Son of farmer & waitress gets scholarship grant worth PHP4.2M from U.S. college

by Bernie V. Franco
Jul 24, 2021
Gelbert Cresenscio from Bohol is one of 118 out of 4,900 applicants accepted by Amherst College in Massachusetts, U.S.A. (Left photo) Gelbert during his graduation with his father, a farmer, and mother, who works as a waitress.
PHOTO/S: Gelbert Cresenscio

Unti-unti nang naaabot ng estudyanteng si Gelbert Cresenscio ang kanyang pangarap na maging neurosurgeon.

Si Gelbert, na mula sa Bohol, ay nabigyan ng full scholarship sa Amherst College sa Amherst, Massachusetts, sa United States.

Bilang iskolar, makakatanggap siya ng $85,000 yearly, tumataginting na PHP4.25M sa current conversion.

GELBERT's ULTIMATE DREAM

Ang maka-graduate sa college ay one step closer pa lamang sa ultimate dream ni Gelbert.

Kukuha si Gelbert ng undergraduate degree sa neurosciences bilang paghahandang makapag-aral sa isang medical school sa Amerika para maging neurosurgeon.

Base sa pananaliksik ni Gelbert, napag-alamang kulang na kulang ang neurosurgeons sa Pilipinas.

Sa ngayon, mayroon lamang 134 neurosurgeons o isang neurosurgeon kada 840,000 Pilipino.

Napansin rin ni Gelbert na salat sa healthcare access ang rural areas sa Pilipinas, at naniniwala siyang isa ito sa mga problemang kailangan malapatan ng solusyon.

“So I hope to pursue medical school where I can train and become one of the best neurosurgeons in the Philippines and hopefully give back to the community,” saad ni Gelbert.

Sa darating na Agosto, lilipad na patungong U.S. si Gelbert para simulan ang kanyang orientation sa Amherst College, isa sa mga kilala at pinakamatandang kolehiyo sa Amerika.

Kabilang sa mga graduates dito ay ang poet na si Emily Dickinson, former U.S. President Calvin Coolidge, Albert II na Prince of Monaco, at ang international best-selling author na si Dan Brown.

Hindi raw makapaniwala si Gelbert nang malaman niyang nakapasa siya sa kolehiyo sa Amerika.

Kuwento ng binata sa Smart Parenting, “When I heard that I got into Amherst, I started screaming and crying while calling my mom, and she started to cry as well."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Gelbert, ang Amherst ang eskuwelahan sa kanyang listahan ng pinagpiliang mga paaralan na huling naglabas ng results.

Ito rin ang “dream school” niya.

GELBERT IS A BIG DREAMER

Si Gelbert ay isa sa 118 applicants na nakapasa sa Amherst, mula sa 4,900 applicants.

Siya ay lumaki sa bayan ng Talibon, pero nag-aral ng senior high school sa Holy Name University sa Tagbilaran City.

Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid na lalaki.

Ang kanilang ama ay isang magsasaka at nagsa-sideline bilang tricycle driver.

Ang kanilang ina naman ay nagtatrabaho bilang waitress sa isang restaurant at dating tauhan sa isang tindahan.

Nais ni Gelbert na iahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan.

Pag-amin niya, baon sa utang ang kanyang mga magulang.

Ang iba sa utang na ito ay ipinantustos sa pag-aaral nilang magkakapatid.

Pero dahil hindi nababayaran, lumaki nang lumaki ang interes ng mga ito.

Gelbert Cresenscio from Bohol is one of 118 out of the 4,900 applicants accepted by Amherst College in Massachusests.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang dalawang nakatatandang kapatid ni Gelbert ay parehong college graduates, pero walang trabaho dahil sa pandemya.

Lahad ni Gelbert, “I never heard [my parents] complain about how tired they are. So I want to help my family in paying all the debts and loans so that I can give them the life that they truly deserve,”

Pagbabahagi pa ni Gelbert, hindi siya pinipilit ng mga magulang na maging subsob sa pag-aaral.

Gayunpaman, may kusa siyang pag-igihan ang pag-aaral para maging sulit ang lahat ng sakripisyo nila.

Pero sa dami ng kilalang eskuwelahan at unibersidad sa Amerika, bakit Amherst ang napili ni Gelbert?

“I chose Amherst because, being in a small liberal arts college, students have access to a myriad of opportunities and close collaboration with professors and fellow students," paliwanag ng binata.

Nag-ugat raw kasi ang interes ni Gelbert sa neurosurgery nang masaksihan niya kung paano ninakaw ng Alzheimer’s disease ang kalusugan ng kanyang lolo.

Sabi ng binata, “His illness and death had deepened my interest and passion for neurosciences.

“I want to integrate engineering principles to create a device that can detect the early onset of Alzheimer’s disease and also create a cure.”

Kaya raw malaking bagay na nakapasok siya sa Amherst.

Bagamat liberal college, ang Amherst ay kilala sa STEM (science, technology, engineering, and mathematics) program nito.

Kabilang sa science and math courses nito ay Biochemistry and Biophysics, Biology, Chemistry, Computer Science, Environmental Studies, Geology, Mathematics and Statistics, at Neuroscience.

Added factor din para kay Gelbert na may strong partnership ang Amherst College sa Dartmouth College Thayer School of Engineering, na isang STEM-specialized school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balak kasi ni Gelbert na mag-transfer sa Dartmouth pagsapit ng kanyang third year sa kolehiyo upang kumuha ng Engineering Sciences bilang second course.

Sa pagtatapos sa kolehiyo ni Gelbert, magkakaroon siya ng dual degree, bago niya tuparin ang pangarap na mag-aral sa isang medical school.

Kailangan lang tiyakin ni Gelbert na ma-maintain ang mataas na grado para taun-taon ay ma-renew ang kanyang scholarship, hanggang sa makapagtapos siya sa Dartmouth.

Nitong bakasyon, sinimulan na ni Gelbert ang paghahanda.

Nakipag-communicate na siya sa kanyang future Amherst classmates.

Inihahanda na rin niya ang sarili sa magiging buhay niya sa Amerika bilang estudyante.

Pagbabahagi ni Gelbert, “I have prepared a checklist of the things that I am excited to try and this includes experiencing winter for the first time, meeting new friends, and hopefully do research in the Neuroscience field,” pagbabahagi ni Gelbert.

Gelbert will fly to the U.S. this coming August to begin his orientation as a student of Amherst College.

Nag-part-time rin siya sa isang manpower agency para makapag-ipon ng pambili sa mga kakailanganin pagtulak niya sa Amerika.

At siyempre, ginugugol ngayon ni Gelbert ang kanyang oras kasama ang pamilya bago niya iwan ang mga ito sa susunod na buwan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gelbert Cresenscio from Bohol is one of 118 out of 4,900 applicants accepted by Amherst College in Massachusetts, U.S.A. (Left photo) Gelbert during his graduation with his father, a farmer, and mother, who works as a waitress.
PHOTO/S: Gelbert Cresenscio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results