Tindero ng mani napa-graduate ang anim na anak: 4 sa college, 2 sa vocational course

by Bernie V. Franco
Jul 13, 2021
Geronimo Tolibas, 57, continues to ply the streets of Caloocan even now when his six children are all working and taking care of household expenses. But he does it now for himself: "Kasi kapag tumigil ako, iiksi ang buhay ko. Pag magtinda-tinda ako, pakiramdam ko mas hahaba pa ang buhay ko, e.”
PHOTO/S: Facebook (Karissa Mae Nievera)

Dahil sa pagtitinda ng mani, napagtapos ni Geronimo Tolibas Sr. ang lahat ng anim na anak—apat ang college graduate at dalawa ang graduate ng vocational course.

Limang babae at isang lalaki ang mga anak ng street vendor.

Walang oportunidad na pinalampas si Mang Geronimo.

Taga-Caloocan siya, 57 years old, at sa loob ng labinlimang taon ay nagbenta ng mani sa terminal ng bus para matustusan ang pag-aaral ng mga bata.

Bukod sa mani, nagtinda rin daw siya sa kalsada ng banana cue, kamote cue, siopao, hot cake, at mga panali ng buhok. Pati rin mga itlog ng pugo at nilagang itlog.

Aniya, “Yun ang hanapbuhay, papalit-palit na lang kung ano ang ibebenta na kikita.”

Lahad pa ni Mang Geronimo sa panayam ng PTV4 program na Rise and Shine Pilipinas, June 30, 2021, nagpadyak din siya ng pedicab at pumasok na construction worker.

Kuwento ng masipag na ama sa interview tungkol sa mga anak: “Yung panganay ko po ay tapos ng TESDA [Technical Education and Skills Development Authority], pero may sarili po siyang konting tahian.

Continue reading below ↓

“’Tapos itong pangalawa ko, junior ko, tapos po ng Education, nagtuturo na po ngayon sa Maypajo Elementary School,” na isang eskwelahan sa Caloocan.

“Yung pangatlo ko po, Psychology [graduate],” sabi ng ama, at dagdag nito, ang ikatlong anak ay head ng Human Resources department ng isang kumpanya sa Tondo.

Pagpapatuloy ni Mang Geronimo, “Pang-apat ko naman, Political Science [graduate], isang empleyado po ng City Hall sa Caloocan.

“Panglima ko po, TESDA naman, Housekeeping…

“’Tapos yung bunso ko po, Accountancy. Opisina rin po.”

Continue reading below ↓

Four of Geronimo Tolibas's children are college graduates. (Top row, L-R) Third daughter graduated with a degree in Psychology; Jerry, his second eldest, graduated with an Education degree; his youngest is an Accountancy graduate; and his fourth child is a Political Science graduate. All are now employed. Two other daughters are TESDA graduates. (Bottom row, L-R) His eldest owns a small sewing business and his fifth child finished a Housekeeping course at TESDA.

Kuwento naman ni Jerry Tolibas, ang nag-iisang anak na lalaki ni Mang Geronimo at ngayon ay guru na: “Yung edad namin is isa o dalawang taon lang yung pagitan.

“Hindi namin alam kung sinong uunahin naming tuition. Wala pong tumigil sa amin ever since, kahit hirap po.

“As in, hangga’t kaya mong pumasok, may baon o wala, kailangan pumasok.”

Proud si Jerry sa kanyang narating dahil sa sipag ng ama.

Ani Jerry, “Inaani ko na yung mga pangaral ni Papa.”

Continue reading below ↓

HONEST STREET VENDOR

Pinag-usapan si Mang Geronimo sa social media nitong June 15 matapos i-post ni Karissa Mae Nievera sa Facebook ang mga larawan ng tindero.

Sa caption ng netizen, sinabi nitong bumili sila ng panali ng buhok kay Mang Geronimo, at napakamagiliw raw nito at magalang makitungo sa mamimili.

Kaya ipinost ni Karissa Mae ang mga larawan ng vendor. Gusto raw niyang mahikayat ang iba na bumili rin sa mama.

Sa panayam naman kay Mang Geronimo ng RMN DZXL 558 noong June 20, 2021, nabanggit ng street vendor ang ilang karanasan ng mga tindero sa kalsada.

Sabi niya, “Yun lang ang sandata natin, yung pagve-vendor. Wala naman kaming ibang pinagkukunan.

“Una po, yung napagtapos ko talaga sila, nagtitinda po talaga ako ng mani sa Doroteo Jose. Terminal po ‘yon.”

Nabanggit din ni Mang Geronimo ang kahalagaan ng pagiging tapat sa trabaho.

