Teacher sa Pampanga, isinilang at nanirahan sa kulungan nang 25 taon

by Bernie V. Franco
Jul 13, 2021
Paul Oliver Pili, 27, was born and raised in prison. He was with his mother and grandmother. For the next 25 years of his life, prison was home and prisoners and jail officers were family. In 2015, Paul graduated with a degree in Education and is currently teaching at Holy Angel University in Pampanga.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!) / NXT Profiles ABS-CBN News Online

Meet Paul Oliver “Pao” Pili, 27, isang teacher sa Holy Angel University sa Angeles City, Pampanga.

Kasabay ng pagtuturo, tinatapos ngayon ni Pao ang kanyang Master’s Degree in Physical Education and Sports.

Si Pao ay isinilang, nagkaisip, at lumaki sa Angeles City Jail, kasama ang kanyang ina, lola, at ibang preso.

Ang bilangguan ang itinuring na tahanan ni Pao sa loob ng 25 taon.

Ang mga preso at jail officers ang itinuring niyang pamilya.

A PRISONER’S SON

Naunang naitampok ang kuwento ni Pao sa “Bawal Judgmental” ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga noong December 5, 2020.

Nakapaglahad dito si Pao ng kanyang kuwento at kung bakit sa bilangguan siya isinilang.

“Buntis po yung nanay ko nung nakulong siya. Ipinagbubuntis po niya ako.”

Sa piitan ay magkasama ang ina at lola ni Pao.

“Doon na po ako ipinanganak, lumaki,” kuwento ni Pao sa hosts na sila Paolo Ballesteros at Jose Manalo.

Continue reading below ↓

Dahil walang ibang kakilalang mag-aalaga kay Pao sa labas ng kulungan, pinakiusapan daw ng kanyang ina ang jail officers na huwag muna silang paghiwalayin.

Pumayag ang jail officers.

Ang dapat sana’y pansamantalang pamamalagi ni Pao sa kulungan ay tumagal nang tumagal, hanggang sa doon na siya lumaki at magkamuwang.

Dahil siya ang nag-iisang bata, si Pao ay mabilis na napalapit sa mga preso at pati sa mga officers ng preso.

Pahayag ni Pao, “Alam ko po, bawal po yung mga bata sa loob ng bilangguan, pero yung bilangguan na napuntahan ko, sila po mismo yung tumulong sa akin.

“Tinatago po nila ako, lalo na pag may DSWD [Department of Social Welfare and Development].

“Kasi ako lang po yung bata sa loob, e... may anak-anakan sila.

“Sila po yung nagpalaki sa akin hanggang dumating po yung time na umalis po ako sa loob ng bilangguan.”

Hindi makapaniwala sina Paolo at Jose na higit dalawang dekadang nanatili ni Pao sa bilangguan.

Continue reading below ↓

Paulo Oliver Pili became a player in Eat Bulaga's "Bawal Judgmental" segment on December 5, 2020.

Ani Pao, “Siguro yung PDL natin, o Persons Deprived of Liberty, at the same time yung mga personnel, dahil po siguro naawa sila sa aking mga magulang…

“Kasi po di ko talaga alam kung saan kami nanggaling, e. Wala po akong urgent family na puwedeng gumabay sa akin.

Continue reading below ↓

“Pinakiusap ako ng mga nanay ko kung puwede mag-stay po muna ako for a while habang wala pong guardian na gagabay sa akin.

“Pero dumating din po ang time, dun na rin po ako nag-stay,” pagpapatuloy ng binata.

Inusisa si Pao tungkol sa kanyang ama.

“Yung tatay ko po kasi na-meet ko pa lang po siya bago-bago pa lang po.

“Siguro after 20 years, na-meet ko pa lang po siya twice.

“Kasi nung nakulong yung nanay ko, siguro po hindi na po siya ma-kontak.

“Kaya dumating po yung time siguro, yung tadhana nga naman, ipinagkaloob po ng Diyos na nagkita po kami.”

Sa Eat Bulaga episode, nabanggit ni Pao na nakalaya na, at kasama na niya, ang kanyang ina at lola pagkatapos ng 26 years sa kulungan.

Samakatwid, bagong laya pa lang ang kanyang ina at lola noong 2020.

NORMAL LIFE IN PRISON

Inusisa si Pao sa pananaw niya habang lumalaki sa kulungan.

Continue reading below ↓

“Para sa akin, normal,” mabilis niyang sagot. “Kasi po, since bata, siyempre pagkamulat niya parang sumusunod na lang ang isipan niya kung ano yung nakikita niya.

“Pero siguro yung paglaki ko po sa bilangguan, yun ang naging dahilan na kung anuman po ako ngayon.”

