Jeepney driver niyo noon, college graduate na ngayon

by Bernie V. Franco
Jul 8, 2021
Marvin Daludado, who is in his early 20s, graduated from college May 2021. He supported his studies by working as a jeepney driver for years. Photos show him behind the wheel and holding up signs of the routes he plied.
PHOTO/S: Photos by Marvin Daludado

Pakiramdam ni Marvin Padilla Daludado, nasa Cloud 9 siya nang makapagtapos sa kolehiyo na naitawid niya sa pamamasada ng jeepney.

Sa edad na 17 lamang, taong 2015, nagpursige na si Marvin sa pagmamaneho ng jeepney.

Matapos ng limang taon, nagtapos si Marvin ng Bachelor of Science in Information Technology mula sa University of the East-Caloocan.

Nitong Mayo 15, 2021, ipinost ni Marvin sa Facebook ang kanyang graduation photo. Makikitang hawak niya ang placards ng rutang binabagtas ng kanyang minamanehong jeep: Malanday-Recto-Pier 15.

Sinamahan niya ito ng isang mahabang caption na nananariwa sa ilang taong iginugol niya sa pamamasada upang matustusan ang pag-aaral.

Proud na bungad ni Marvin (published as is): “JEEPNEY DRIVER NYO NOON, GRADUATE NA NGAYON,”

“Naka Graduate ng di humihingi ng Baon,” sumunod niyang pahayag.

“Ipopost ko rin to bilang inspirasyon sa iba.

“After 5 years ng pagsisideline bilang Jeepney driver ay nakagraduate na rin.”

GRATEFUL FOR SUPPORT AMID STRUGGLES

Sa pagpapatuloy ng kanyang Facebook post, nagpasalamat si Marvin sa Diyos at sa kanyang mga magulang.

Continue reading below ↓

Binalikan din niya kung paano siya nagsimula ng pamamasada.

Kuwento ni Marvin (published as is): “Nung una ayaw pa nun ng mga magulang ko mamasada ako kasi sobrang totoy ko pa non, yung tipong hinahanap ng pasahero kung nasan yung driver dahil di nila ako makita.

“At yung iba na matatanda ay natatakot at tinatanong kung marunong daw ba talaga ako mag drive at ang sagot ko opo takbong pogi lng po ako hahaha.”

Ang pamamasada ni Marvin ay hindi lamang para sa sarili.

“Nagpursige akong mamasada dahil sa bigat ng tuition ko at yung hindi ko paghingi ng baon sa aking mga magulang at mga gastusin sa school like projects ay malaking tulong na para sa kanila.

“At pag may sumobra pa sa aking kita ay sinasagot ko yung ibang tuition fees ko dahil di lng naman ako yung pinag aaral ng mga magulang ko.”

Inilahad din ni Marvin ang mga hirap na napagdaanan bilang jeepney driver.

Continue reading below ↓

Sinasagupa raw niya ang usok, matinding traffic, at init ng tirik na araw.

At the age of 17, Marvin Daludado began earning a living as a jeepney driver to support his college studies.

Sabi pa niya sa Facebook post: “Kapag minalas malas ka pa ay mahuhuli kapa. Pero salamat din sa mga traffic enforcer lalo na sa Valenzuela.”

Continue reading below ↓

Aminado si Marvin na nagiging pasaway din siya at dumadaan sa mga short cut dahil mali-late na siya sa klase.

Pero napapakiusapan daw niya minsan ang mga traffic enforcer at ipinapaliwanag na mali-late na siya sa school.

“Salamat po sa inyo mga lods,” ani Marvin.

Gumigising daw si Marvin ng 5 a.m. para makaipon ng pambaon bago ng kanyang 8 a.m. class.

“At pag sinipag sipag at pag may school projects na kailangan pagkagastusan pagkagaling sa school ay pumapasada pa rin ako dahil kailangan.”

Pinasalamatan din ni Marvin ang kanyang mga “suki,” na inaabangan talaga siya dahil hindi sila nali-late kapag siya ang driver.

