Pump attendant sa gasoline station, nagtapos ng kolehiyo

by Bernie V. Franco
Jul 7, 2021
pump attendant
The hard work of Eric Rosales, who hails from Misamis Oriental, has paid off. In June 2021, he graduated with a degree in Criminology. While studying, Eric worked as a pump attendant in a gasoline station.
PHOTO/S: Facebook (Eric Rosales)

Mula sa pagiging pump attendant sa isang gasoline station, nagawang makapagtapos sa kolehiyo ni Eric Rosales, 28.

Walang pagsidlan ng tuwa si Eric nang mapabilang siya sa Class of 2021 ng Tagoloan Community College sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Criminology nito lamang June 17, 2021.

“Sobrang saya. Nawala lahat yung pagod ko. Grabe, di ko ma-explain.

“Tuwang-tuwa ako. Yung mga kapatid ko, tsaka yung mama ko, papa ko, ang saya nga nila. Umiyak.

“Di ko akalain na kaya ko pala yung apat na taon na gano’n.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eric sa pamamagitan ng tawag sa telepono, Miyerkules, July 7, 2021.

Eric Rosales, 28, is proud to graduate this 2021 with a degree in Criminology.

Continue reading below ↓

Sa kasaluyan, naninirahan si Eric sa Tagoloan kasama ang ama, ina, at isang kapatid.

Kasama rin nila ang kanyang live-in partner na si Genelyn at ang anak na babae na isang taong gulang.

Si Eric ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang dalawang nakatatandang kapatid na babae ay mga kapatid niya sa ina.

Si Eric ang solong anak ng ina nang muli itong mag-asawa, matapas mamatay ang unang asawa.

Magsasaka ang ama ni Eric, pero hindi nila pagmamay-ari ang lupang sinasaka.

Samantalang ang kanyang ina ay isang housewife.

Bumukod na ang isang kapatid na babae ni Eric, habang ang isa pa ay nagtatrabaho at kasama rin nila sa bahay.

Kuwento ni Eric tungkol sa estado ng kanilang buhay, hindi sila mayaman, pero nakakakain sila ng tatlong beses sa isang raw.

“May ulam naman,” may pagbibiro niyang sabi.

Hindi nakapagtapos sa kolehiyo ang dalawang kapatid ni Eric, bagamat nakapagtapos sila ng high school.

Continue reading below ↓

Nang mag-graduate si Eric sa Kalabugao National High School noong 2010, namasukan na siya agad bilang all-around assistant sa isang supermarket sa Bukidnon.

Ibig sabihin ay hindi na siya nagpatuloy sa kolehiyo.

Aniya sa pinagtrabahuhang supermarket, “Medyo kilala din do’n sa lugar namin sa Bukidnon, pero ngayon wala na ‘yon—Quezon Supermarket.”

Nanatili raw siya roon hanggang 2015.

Pagsapit ng 2016, nagtrabaho na siya bilang pump attendant sa Petron sa bayan ng Villanueva, na katabing bayan ng Tagoloan.

Pagdating ng 2017, o pitong taon matapos mahinto sa pag-aaral, nagdesisyon si Eric na mag-enroll sa Tagoloan Community College.

Para masuportahan ang sarili, hindi siya umalis sa trabaho bilang pump attendant.

JUGGLING ACT: WORK ANd SCHOOL

Aminado si Eric na hindi naging madali ang pagsasabay ng trabaho at pag-aaral.

“Talagang mahirap. Kung wala ka talagang time management, iisipin mo talaga na huminto na lang,” paliwanag niya.

Ang klase ni Eric ay mula 7 a.m. hanggang 11:30 a.m.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito ay didiretso siya sa trabaho ng 2 p.m. hanggang 10 p.m.

Kapag panggabing shift naman ang tumatama sa kanya, magtatrabaho siya mula 10:00 p.m. hanggang 6:00 a.m.

Paglabas ay didiretso na siya sa eskwelahan para sa kanyang 7:00 a.m. class.

Malaki raw ang pasasalamat ni Eric sa kanyang mga katrabaho dahil kapag hindi na niya kayang dumiretso sa trabaho, sinasalo siya ng mga ito.

Nag-o-overtime raw ang mga kasama niya kapag hindi siya makakapasok.

Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa kanilang manager dahil inuunawa siya kapag kailangan niyang lumiban sa trabaho.

Sabi ni Eric, “Mabait naman yung mga kasama ko, yung manager ko.

“Ina-adjust na lang namin yung mga schedule ko.

“Pag may ano ako sa school, ina-adjust ang schedule ko para naman mapagsabay ang trabaho at pag-aaral.”

In 2017, after seven years of being out of school, Eric enrolled at the Tagoloan Community College. He juggled school and work as a pump attendant.

Continue reading below ↓

Hindi ba siya hinikayat ng mga katrabaho na itigil muna ang pag-aaral dahil nahihirapan siyang pagsabayin ang dalawa?

“Wala naman. Suportado naman nila ako,” ani Eric.

“Nung di pa ako nag-enroll, kinausap ko sila tungkol sa bagay na ‘yan. Sabi nila, okay lang daw.

“Kaya ayun, nag-enroll ako.