Ang kanyang naging mga kalaro, kaibigan, at kapamilya ay ang mga “kakosa,” na siyang tawagan ng mga bilanggo sa isa't isa.

“Yung mga preso no’n, sila po yung nagbibigay sa akin ng laruan.

“Sila po yung tutulong sa akin kung ano po yung gusto ko, bibigay nila.

“Parang isa pong family talaga.

“Kahit sabihin natin na kulungan man ‘yon, pero sa akin, itinuring ko po siyang isang malaking pamilya.”

Masaya raw si Pao sa tuwing sasapit ang Pasko dahil maraming aginaldo ang kanyang natatanggap.

“Totoo po. Pag Pasko po, kunwari may 24 cells—yung selda—meron din po akong 24 barbecue sticks na iba-ibang lasa.

“’Tapos po yung mga mayor din, yung chairman [ng bawat selda], magbi-bless po ako isa-isa.

Continue reading below ↓

“Pinakamahina na po yung P1,000. Kung pagsasama-samahin po iyon, P1,000x24, meron po akong P24,000 every Christmas,” nakangiting pagbabalik-tanaw ni Pao.

Natawa rito ang hosts na sina Paolo at Jose.

Inusisa rin si Pao kung ano ang naging setup niya sa pag-aaral.

“Tinulungan po ako nung mga inmates at yung mga personnel.

“Nag-ambag-ambag po sila.

“Halimbawa po, wala po akong baon, pupuntahan ko po yung isang preso.

“Meron pong eskuwelahan na malapit sa jail.”

PAO’S EDUCATION

Nito lamang July 8, 2021, natampok rin ang kuwento ni Pao sa NXT Profiles ng ABS-CBN News Online.

Dito nabanggit ni Pao kung bakit nakulong ang kanyang ina at lola.

“Si Nanay at tsaka si Lola kasi mayroon silang business noon.

“Nagkaroon ng problem, nakasuhan sila ng estafa, and then nakulong…”

Ipinagbubuntis na si Pao noon ng kanyang ina.

Ang mga preso at jail officers ang naging katuwang ng ina ni Pao sa pagpapalaki sa kanya.

Continue reading below ↓

“Meron kasing maliit na tindahan sila nanay ko sa loob noon. Parang yun ang nagiging source of income namin.”

“Dumating yung time na mismong mga personnel, mismong mga inmate yung tumutulong sa akin sa pagtustos sa pang-araw-araw kong pangangailangan bilang isang bata.

“Dahil ako lang ang bata doon, parang kinagigiliwan nila ako, nag-e-enjoy sila na may anak-anakan sila.”

Sa paglaki ni Pao, kinailangan niyang pumasok sa eskuwelahan.

Nangamba ang lola at ina ni Pao sa magiging tingin sa kanya sa eskuwelahan.

“Pero sabi ng nanay ko, ‘Kailangan mag-grow ni Pao.’

“Tsaka yung mga inmates, sabi nila, ‘Kailangan niya mag-aral. Kahit dito siya umuuwi, kasama natin siya, kailangan papasok siya sa school. Kailangan matutunan niya do’n sa eskuwelahan yung dapat niyang matutunan.’”

Inihahatid si Pao ng jail officers sa kalapit eskuwelahan hanggang sa makaya niyang pumasok nang mag-isa.

Kapag mayroong Parents Teachers Association (PTA) meetings, ang pinapapunta raw ng ina para samahan si Pao ay ang mga kaanak ng ibang preso.

Continue reading below ↓

“No’ng una, yung mga dalaw doon, yung mga asawa ng mga inmates, sila yung pinapapunta ng nanay ko. Halimbawa, cards out, sila yung pupunta,” paliwanag ni Pao.

Noong Grade I pa lamang si Pao, may isang guro raw ang nagtanong sa kanya kung nasaan ang ina nito.

Sinabi raw ni Pao ang totoo, na nasa kulungan ang ina. Bagama’t nabigla noong una, naunawaan daw ng mga guro ang kalagayan ni Pao.

May mga taong nag-alok din na ampunin si Pao, pero siya na raw mismo ang tumanggi.

Hindi raw niya magawang iwan ang kanyang ina at lola. Hindi rin din daw magawang iwan ni Pao ang nakagisnan niyang tahanan—ang kulungan.

“’Yun bang parang, siyempre, ikaw, bata ka, doon ka lumaki, 'no, yung mga kasama ko, na parang maninibago ka,” paliwanag ni Pao.

Noong malapit na raw magtapos ng high school si Pao, inilipat sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City ang ina at lola niya.

Continue reading below ↓

Naiwang mag-isa sa Angeles City si Pao.