Masuwerte raw siya at pumapayag ang mga dispatcher na sumampa siya ng bus at maglako ng mani sa pasahero.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, “Kasi yung ibang vendors, pag wala kayong [benta]... pasahero may bag, minsan kinukuha yung cellphone, kinukuha yung wallet.

“Kami po, mahigit fifteen years po akong nagtinda diyan, ni singko. Kung nakakapulot man ako ng importanteng bagay, piniprisenta ko po sa dispatcher.”

Kabilang daw sa mga napupulot niya ay wallet, payong, at cellphone.

“Kung iba ako, ibubulsa ko na," sambit pa ni Mang Geronimo tungkol sa buhay kalye.

Pagpapatuloy nito, “Sabi ko, kahit na vendor kami, di naman kami ganoon. Di naman lahat...

“Kaya yung mga dispatcher, pinapahintulutan kami. Kami lang pinapahintulutan umakyat.”

Ang pagbebenta niya ng mani ay mula raw umaga hanggang gabi.

Ang isa pa raw sikreto ni Mang Geronimo ay ang pag-budget ng kita para magkasya sa mga gastusin.

“Ako, bina-budget ko yung kinikita ko kung magkakasya na.

“Kasi, magbabaon. ‘Tapos iba yung gasul, iba yung sa tubig, iba sa ilaw, iba yung tuition nila.

“Buwan-buwan pinaghahati hati ko na," kuwento niya.

Continue reading below ↓

Mang Geronimo and his son Jerry in a virtual interview on PTV4's Rise and Shine Pilipinas last June.

Pagdating sa gastusin, natulungan siya ng panganay na anak na may patahian.

Ang pinagkakabuhayang mani naman, ang misis ni Mang Geronimo ang walang katapusan sa pagluluto.

Mula sa bahay nila sa Caloocan, ibibiyahe ni Mang Geronimo ang kanyang timba ng mani patungong terminal sa Doroteo Jose. Araw-araw daw yun.

Continue reading below ↓

Kapag paubos na ang mani, hahatiran siya sa terminal ng bagong-lutong mani ng sinuman sa mga anak na available maghatid.

DURING THE PANDEMIC

Nang tumama ang pandemya noong nakaraang taon, 2020, tumigil si Mang Geronimo ng pagbebenta ng mani dahil natigil ang operasyon ng lahat ng terminal.

“Nawalan ng biyahe. Wala nang hanapbuhay," aniya.

Pero agad bumangon si Mang Geronimo, "Naisip kong magtinda ng face mask. Konti pa lang kaming nagtitinda ng face mask.

"Kaya lang, noong Hulyo [2020] na, ang dami nang kalaban. Kahit saang kanto meron nang face mask.”

Doon siya nagdesisyong magbenta ng siopao sa 5th Avenue sa Caloocan, malapit lamang sa kanila.

Minsan ay nagbebenta rin siya sa Divisoria ng itlog ng pugo at nilagang itlog.

Noong nakaraang buwan siya nakunan ng litrato ni Karissa Mae habang naglalako ang street vendor ng panali ng buhok.

Ang mga panali namang benta ni Mang Geronimo ay gawa sa mga retasong tela mula sa patahian ng panganay na anak.

Continue reading below ↓

Sa pagbenta, pumupuwesto raw si Mang Geronimo malapit lamang sa kanila.

WORKAHOLIC STREET VENDOR

Ngayon, hindi na kailangang magtinda ni Mang Geronimo, lalo’t may trabaho na ang lahat ng mga anak.

Biro raw sa kanya ng mga ito, tila may sanggol pa siyang anak na kailangang bilhan ng gatas dahil patuloy pa rin ito sa pagkayod.

“Kahit hindi na ako magtinda. Nagbibigay ang mga anak ko, wala na ako obligasyon," pag-amin ni Mang Geronimo.

“Bayarin sa bahay, sila na po.”

Geronimo Tolibas and family

Continue reading below ↓

Katwiran naman ni Mang Geronimo kung bakit patuloy siyang naghahanapbuhay:
“Para humaba ang buhay.

“Kasi kapag tumigil ako, iiksi ang buhay ko.

“Pag magtinda-tinda ako, pakiramdam ko mas hahaba pa ang buhay ko, e.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geronimo Tolibas, 57, continues to ply the streets of Caloocan even now when his six children are all working and taking care of household expenses. But he does it now for himself: "Kasi kapag tumigil ako, iiksi ang buhay ko. Pag magtinda-tinda ako, pakiramdam ko mas hahaba pa ang buhay ko, e.”
PHOTO/S: Facebook (Karissa Mae Nievera)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results