Shawntel Nicole Nieto, unang Pilipinong ginawaran ng Diana Award

by Bernie V. Franco
Jul 15, 2021
Shawntel Nieto, 25, is one of the recipients of The Diana Award this year. According to its website, the international award, which carries Princess Diana's name, is given to "young people who have the power to change the community."
PHOTO/S: @shawntelnieto on Instagram

Nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Shawntel Nicole Martinez Nieto, 25, matapos maging kauna-unahang Filipino recipient ng Diana Award.

Ang award ay pinangalanan sa yumaong Diana, Princess of Wales, ng United Kingdom, bilang charity legacy.

Si Shawntel ay isa sa mga ginawaran ng prestihiyosong award dahil sa inilunsad niyang One Cainta Food Program (OCFP).

Sinimulan ni Shawntel ang food program noong March 2020, o nang magsimula ang pandemya sa bansa.

Mula nang itayo niya ito, libo-libong kababayan niya sa Cainta ang naabutan ng tulong, tulad ng relief goods.

THE DIANA AWARD

Ang Diana Award ay international award na itinuturing na “most prestigious accolade” na ipinagkakaloob sa mga kabataang may edad 9-25.

Sinimulan ito noong 1999, at pinangunahan ni United Kingdom Prime Minister Gordon Brown.

Ayon sa website nito: “We’re proud to be the only charity set up in memory of Diana, Princess of Wales and her belief that young people have the power to change the community.”

Continue reading below ↓

Ngayong taon, 400 kabataan mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang ginawaran, kabilang na si Shawntel.

Ginanap ang virtual awarding noong June 29 (Philippine time).

Shawntel Nieto is the first-ever Filipino to be given the Diana Award, in honor of the late Princess Diana of Wales. The award recognizes youths who help their community.

Continue reading below ↓

HOW SHAWNTEL’S CHARITY WORK BEGAN

Para maging qualified sa Diana Award, kailangan manomina ang isang tao.

Si Shawntel ay ninomina ng kanyang kinabibilangang organizations: ang Global Changemakers Association at Dalai Lama Fellowship.

Ang Global Changemakers Association ay isang international youth organization na naka-base sa Zurich, New Zealand.

Ang Dalai Lama Fellowship naman ay naka-base sa University of Virginia, U.S.A.

Ang huli ay isang one-year leadership program para sa mga “emerging social change leaders” upang maturuan silang maging kapaki-pakinabang sa kanilang lipunan.

Natapos ni Shawntel ang programang ito noong 2019.

Bonus na lamang daw kay Shawntel ang Diana Award.

Gusto lang daw niyang matulungan ang mahihirap na kababayan sa panahon ng pandemya.

Inilahad ni Shawntel ang kanyang istorya sa Rise and Shine Pilipinas ng PTV4 noon lamang July 12, 2021.

“Ever since nagsimula yung lockdown, alam po nung pamilya namin yung ibig pong sabihin nito para sa napakaraming tao,” aniya, pagtukoy niya sa nakaambang hamon sa kanilang mga kababayan.

Continue reading below ↓

“Kaya sinimulan po namin yung aming food program March of 2020, para makatulong po sa mga tao dito sa Cainta.

“Nais lang po namin maibigay sa kanila ang lahat ng suporta na kaya naming mabigay.”

Lumapit daw sila sa mga organisasyon at kumpanya para humingi ng tulong.

“Nagsimula po kaming mag-contact ng mga organisasyon na maaaring makatulong at makapamahagi po sa amin ng mga goods, overstock, o relief goods na puwede po nilang maibigay sa amin,” lahad ni Shawntel.

“Nagpa-partner po kami with organizations or corporations, kunyari URC [Universal Robina Corporation], ganyan, na magbibigay po sa amin ng stocks nila, na iri-repack namin at idi-distribute po namin as grocery gifts to mga communities.”

Continue reading below ↓

When Shawntel started her food-aid program in Cainta last year, she approached organizations and companies for goods, which Shawntel then distributed to the needy.

Sa hinabahaba ng quarantine, hindi itinigil ni Shawntel ang kanyang nasimulang pagtulong sa kapwa.