“Sabi ko naman sa kanila, gano’n ang mangyayari, yung schedule namin.

“Kung minsan magka-conflict ang schedule ko, yun yung time na mag-overtime yung kasama ko.

“Magsi-straight sila. Magdu-duty sa duty ko, kaya ako, a-absent.”

Sa parte nila, dagdag sahod; sa parte ni Eric, bawas sahod.

Pero konsiderasyon ang kanyang manager dahil may mga pagkakataon daw na pinapayagan siyang mag-cash advance para sa pag-aaral.

Ikinuwento ni Eric na nang pasukin niya ang dalawang organizations sa school, mas naging mahirap ang pag-aaral at pagtatrabaho.

“Kasi pag Sabado at Linggo alas-dos pa lang ng madaling araw, nando’n na kami sa eskwelahan. Maaga kami."

Bilang seniors, sila raw ang nagti-train sa junior students.

Continue reading below ↓

“Pag umaga, may training sa school. Pagkatapos ng training, may klase na naman. Pagkatapos, pagdating ng hapon, trabaho na naman.”

Pagsapit daw ng kanyang third-year college, nabuntis ni Eric ang kanyang girlfriend na si Genelyn.

Bunsod nito, nag-live in sila, at ngayo'y magkasama sa bahay nina Eric.

“Kasama ang mga magulang ko, hindi pa kami bumukod," aniya tungkol sa kinakasama.

Ano ang trabaho ng kanyang partner?

“Sa bahay, nagbabantay ng anak namin,” sagot ni Eric.

SCHOOL & WORK CHANGES DURING PANDEMIC

Nang tumama ang pandemic noong 2020, tinanggal ang night shift sa trabaho.

“Yung schedule namin, wala nang panggabi kaya yung suweldo namin nababawasan, kasi kulang yung araw na duty namin. Wala nang panggabi.

“Hindi naman nagbawas ng tao. Kawawa naman kasi.

“Gano’n na lang, nababawasan ang araw ng duty. Minsan apat na araw sa isang linggo.”

Pagdating naman sa pag-aaral, nag-shift sina Eric sa online classroom. Hindi rin daw ito naging madali para sa kanya.

Continue reading below ↓

“Nakakahiya mang sabihin, minsan yung mga school work ko, nagpapagawa sa kaklase,” sabay tawa niya.

“Mahirap yung online class. Hindi mo maintindihan sa face-to-face, lalo na yung online pa.”

Naging malaking bagay raw na supportive ang kanyang mga kaklase para i-boost ang kanyang determinasyong makapagtapos.

Sabi ni Eric, “Pag may determinasyon ka, maiisipan mo na hindi huminto, sa tulong din ng mga kaklase ko.

“Tinutulungan nila ako. Sabi nila, ‘Wag ka nang huminto. Malapit na. Ga-graduate na. Sabay-sabay tayong magga-graduate.’

“May mga motivation sila. Ito, naka-graduate din. Sabay-sabay kami.”

WHAT’S NEXT FOR ERIC?

Sa ngayon ay patuloy sa pagtatrabaho si Eric bilang pump attendant.

“Di ko naman magawang maiwan ang trabaho ko kasi para makapag-ipon din ako para pang-review para sa review center.

“Magre-review pa para sa license for criminologist. Magti-take pa kami ng board exam," pahayag niya.

“Pagkatapos, pag may awa ang Diyos, nakapasa ka do’n, saka ka pa mag-a-apply ng trabaho.

Continue reading below ↓

“Yung license mo ang gagamitin mo para pag-apply.

"Isa ito sa mga pinakaimportanteng requirements sa kahit anong law enforcement agency na aaplayan,” paliwanag niya.

Eric is now saving up so he can review and take a licensure exam.

Bukod sa pag-ipon ng pang-review, kinukumpleto pa rin daw ni Eric ang mga requirements, gaya ng transcript of records (TOR), mula sa school.

Continue reading below ↓

“Hindi pa kami naka-update. Nag-ano pa kami ng mga requirements namin. Yung TOR namin hindi pa na-release.”

Kung hindi raw sa katapusan ng taong 2021 ay sa susunod na taon siya kukuha ng licensure exam.

Pero desidido si Eric na mag-review at pumasa para sa pangarap niyang magandang buhay para sa pamilya.

Sabi niya, “Kung may determinasyon ka at may pangarap ka, huwag mong gawing hadlang yung kahirapan.

“Kasi kasabihan nga—pag gusto, may paraan; pag ayaw, maraming dahilan.

“Kaya kahit anong hirap na pinagdadaanan natin, kakayanan natin, kasi hindi naman nagbibigay ang Diyos ng hindi natin kaya.

“Kaya isipin natin anong makakabuti sa atin pagdating ng araw.

“Kasi mahirap talaga kapag walang pinag-aralan.

“Mahirap makakuha ng magandang trabaho.

“Kaya pinursige ko makatapos ng pag-aaral para naman maitawid ko ang mga magulang ko sa kahirapan.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The hard work of Eric Rosales, who hails from Misamis Oriental, has paid off. In June 2021, he graduated with a degree in Criminology. While studying, Eric worked as a pump attendant in a gasoline station.
PHOTO/S: Facebook (Eric Rosales)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results