Graduate na sa wakas ang ama na laborer sa araw, estudyante sa gabi

by KC Cordero
Jul 29, 2021
Hindi ordinaryo ang mga pinagdaanang hirap ni Tatay Jerome Velez, 36, makatapos lang ng kolehiyo.

Mahirap pagsabayin ang pag-aaral lalo na kung pamilyado na at may apat na anak na nag-aaral.

Idagdag pa ang kasalukuyang sitwasyon dahil sa pandemya. Mahirap na ngang maghanapbuhay, mas lumiit pa ang kita.

Gayunpaman, naitawid ng isang tatay mula sa Claveria, Misamis Oriental ang kanyang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo.

Noong June 17, 2021, nag-graduate si Jerome Velez, 36, sa kursong Bachelor of Science Degree in Business Administration Major in Financial Management sa Tagoloan Community College.

Continue reading below ↓

INABANDONA NG AMA

Sa panayam kay Jerome ng Manila Bulletin na nalathala noong June 20, sinabi niya na 2013 siya nakatapos ng high school.

Plano sana niyang mag-enroll noon ng vocational course, pero hindi siya sinuportahan ng kanyang ama.

Kaya nagtrabaho na lang siya as laborer sa construction at namasukan sa farm.

Produkto si Jerome ng broken home.

Inabandona umano siya ng ama dahil meron na itong panibagong pamilya.

May tatlo siyang kapatid na hindi na rin nakapagkolehiyo.

WORKING STUDENT KAHIT PAMILYADO NA

Nagdesisyon si Jerome na ituloy ang pagkokolehiyo noong 2017. Nag-enroll siya sa TCC.

Trabaho sa araw, aral sa gabi ang kanyang naging routine.

Working student siya, at the same time, pinapaaral rin ang apat na anak.

Ang suweldo niya noon sa pagtatrabaho sa farm ay PHP250 kada araw, na aniya ay hindi talaga kasya.

Kaya todo tipid silang mag-anak noon, at hirap na hirap ang kanyang misis sa pagba-budget.

Continue reading below ↓

Sinabi niya sa kabiyak na determinado siya sa plano, at pag nakatapos siya sa kolehiyo ay hahanap siya ng mas magandang trabaho.

MAHIYAING CLASSMATE

Ang kuwento ni Jerome ay unang naibahagi ni Ading Salvane sa kanyang Facebook noong June 17.

Si Ading ay naging kaklase ni Jerome.

Ang kanyang post: “I met him in my 3rd year in college in one of my class during Saturdays. He asked me if I knew how to answer our seatwork and apologized for asking about it.

“When I looked at him, he was very tired and shaking (maybe because of hunger).

“He was a very shy person. He doesn't look at you straight in the eye when he talks and will always bow down his head while walking.”

Ibinahagi rin niya ang hirap na pinagdaraanan ni Jerome sa pagtatrabaho sa farm at pag-aaral sa gabi.

Ayon kay Ading, “He works in the day and goes to school at night. When I say he works, he works really hard. He once worked as a maintenance in the pineapple fields of Del Monte.

Continue reading below ↓

“Imagine the scorching heat of the sun or the cold pour of the rain, yet he still managed to go to school at night.

“He can be anything as long as it allows him to earn money and provide for his family.”

NAHIRAPAN SA DISTANCE LEARNING DAHIL WALANG GADGET AT INTERNET

Nakita rin ni Ading kung paano nahirapang mag-adjust sa distance learning si Jerome nang pumutok ang pandemya

Aniya, “When the COVID -19 pandemic hit us, he was worried if he will be able to sustain since wala siyang Facebook and wala siyang phone to go online.

“Their place has a very bad reception.”

Sa tulong ng mga kaklase, nakumpleto ni Jerome ang kanyang requirements at nakasama sa ginanap na online graduation noong June 17.

Continue reading below ↓

Pagbabahagi ni Ading kung bakit niya inilahad ang kuwento ni Jerome, “Simply because it is worth celebrating. He never gave up of his dream and worked hard to make it real.”

HINANGAAN NG NETIZENS

Mula nang i-post ni Ading ang kuwento ni Jerome ay kumalat na ito sa social media at naibalita sa major media outlets sa bansa.

Na-feature pa siya sa isang TV program.

Continue reading below ↓

Sa Facebook page ng Go Misamis ay panay papuri rin ang mga komento sa kanyang pagsisikap.

Continue reading below ↓


Sa kasalukuyan ay sa farm pa rin nagtatrabaho si Jerome.

Umaasa siyang sa malapit na hinaharap ay makahanap siya ng mas stable na trabaho.

Iyon daw ang tangi niyang pangarap ngayon.

Taglay ang magandang kuwento ng kanyang buhay at ang mga katangian ng isang ulirang empleyado, tiyak na magiging asset siya sa kumpanyang pagtatrabahuan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi ordinaryo ang mga pinagdaanang hirap ni Tatay Jerome Velez, 36, makatapos lang ng kolehiyo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results