Yayamanin? Medical student nabatikos sa maling akala ukol sa P300-K na impok ng magulang

by KC Cordero
Aug 21, 2021
Ibinahagi ni Honesty Salazar ang mas malalalim na detalye tungkol sa kanyang FB post na “Ang kwento ng 300k” na nag-viral kamakailan pero na-bash ng ibang netizens.
PHOTO/S: Courtesy of Honesty Salazar

Hindi inaasahan ni Honesty Salazar, 26, na dahil sa kanyang Facebook post na "Ang kwento ng 300k" noong July 31, 2021, na na-feature naman ng 24 Oras ng GMA News noong August 3, ay marami ang makaka-misinterpret sa kanya.

Malungkot na sambit ni Honesty, “Sinasabi po nila na may 300 thousand pesos naman daw po. Yung iba daw po, walang-wala. At di ko daw po deserve ma-feature...”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Honesty noong August 11, 2021 sa pamamagitan ng FB Messenger.

Siya ay nagtapos ng BS Medical Technology sa Cavite State University-Main Campus, at nag-aaral ng Doctor of Medicine sa Our Lady of Fatima University (OLFU).

Graduating student na siya ngayong August, at kasalukuyang post-graduate intern ng isang ospital sa Manila.

Honesty Salazar with a heart

Continue reading below ↓

Sa kanyang FB post noong July 31 ay nagbalik-tanaw siya at ibinahagi ang mga challenges na naranasan bago siya nakapag-enrol sa kursong medisina.

Noong time na iyon, P300,000 na lang ang pera sa bangko ng kanyang parents—na kung tutuusin ay kulang sa buong panahon ng kanyang magiging stay sa med school.

Naalala niya na sabi sa kanya ng ama noon, “Tinanong ako ng tatay ko na, ‘Sigurado ka na ba talaga na magme-med ka? P300 thousand na lang laman ng bangko natin.’”

Ang naisagot na lang niya sa ama, “Oo, sigurado na ako. Ilalaban mo naman ako, di ba?"

“Oo naman,” sagot ng kanyang ama.

Ayon kay Honesty sa bahagi pa rin ng kanyang post, “Ang bukod tanging pinanghahawakan ko, kasi naniniwala ako, kahit ano mangyari, igagapang nila yung pangarap ko.”

Nagpasalamat din siya sa mga kaibigan at kaklase na tumulong at nagbigay sa kanya ng moral support.

Ang post niya sa Facebook na may 42K shares ay nai-feature nga ng 24 Oras ng GMA News noong August 3.

Continue reading below ↓

At doon na rin nakatanggap ng hindi magagandang comment at feedback si Honesty.

NA-MISINTERPRET ANG KANYANG KUWENTO

Iba-iba ang opinyon ng mga nag-comment sa FB page ng GMA News kung saan naka-post ang feature kay Honesty.

May nagsabing hindi naman sila mahirap dahil may P300,000 sa bangko. Ang ibang estudyante umano ay talagang walang-wala kahit singkong duling pero nakakapag-aral.

Bakit daw hindi siya sa ibang school nag-aral na mababa lang ang tuition?

Marami rin ang nagsabing may ibang dukhang estudyante na mas inspiring pa ang kuwento kumpara sa kanya.

Ang ibang nag-comment ay nagdepensa naman sa kanya at sinabing hindi talaga kasya sa kursong medisina ang nasabing halaga, kaya nga siya naglakas-loob at bahala na kung saan kukuha ng pambayad para sa mga susunod na semester.

Aminado si Honesty na apektado siya ng mga komento.

Pagtatapat niya sa PEP.ph, “Nami-misinterpret po ng ibang tao.

“Tingin po kasi ng iba, may pera naman daw po. Kaya lang po, di po talaga sasapat yun pag medicine ang course.”

Continue reading below ↓

May iba pa aniyang elemento ang kanyang kuwento na hindi na niya nabanggit sa kanyang post, at hindi na rin niya naibahagi sa lumabas sa news.

Kuwento niya, “Na-bankrupt po kasi kami noon bago po ako magsimula sa med. P300,000 na lang po talaga ang pera namin sa bangko.

“P120,000 per sem po ang tuition. Pinapaaral pa po ng parents ko ang dalawa kong pamangkin. Kaya kulang po talaga ang pera.”

Nag-sideline din siya para may pandagdag sa kanyang tuition. “Tuwing bakasyon po, nagtatrabaho po ako as medical technologist reliever sa iba’t ibang laboratory sa Cavite.”

MULA SA HIRAP ANG KANYANG PARENTS

Nabanggit ni Honesty sa kanyang post na nagbenta ng bahay at sasakyan ang kanyang parents para may pang-tuition siya.

Isa iyon sa mga argumento ng mga nagkomento na may mga ari-arian naman sila kaya may pagkukunan ng pera.

Gayunpaman, sa pahayag niya sa PEP.ph, may iba pang side stories tungkol sa mga ari-arian na ibinenta.