Pero meron din daw mga pasaherong hindi natuwa sa kanya.

Ani Marvin, “Shout [out] din sa mga pasahero na galit pa kapag sa tamang babaan ibinababa. Nagmumura pa minsan dahil malayo raw lalaka rin nila tsk tsk. God bless nalang sa inyo.”

Nag-shout out din si Marvin sa mga sumasakay sa kanya at nagwa-1-2-3, na kadalasan ay mga kapwa raw niya estudyante.

Continue reading below ↓

Isa-isa ring pinasalamatan ni Marvin ang mga kaklaseng tumulong sa kanya para magawa ang school work at projects sa tuwing ginagabi na siya ng uwi mula sa pamamasada.

Nagpasalamat din si Marvin sa kanyang mga propesor na nagbigay ng konsiderasyon, gaya nang kapag late siya sa pagpasok, hindi naka-uniform kung pumasok, at late kung makapag-submit ng projects.

EASING HIS PARENTS' BURDEN, HELPING HIMSELF

Naibahagi ni Marvin sa kanyang posts ang mga sinasabi ng iba.

Lahad niya (published as is): “Laging sinasabi ng iba na bakit pa daw ako namamasada eh nandyan naman daw yung magulang ko bakit di nalang daw ako humingi sa kanila.

“Di naman porket nandyan yung magulang mo ay iaaasa mo na lahat sa kanila.

“Natuto akong maging independent at tumayo sa aking sariling paa dahil masarap sa feeling na sa maliit na paraan ay nakakatulong ako sa mga magulang ko.

“At yung mga gusto kong bagay ay nabibili ko kahit papaano ng di ko na hinihingi sa kanila.

Continue reading below ↓

“Kahit sa maliit na paraan ay malaking tulong na sa kanila yun dahil di na nila ako intindihin.

“Habang may diskarte at paraan kumita ay sulitin natin.”

Kung anu-anong mapagkakakitaan din ang sinubukan niya.

“Nag try din ako mag business ng kung ano anong pagkakakitaan may times na kumita at may times din na nalugi.

“Mahirap man sa umpisa pero pag nakita mo naman yung bunga ng paghihirap mo ay worth it naman lahat sa huli. Sabi nga lahat nang taong nagiging Successful ay dumadaan muna sa hirap.”

Magiliw niyang pahayag (published as is): “Graduate na ako pati sa pagiging Jeepney driver salamat sa mga naging pamasahe nyo. di man natuloy yung una kong course na Computer Engineering at least nakapagtapos na rin wala man martsa ang mahalaga nakaraos na.”

Marvin (second from right) and his classmates at the University of the East-Caloocan.

Continue reading below ↓

MARVIN SAYS IT IS ALL WORTH IT

Sa interview ng Manila Bulletin kay Marvin noong Mayo, sinabi niyang tutol ang kanyang mga magulang noong una, lalo na ang ama na isa ring jeepney driver.

Kalaunan, pinayagan din siya ng mga ito dahil nakita nilang pursigido siya.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘May pangarap ako gustong makatapos.'

"'Sige,’ sabi ko, ‘titiyagain ko.’ Kaya nag-push akong mamasada.”

Sulit daw lahat ng pagod dahil masasabi niyang napag-aral niya ang sarili nang hindi umaasa sa mga magulang.

“Para sa akin masaya ako. ‘Tsaka proud kasi kahit papaano almost lahat po ng tuition ko nasagot ko na galing sa pamamasada ng jeep.

“Kaya masaya ako at proud ako sa aking sarili.

“Pinaghirapan ko siya. Nanggaling sa aking hirap.

“Ngayon worth it naman kasi natupad din naman.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marvin Daludado, who is in his early 20s, graduated from college May 2021. He supported his studies by working as a jeepney driver for years. Photos show him behind the wheel and holding up signs of the routes he plied.
PHOTO/S: Photos by Marvin Daludado
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results