“And then ako noon, isa sa mga naging problema ko noon, saan ako mag-i-stay?

“Kasi wala nang reason para mag-stay ako sa jail. Wala na akong nanay at saka lola na nandoon.”

Pao explains that he never hid from his teachers that his mother and grandmother were in prison. The teachers, he said, were very understanding of his situation.

Continue reading below ↓

Pero hindi pinabayaan si Pao ng mga tao sa kulungan na siya nang nakagisnang pamilya.

Sabi ni Pao, “Yung mga personnel mismo, yung may isa doon, ‘yong parang pinakamataas, sinabi niya, ‘Pao, ‘wag mong iisipin yung aalis ka dito, na papaalisin ka namin. Mag-stay ka lang dito. Tapusin mo yung pag-aaral mo. Tapusin mo yung gusto mong tapusin. Basta’t ‘wag ka lang gagawa ng kalokohan dito.’”

Sa tulong ng inmates, jail officers, at pati ilang pari sa Pampanga, nakapagtapos si Pao ng Bachelor of Science in Education sa Holy Angel University noong 2015.

Si Pao ay naging scholar din sa unibersidad.

Base sa mga ipinakitang larawan sa ABS-CBN News video, dito rin nag-aral ng elementarya at high school si Pao.

Ang ikinalulungkot lang daw ni Pao, sa tuwing magtatapos siya, lagi siyang mag-isang umaakyat sa entablado.

“Kasi, siyempre, kapag graduation, ako lang mag-isa.

“Pero kahit gano’n yung nangyari, hindi ko naman siya tinake as a problem.

Continue reading below ↓

“But that is one sa mga dream ko… is maga-graduate ako together with my mom and my lola.”

Sa ngayon, sa Holy Angel University rin nagtuturo si Pao.

Magkakasama na sila ng kanyang ina at lola sa labas dahil nga nakalaya na sila.

Desidido si Pao na tapusin ang kanyang Master’s Degree.

“Kaya nga I continue my study, kahit college graduate na ako, nagma-Master’s ako.

“Kasi gusto ko ma-attend yung isang graduation lang," sabi ni Pao, "kahit Masteral lang, na kasama ko yung nanay ko.”

THE TRUE COLORS OF INMATES

Sa kabilang banda, gusto rin daw ni Pao na mabago ang pananaw ng tao sa mga nasa bilangguan.

Sa kanyang Eat Bulaga guesting, inusisa ng host na si Jose kung ano ang misconception ng publiko sa mga preso.

Ani Pao, kabaliktaran daw ang pananaw ng publiko sa totoong ugali ng mga nasa bilangguan, na ang imahe ay “nakakatakot, may riot, may saksakan, may droga.”

Continue reading below ↓

Sabi ni Pao, “Pero, ako po, yung paglaki ko doon, ang layo-layo ng sinasabi nila outside.

“Sabi po nila yung mga inmate, mamamatay tao, durugista. Hindi man po.

“Sila po mismo, sasabihan nila ako, 'Pao, huwag kang maninigarilyo, huwag gagamit ng shabu, kung hindi ipapabaril ka namin sa labas.’

"Ganu’n ang bilin sa akin.

“Yung mga inmate pag tumingin parang ang sama na nung tingin. Sa iyo, parang ganoon, pero po doon, ang layo-layo. Parang tinuring po akong parang isang anak.

“Kaya nga po pag kinukuwento yung sa jail, ako po mismo nagkukuwento, to share my story with them.

“Kasi gusto ko pong baguhin ang image ng prison.”

MESSAGE TO HIS STUDENTS

Bilang isang guro, itinuturo raw ni Pao sa mga estudyante na mangarap nang matayog.

“I always tell my students kapag nagtuturo ako: una, sabi ko nga sa kanila, always continue to dream.

“Masarap mangarap. Pangarap kong maging abogado, pangarap kong maging pulis, pangarap kong maging teacher.

Continue reading below ↓

“Marami akong naging pangarap. Pangarap kong magkaroon ng sariling bahay.

“And then, habang nangangarap ako, pinaniniwalaan ko ang mga ito.

“Kasi pag pinapaniwalaan mo yung mga pangarap mo, alam mong matutupad.

“Sabi ko nga sa kanila, ‘Hindi kayo papabayaan ng Diyos, hindi ka Niya isusuko. Sinusubukan ka lang Niya.’

“At sabi ko nga sa kanila, every story will end with a happy ending.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Oliver Pili, 27, was born and raised in prison. He was with his mother and grandmother. For the next 25 years of his life, prison was home and prisoners and jail officers were family. In 2015, Paul graduated with a degree in Education and is currently teaching at Holy Angel University in Pampanga.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!) / NXT Profiles ABS-CBN News Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results