“Pagkatapos po nung height po ng lockdown, nakipag-partner din po kami sa mga restaurant chains.

“Nagbibigay po sila sa amin araw-araw ng packed meals po for free, na dini-distribute din po namin sa mga communities door-to-door.”

Dagdag ng dalaga, “Nagma-manage din po kami ng general donor fund, kung saan lahat po ng tao, puwedeng mag-donate.

“At ito pong funds po ay ginagamit namin para bumili at kumuha ng bigas, canned goods, sardinas, gulay, na pina-package po namin para sa mga miyembro po ng ating komunidad.”

Katuwang rito ni Shawntel ang kanyang pamilya.

Bukod sa OCFP, si Shawntel din ang pangulo ng Society of Sustainability Practitioners (SSP).

Ayon sa website nito, ang SSP ay isang “Christian, non-profit volunteer organization which serves as a community for sustainability champions who advocate for a Sustainable Philippines, anchored on biblical principles of stewardship.”

Continue reading below ↓

GOOD FOUNDATION

Si Shawntel ay nagtapos sa Ateneo de Manila University noong 2017 at may Bachelor’s Degree in Management of Applied Chemistry. Natapos din niya ang kanyang Master’s Degree in Sustainability Management noong 2019 sa Ateneo.

Noong nasa kolehiyo siya, nagsilbi siyang co-captain ng Ateneo varsity badminton team.

May tatlong kapatid na lalaki si Shawntel, at dalawa rito ay sina Mike at Matt Nieto, na parehong kabilang sa Gilas Pilipinas Basketball team.

Noong July 2020, na-interview si Shawntel ng international news agency na BBC News para sa “Coronavirus Your Stories” segment nito.

Ibig sabihin, noon pa man ay napansin na sa ibang bansa ang charity work ni Shawntel.

Bukod sa paglalahad kung paano niya sinimulan ang food program sa Cainta, nausisa rin si Shawntel kung bakit matulungin siya sa kapwa.

Ang kanyang mga magulang na doktor daw, na sina Dr. Jet Nieto at Dr. Girlie Nieto, ang malaking influence sa kanilang magkakapatid.

Continue reading below ↓

“For majority of their profession, in fact, for my father, for all of his professional career, he’s chosen to serve the underserved,” kuwento ni Shawntel.

“He chose to forego a private practice in order to service the patients in government hospitals.

“Sometimes, he hardly charges anything because he feels as if medicine and health, before anything, is service to the people.

“And I think growing up, this is the type of upbringing we’ve had.”

Pagpapatuloy ni Shawntel, “And this has really imbedded in us a call to service, a call to use our profession, our capabilities, and our resources to see what kind of impact we have on others, especially the underserved and marginalized.”

Sabi ni Shawntel, noong makita raw nilang maraming kababayan ang nakakaranas na ng epekto ng pandemya, kumilos daw silang magkakapatid.

Sabi pa ni Shawntel, ang ginagawa niyang pagtulong ay nagbibigay ng kabuluhan sa kanyang buhay.

“Honestly, when you think about it, we gave them five kilos of rice, 14 pieces of canned goods, maybe a box of milk…

Continue reading below ↓

“To a lot of people, that’s nothing, that’s something that’s part of their grocery list."

Sinabi nitong iba ang pakiramdam ng nakakatanggap ng pasasalamat.

“But to be thanked the way they thank you, it just shows that, for them, what you gave, regardless of how small it is, it actually means the world to a lot…

“It just might be their world because they survive on a day-to-day basis."

Kaya nga raw nakakapagbago ng buhay ang tumulong.

“And so, really, you think that you give, you’re the one on the giving end.

“But, really, when you give, you’re the one on the receiving end.

“Because you’re touched, you're changed, you’re basically allowed to be the person were all supposed to be.

“Which is basically persons with, and for, others, especially for those who need help and need support the most.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shawntel Nieto, 25, is one of the recipients of The Diana Award this year. According to its website, the international award, which carries Princess Diana's name, is given to "young people who have the power to change the community."
PHOTO/S: @shawntelnieto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results