12 high school girls imbentor ng solar-powered tent for the homeless

by KC Cordero
Aug 6, 2021
Ang 12 students ng San Fernando Senior High School sa San Fernando Valley, California, at ang kanilang naimbentong solar-powered tent for the homeless.

Napapanahon ang isang proyektong nabuo ng 12 estudyante mula sa San Fernando Senior High School, San Fernando Valley, California.

Miyembro sila ng all-girls science club ng nasabing school at ngayon ay imbentor ng solar-powered tent na makakatulong sa mga homeless at nawalan ng tirahan.

SOLAR-POWERED TENT

Ne-feature ang imbensiyon ng 12 estudyante noong October 25, 2020, sa Good Home Design, isang website na pinupuntahan ng mga architects, interior designers, at civil engineers.

Naisakatuparan ang ideya sa tulong ng DIY Girls, isang organization sa California, U.S.A. na inilunsad ni Assemblywoman Luz Rivas, na nagtapos ng Electrical Engineering sa Massachusetts Institute of Technology at may master's degree in Education mula sa Harvard University.

Ito ang naisip gawin ng mga estudyante dahil napansin nilang dumarami ang homeless sa community."These girls saw a problem in their community," ayon kay Evelyn Gomez, isang engineer at executive director ng DIYGirls.

"If we have more young women and more people of color and more people from low-income communities that are able to identify a problem within our communities, then we're going to be better equipped to solve those problems because we've lived through them," ayon pa kay Gomez.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Malaki ang maitutulong ng solar-powered tents sa mga taong nawalan ng tirahan sa buong mundo, ayon pa rin kay Gomez.

"I love to tell the girls that engineering is not only about math and it's not only about science and numbers... It's about identifying a problem and helping people."

Nang sulatin nila ang unang plano para sa tent noong 2016-2017, bukod sa solar power para mag-charge ng electronic devices, ilan sa mahahalagang features nito na kanilang isinaalang-alang ay ang timbang na dapat ay lightweight, at puwedeng ma-fold na parang backpack kaya maaaring dalhin kahit saan.

Continue reading below ↓

Ang tent naman ay yari sa highly durable and water-resistant material.

May LED o UV light din ito bilang pang-disinfect sa mismong tent.

Ang ikinabit na solar power at UV light ay nagkakahalaga ng $40 o halos PHP2013.60.


Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

NOT FOR MASS PRODUCTION

Dahil sa kanilang imbensiyon ay nakatanggap ang 12 estudyante ng $10,000 grant mula sa Massachusetts Institute of Technology.

Nagkaroon tuloy sila ng pagkakataon na i-exhibit ang kanilang invention sa EurekaFest noong June 2017, isang convention na isinasagawa kada taon ng MIT kung saan itinatampok ang mga gawa ng young inventors.

Nai-feature din ang solar-powered tent sa iba’t ibang media outlets sa U.S. gaya ng CBS LA, Huffington Post, at Mashable.

Naging tampok din ito sa video na “How An All-Girls Team Address Homelessness,” na ini-upload sa YouTube channel ng TEDx Talks noong October 18, 2018.

Continue reading below ↓

Ang pinakahuling update tungkol sa solar-powered tent for the homeless ay mababasa website ng DIYgirls.

Ito ang kanilang statement: “The project our 2016-2017 InvenTeam created was a prototype and it was developed as a part of the Lemelson-MIT InvenTeam challenge.

“There are no official plans to have it mass-produced, patented, and/or available to the public for sale.

“Due to the heavy volume of media requests we receive, we sincerely regret that we are not able to respond to all inquiries or accommodate interviews regarding this project.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 12 students ng San Fernando Senior High School sa San Fernando Valley, California, at ang kanilang naimbentong solar-powered tent for the homeless.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results