng cookies na order ng isa kong customer kasi sa Valenzuela City pa dinala ng rider. Hindi ako makatulog buong gabi, e.

“Kahit Sunday, nag-bake ako at pinadalhan ko siya ng bagong box. Ayun, na-surprise at tuwa-tuwa siya.”

Continue reading below ↓


NAKA-INVEST NG mixer MATAPOS NG first week

Noong nagsimula siya, ang kanyang mixer ay yung gamit ng mga tita niya sa paggawa ng puto, at nabili noon pang 1980s.

Kaya isa ito sa unang niyang investment.

“After kong ma-compute ang first week ng earnings namin, may income agad kaya nakabili kami ng bagong mixer."

Ang sumunod ay oven, refrigerator, at iba pang baking tools.

Dagdag ng entrepreneur, “Dahil lumalaki na rin ang weekly order, ang kitchen oven namin ay unti-unti nang bumigay. Sabi ng mommy ko, bumili na kami ng heavy-duty oven kasi naa-affect na rin yung quality ng orders namin.

“This year, after naming mag-one year, nakabili na kami ng refrigerator, kasi ipinapahiram din lang ni Mom yung ref pa namin noong college pa ako. Hindi na kasi magkasya yung supplies, especially candies, creamcheese, butter.

"Bukod dito nag-invest din kami sa baking tools.”

ONLINE SELLING and delivering in the village by bike

Nakatulong nang malaki ang social media sa marketing ng Happy Tins. Minsan nga, kapag may nasarapan na customer ay ito na mismo ang nagrerekomenda sa mga kakilala.

Continue reading below ↓

Dahil na rin sa kanilang online presence, madali lang silang makontak ng mga bagong customer.

Napilitan na rin siyang gumawa ng cake at loaf dahil madalas daw itong request ng kanyang mga online suki.

At kapag ang order ay sa kapitbahay o sa loob lang ng kanilang subdivision sa Marikina City, siya na mismo ang nagde-deliver para raw personal na makita ang kanyang mga customer.

“Nagba-bike ako. Sobrang saya! Masaya na makita mo yung nag-order at nagbibigay ng feedback sa produkto. Iba rin kasi kapag first hand mong natatanggap ang feedback.

“Ang Happy Tins ay hindi lang negosyo. Tingin ko, parang kapamilya ko ang mga suki namin. Minsan kahit ayaw kong gumawa ng cake at mag-aral kung paano mag-icing. Pinag-aralan ko na kasi ang daming nakikiusap na magpagawa ng cake.”

The price of a cake depends on the specs of the customer.

Continue reading below ↓

"cliche man pero happiness talaga yung makapag-give back..."

Kahit nag-uumpisa pa lang, nilagyan na agad ni Tins ang kanyang venture ng malasakit sa kapwa.

May mga special offer ang Happy Tins kung saan parts ng pinagbentahan ay napupunta sa charity.

“Cliché man pero happiness talaga yung makapag-give back ka kahit paano, lalo sa mga taong kailangan ng tulong ngayong pandemic, or noong nagkaroon ng typhoon last November 2020.

“Kahit maliit yung kinikita from the fundraising, pero ang laking bagay na rin sa mga natulungan.

“Meron pa kaming na-support na mga university organization.

"Naiisip ko kasi, sa pagtulong ay secondary na lang ang marketing or makilala ang brand. Mas mahalaga na ang talent namin sa pagbe-bake ay nagagamit din namin sa pagtulong sa iba.”

'ALAGA ANG RIDERS NG HAPPY TINS'

At, siyempre raw, hindi nakakalimutan ng Happy Tins ang riders na naghahatid ng kanilang mga produkto.

“Nagpapasalamat ako kasi ang tagline namin is, ‘Baking brings happiness’ pero ang riders namin, bring happiness naman sa mga nag-order.

Continue reading below ↓

“March 2020, nagsimula ang pasasalamat sa mga frontliners. Thankful din ako sa riders bilang economic frontliners. Kapag may extra kaming products, ipinagbabalot namin yung riders para may meryenda sila.

“Minsan nga, naiiyak sila kasi may pasalubong na raw sila sa mga pamilya nila after ng shift nila.”