Continue reading below ↓

Mga kuwento iyon ng pagsisikap, pangarap, tagumpay, pagkabigo at muling pagbangon.

Pareho aniyang galing sa pamilyang dukha ang kanyang ama’t ina.

“Ang nanay ko po ay panganay sa anim na magkakapatid. Madalas ang ulam lang po nila ay isang itlog na hinahati pa sa anim.

Continue reading below ↓

“Pumapasok na walang baon ang aking nanay. Nag-graduate na valedictorian sa high school at nakakuha ng scholarship kaya nakatapos ng BS accountancy sa Manila.”

Mas mahirap naman ang pinagdaanang buhay ng kanyang ama.

“Ang tatay ko naman po ay ay lumaking walang mga magulang dahil maagang namatay ang kanyang ama.”

Nakipanuluyan ang kanyang ama sa mga tiyahin nito. Maaga itong nagbanat ng buto.

“Naging working student po siya kaya nakatapos ng civil engineering. Hanggang sa nagkakilala po sila ng aking nanay sa Manila.

“Nagsama po sila at noon po ay nakikitira lamang sa lugar na parang bodega dahil wala pa pong pambayad ng renta.”

NALUGI ANG NEGOSYO, NAGOYO NG MGA UMUTANG

Naging masikap ang kanyang mga magulang lalo na nang magkaroon ng mga anak.

Ayon kay Honesty, “Rumaraket po ng kung anu-ano ang tatay ko at nakakuha ng maraming proyekto.

“Ang aking nanay po ay na-promote sa trabaho kaya nakaipon po sila at nakabili ng bahay at lupa.

Continue reading below ↓

“Nagtayo po sila ng negosyo na trading and construction.”

Maganda ang naging takbo ng negosyo ng kanyang parents. Sa kasamaang palad, noong 2016 ay nalugi ang mga ito dahil marami sa kanilang mga kliyente ay hindi nakabayad.

Ang mas masaklap, marami rin sa kanilang kamag-anak ang umutang nang walang bayaran sa kanyang parents.

Para maka-survive, kahit masakit sa kalooban ay nagbenta ng mga naipundar na properties ang kanyang parents.

Pagtatapat pa ni Honesty, “Actually, nung ibinenta po yung lupa, inuutang pa rin ng mga kamag-anak namin sa mga magulang ko ang pinagbentahan. Hindi po pumayag ang parents ko dahil pang-tuition ko nga po yun.”

Doon na nagsimula ang kanyang post tungkol sa P300K dahil iyon na lang ang pera nila nang mag-start siyang magkolehiyo.

KALIGAYAHAN NG ANAK ANG PRIORITY NG PARENTS

Labis ang pasasalamat ni Honesty sa kanyang pamilya dahil sa kabila ng pagkalugi at kawalan ng katiyakan kung masusustinihan ang kanyang kurso ay pinayagan pa rin siya ng mga ito na sundin ang kanyang pangarap.

Continue reading below ↓

“Inilaban po ako ng aking ama...” aniya. “Ginawan niya ng paraan para makatapos ako sa private school dahil pangarap din niya po na matapos ko ang medisina.

“Naibenta rin po ang pinaghirapan nilang lupa para lamang makatuloy po ako.

“Tumigil din po ang aking kapatid sa pagma-masters maipandagdag lang po sa tuition ko.”

Continue reading below ↓

Bagaman apektado siya ng masasakit na komento nang lumabas ang kanyang kuwento sa national TV, ang mahalaga aniya ay makita sana ng mga tao ang isang bagay na espesyal para sa mga magulang—ang maibigay ang kaligayahan ng mga anak kahit pa sa harap ng pinakamabigat na sitwasyon.

At ang katotohanan sa madalas sabihin na ayaw na ayaw ng mga magulang na danasin ng kanilang mga anak ang hirap na kanilang pinagdaanan.

Ani Honesty, “Napakasuwerte ko po dahil lahat ng gustong maranasan ng aking ama sa kanyang mga magulang ay yun po ang ipinaranas niya sa akin.

“Kahit wala po siyang nakagisnang pamilya, binigyan niya po kami ng buo na pamilya, at ibinigay sa amin lahat ng pangangailangan namin.”

Continue reading below ↓

Ngayong natatanaw na ni Honesty ang silver lining para sa pangarap na career, nang huli siyang makausap ng PEP noong August 20 ay may maganda rin siyang balita tungkol sa kanyang parents.

“Sa ngayon po, nakakabangon naman po unti-unti yung business uli,” masaya niyang sabi. “Pero sakto lang po. Nami-meet naman po ang needs.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ni Honesty Salazar ang mas malalalim na detalye tungkol sa kanyang FB post na “Ang kwento ng 300k” na nag-viral kamakailan pero na-bash ng ibang netizens.
PHOTO/S: Courtesy of Honesty Salazar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results