Cum Laude graduate, pinasalamatan ang mister na nag-boxing para siya makapag-aral

by Bernie V. Franco
Jul 27, 2021
Mai Borbon, 29, said to husband Jonel Borbon: “Ikaw ang CUM LAUDE ng buhay ko at ipinagmamalaki ko na isa kang BOKSINGERONG nakapagpatapos ng kolehiyo!” Jonel supported her studies with tough work as a professional boxer. He is thinking of giving up boxing now that his wife has graduated.
PHOTO/S: Facebook (Chu Borbon, Mai Borbon

Tinanggap lahat ni Jonel Borbon, 31, ang suntok ng mga kalaban matustusan lang ang pag-aaral ng kanyang misis.

Si Jonel ay isang professional boxer at fitness trainer.

Ginamit niya ang kinikita sa boksing para mapag-aral ang asawang si Mylen Borbon, 29.

Nagbunga naman ang sakripisyong ito ni Jonel dahil ngayong Hulyo 2021 ay nagtapos na si Mylen.

Kumuha siya ng Bachelor of Science in Information Technology sa Datamex College of St. Adeline sa Fairview, Quezon City.

Nagtapos na may cum laude si Mylen.

Sa graduation picture ni Mylen, hawak niya ang isang white board taglay ang mga salitang: “Dahil sayo ASAWA ko naka-GRADUATE AKO!”

Bagamat noon ay pinagdudahan ang sariling makakapag-college pa siya, hinimok siya ni Jonel at nangakong susuportahan ang pag-aaral sa pagboboksing.

MYLEN’S APPRECIATION POST FOR HUSBAND JONEL

Kaya naman noong July 4, 2021, isang mahabang Facebook post ang ginawa ni Mylen para sa asawa.

Titulo ng post ni Mylen, “An open letter for my husband.”

Continue reading below ↓

Simula ni Mylen (published as is): “May mga taong nagsasabi na dahil boksingero ka lang ay pakikipag basagan lang ng mukha ang alam mo,

"Minamata at minamaliit ka nila dahil daw lagi ka naman talo sa ibang laban mo, hinuhusgahan ka nila kahit hindi nila alam ang buong pagkatao mo.”

Pagpapatuloy ni Mylen, akala raw ng iba ay mayabang si Jonel dala ng kanyang piniling propesyon.

“Hindi nila alam kung paano mo kinakayang tiisin ang sakit ng bawat suntok na tinatanggap mo para sa pamilya mo at para suportahan ang pangarap kong makapag tapos ng kolehiyo."

Pinagsasabay raw ni Jonel ang pagiging fitness instructor at paghahanda sa boksing para sa kanyang match kahit late notice ng match ang ibinibigay sa kanya.

“Tinatanggap mo ang offer kahit 3days notice di baleng matalo may pangsuporta ka lang sa eskwela ko.”

Mai Borbon, 29, graduates cum laude this July 2021, and is grateful to her husband who supported her studies with his work as a professional boxer.

Continue reading below ↓

Kinontra rin ni Mylen ang panghuhusga sa pagkatao ng kanyang mister. Na kung may mukha man itong maton, may malambot daw itong puso.

Published as is: “Ikaw ang taong akala nila matigas ang puso

"Ang hindi nila alam sobrang lambot nito, kaya kong patunayan yan at nang mga taong natulungan mo kapos man tayo ni minsan hindi ka nagdamot pag may nangailangan ng tulong mo.”

Sa kabila raw ng pandemya, init ng araw, at pagod, matiyagang nagbibisikleta si Jonel para puntahan ang kanyang mga kliyente.

“Hindi uso ang pagod sayo mabigay lang ang pangangailangan namin ng pamilya mo,” sabi pa ni Mylen sa kanyang post.

Pinasalamatan din ni Mylen ang asawa sa lahat ng sakripisyo nito mapagtapos lang siya sa kolehiyo.

“Maraming salamat dahil mahal mo ang mga taong mahal ko, maraming salamat dahil ikaw ang nagpush na kaya kong tuparin ang pangarap ko, maraming salamat dahil ikaw ang naging asawa ko.

Continue reading below ↓

“Nagbunga na ang lahat ng pagsisikap mo heto at nakapagtapos na ako.

“Ikaw ang CUM LAUDE ng buhay ko at ipinagmamalaki ko na isa kang BOKSINGERONG nakapagpatapos ng kolehiyo!”

life of JONEL as boxer

Paliwanag naman ni Jonel, kahit late notice na ang ibinibigay sa kanyang matches ay tinatanggap pa rin niya ito.

Aniya, tatlo hanggang limang araw ang notice bago ang isang boxing match. Kulang na kulang ang panahong ito para ikondisyon ang katawan, lalo pa't takaw injury ang boksing.

“Maraming bayarin, e,” sagot ni Jonel sa interview ng Philippine Star.

Ang kinikita niya kada match ay umaabot ng P8,000.

Isang libo ang katumbas ng bawat round, at umaabot sa anim na rounds ang isang laban.

Kung malayo ang lugar na pagdadausan ng laban, may dagdag na P2,000 para sa pamasahe at pagkain.

“So, parang papatak na P8,000 po yung magiging premyo namin, manalo matalo na po iyon," paliwanag ni Jonel.

Continue reading below ↓

Mai says her people think her husband is a toughie because of his profession. But, she says, Jonel has a soft heart.

Hinikayat daw ni Jonel ang misis na mag-aral dahil alam niyang hindi pamhabambuhay ang kanyang pagiging boxer at fitness instructor.

Darating daw ang araw na kakailanganin niyang itigil ang pagiging boksingero. Hindi naman siya nakatapos ng kolehiyo.

Continue reading below ↓

Pinag-iisipan na raw ni Jonel na itigil na ang pagboboksing, o kaya naman ay hindi na tumanggap ng short-notice matches.

Mensahe naman ni Mylen, huwag mawawalan ng pag-asa at huwag gawing hadlang ang edad para ipagpatuloy ang pag-aaral.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mai Borbon, 29, said to husband Jonel Borbon: “Ikaw ang CUM LAUDE ng buhay ko at ipinagmamalaki ko na isa kang BOKSINGERONG nakapagpatapos ng kolehiyo!” Jonel supported her studies with tough work as a professional boxer. He is thinking of giving up boxing now that his wife has graduated.
PHOTO/S: Facebook (Chu Borbon, Mai Borbon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results