Pagkamatay ni Miko Sotto, nagbigay-liwanag sa buhay ng isang dalaga

by Bernie V. Franco
Aug 23, 2021
Esmeralda Baribad (left) became the recipient of the late Miko Sotto's (center) cornea in 2003, after the actor's death. Ali Sotto, mother of Miko, thanks Esmeralda because a part of her son continues to live on because of her.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga)/ GMA Network

Naging maliwanag ang kinabukasan ni Maria Esmeralda “Esme” Baribad ng Makati City dahil sa cornea ng pumanaw na aktor na si Miko Sotto.

Noong bata raw siya, nagtamo siya ng sugat sa mata matapos ang isang aksidente.

“Natalsikan po siya ng bubog nung bata po ako… ng bintana,” kuwento ni Esme.

Dahil sa pagiging bata, hindi masyadong maalala ni Esme kung gaano kaseryoso ang tinamo niyang sugat.

“Hindi ko alam kasi si Mama ko po yung kasama ko no’n.

“’Tapos sabi lang niya parang hindi ko na mamulat yung mata ko.

“’Tapos yung time na din po na yun nagtatrabaho si Papa sa Makati Med,” pagtukoy niya sa ama na naging ambulance driver.

Nagkuwento si Esme tungkol sa pagiging recipient niya ng left eye ni Miko sa episode ng Eat Bulaga! noong June 26, 2021.

Isa si Esme sa players ng segment na "Bawal Judgmental."

GRATEFUL TO BE THE EYE RECIPIENT

Si Esme ang napiling recipient ng mata ni Miko nang magdesisyon ang TV personality at radio broadcaster na si Ali Sotto, ang ina ng pumanaw na aktor, na i-donate ang cornea ng anak.

Continue reading below ↓

“Sobrang grateful po ako,” nasambit ni Esme.

Ang kanyang ina raw ang nagsabi na ang kanyang donor ay isang artista.

“Medyo awkward kasi nakikita sa TV,” sabi lang ni Esme nang matanong kung ano ang naramdaman niya matapos malamang artista ang kanyang eye donor.

Matapos ang kuwento ni Esme, isang video greeting mula kay Ali ang ipinalabas ng Eat Bulaga!

Continue reading below ↓

Sinabi ni Ali na masuwerte rin siya dahil patuloy na nabubuhay ang kanyang anak dahil kay Esme.

“Hi Esme, I miss you,” bungad ng broadcaster.

“Ano ba iyan, ang tagal na nating hindi nagkita dahil dito sa pandemic na ito.

“Kaya hopefully matapos na soon para mabisita mo na ulit ako.

“’Tapos matitigan ko na ulit ang mga mata mo kasi nga, e, alam mo naman, matitigan lang kita, makita lang kita, you make me so happy.

“Kasi bahagi ng anak ko na si Miko lives on because of you.”

Sa puntong iyon ay pinasalamatan ni Ali si Esme.

“Alam mo kahit ano yung pasasalamat mo sa amin, gano’n din yung pasasalamat namin sa iyo.

"Dahil talagang ang laking tulong talaga para maibsan yung lungkot namin sa pagkawala ng minamahal namin na anak.

“Kaya Maria Esmeralda, God bless you. I hope to see you soon.

“I love you and patnubayan ka lagi ng Panginoon.

Continue reading below ↓

“I’m so happy, I’m so proud of you. See you soon.”

Pahayag naman ni Esme, masuwerte raw siyang nanumbalik sa normal ang kanyang buhay.

“Thank you din po kasi ako yung napili na mabigyan ng cornea ni Kuya Miko,” ani Esme.

“Siguro sa ibang tao kung magkaroon sila ng gano’ng situation parang mahirap din, pero para sa akin dahil do’n nanatili ako na mamuhay nang normal.”

Binati rin ng Eat Bulaga! host na si Vic Sotto si Esme dahil naalala pa raw niya ito bago mailipat ang cornea.

Sa isang interview naman noong 2013, sinabi ni Ali na ang pag-donate sa cornea ng kanyang yumaong anak na si Miko ay ang kanyang “best donation.”

Si Miko ay anak ni Ali sa dating asawang si Maru Sotto, kapatid nina Tito Sotto at Vic Sotto.

Naging artista sa GMA-7 si Miko at dating kasintahan ni Angel Locsin.

Pumanaw si Miko sa edad na 21, matapos itong mahulog sa balcony ng 8th floor condominium nito sa Mandaluyong.

Continue reading below ↓

Nangyari ang insidente noong December 30, 2003.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Esmeralda Baribad (left) became the recipient of the late Miko Sotto's (center) cornea in 2003, after the actor's death. Ali Sotto, mother of Miko, thanks Esmeralda because a part of her son continues to live on because of her.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga)/ GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results