May isang insidente noong Mother’s Day na may isang rider na bumili ng cookies bilang gift sa wife nito. Since marami naman silang na-bake noon, at marami na ring nai-deliver si Kuya Rider, hindi na lang niya ito pinagbayad. Tinawagan pa raw siya ng misis nito para magpasalamat.

“Malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga tumutulong sa amin. Like yung stay-out kasambahay namin at mister niyang pintor. Binigyan namin sila ng cake noong Mother’s Day at Father’s Day.

“Naalala ko, sabi sa akin ng mister niya na first time daw nitong makatanggap ng cake.

“Para sa akin, ang Happy Tins is open for all. Gusto kong matikman ng kahit sino ang product namin dahil ang product namin ay meant for sharing.”

Continue reading below ↓

1,000 COOKIES BAKED a DAY BEFORE CHRISTMAS

Isang milestone para kay Tin ang makapag-bake at mag-deliver ng mahigit 1,000 cookies noong day before Christmas.

Noong mga panahong iyon rin niya nabawi ang puhunan.

Last year ay nakapag-supply na siya ng cookies sa ibang stores sa labas ng Metro Manila.

Pero dahil pandemic, naging mahirap ang delivery kaya inihinto muna niya.

Continue reading below ↓

Hindi pa rin niya kaya sa ngayon kapag sobrang maramihan ang order dahil baka mag-suffer ang quality, na ayaw na ayaw raw niyang mangyari.

Matapos ang isang taong operasyon ay confident nang gumawa si Tins ng cake.

“Pero by request lang. Available na ito para sa lahat nang gusto magpagawa.

“‘Yung cake ay parang limited edition na hindi na mauulit ang design. Puwedeng maulit pero hindi eksaktong-eksakto.

“Kasi I’m a home business, so, gusto kong kapag dumating ang cake sa bahay ng nag-order ay parang sila rin lang ang gumawa kaya happy na kainin.”

Continue reading below ↓

Dahil sa magandang resulta ng kanyang venture, nakatuon ngayon ang isip ni Tins sa pagpapalago nito.

“Gusto kong mag-bake ng bread, especially pandesal. At napapaisip ako, sana makapag-pop-up store din after ng pandemic. Patuloy pa rin kaming magde-develop ng recipes para sa products na affordable pero masarap.”

ADVICE To those who WANT TO START A BUSINESS

Nagbigay rin siya ng advice sa mga gustong mag-start ng negosyo pero natatakot mag-fail.

“I-risk mo lang iyan, i-go mo lang iyan at ipagpatuloy ang nasimulan. Yung goals ay one step at a time kasi better na may progress than puro big goals pero di naman magagawa.

“Enjoy the journey. Totoo na sa food business, o kahit sa retail business, na the customer is always right. So, make sure to have plans for your customers para maging loyal suki mo sila.

"At the end of the day, it’s your customers who will help you market your business.”

Continue reading below ↓

INSTANT HAPPINESS at first bite

Ang Happy Tins ay inspired sa first Twitter handle niyang "hapitinz."

Pero hindi ito ang kanyang first option. Gusto sana niya ng mas generic na pangalan at hindi nakakabit sa nickname niyang Tins.

“Nagpa-votation pa ako noon sa barkada ko sa office at sa close friends ko. So, nanalo ang Happy Tins.

Continue reading below ↓

“Ngayon ko lang nabubuo sa isip ko na there’s a reason bakit naging Happy Tins. Kasi ang mga suki at first-time buyers namin, laging sinasabi na instant happiness ang lasa ng baked goodies namin.

“Sa aming mga suki, maraming salamat for loving us! Hindi ko expected na aabot kami ng one year. Na magiging part kami ng celebrations ninyo sa loob ng inyong mga tahanan. At para sa mga hindi pa natitikman ang aming products, bili na po kayo.

“Ang cookies namin ay simple lang ang lasa at hindi complicated. Lagi kong iniisip na dapat at first bite, at sa bawat kagat, ay may instant happiness agad—dahil bine-bake namin ito with a smile.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi ni Athena Fregillana tungkol sa Happy Tins: “Ang cookies namin ay simple lang ang lasa at hindi complicated. Lagi kong iniisip na dapat at first bite, at sa bawat kagat, ay may instant happiness agad—dahil bine-bake namin ito with a smile.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results