Real-life Prince Charming, nag-propose sa Pinay GF na nagising mula sa comatose

by Bernie V. Franco
Aug 24, 2021
A modern-day Snow White story. The inspiring love story of Viktoria Cupay and Nicholas William Baldo highlights the power of true love. Viktoria went into a coma for a month. When she woke up, Nick proposed to her.
PHOTO/S: Viktoria Cupay via GMA Public Affairs

Mala-Snow White ang kuwento ng isang dalagang halos isang buwang na-comatose, pero hindi iniwan ng kanyang Prince Charming.

Paggising ng dalaga, nag-propose na kaagad ang kanyang nobyo.

Ito ang kuwento ni Viktoria Cupay, isang babaeng dinapuan ng nakamamatay na karamdaman, pero hindi nagpatalo.

Ang makulay na kuwento ni Viktoria ay itinampok ni Kara David sa Brigada, ang docu-series sa GMA Public Affairs.

Umere ito noong August 14, 2021.

Continue reading below ↓

VIKTORIA FALLS ILL

Noong 2011, lumipad sa United States si Viktoria at ang kanyang pamilya para doon na manirahan.

Isang hamon ang dumating sa pamilya nang dapuan ng lupus si Viktoria noong 2016.

“Tinakbo ko siya sa E.R. dahil masakit yung dibdib niya, di siya makahinga, chest pain, joint pains…

“’Tapos meron na siyang rashes, parang butterfly rash na tinatawag. ‘Tapos mataas ang lagnat,” kuwento ni Greta Cupay, ina ni Viktoria.

Ayon sa Mayo Clinic, ang lupus ay isang autoimmune disease kung saan ang immune system ng tao ang sumisira sa sarili nitong tissue at organs, gaya ng joints, skin, kidneys, blood cells, utak, puso, at lungs.

Panghabambuhay na karamdaman ang lupus, at isa sa bawat dalawang milyong tao lamang umano ang dinadapuan ng lupus.

Mahirap man ang pinagdadaanan, patuloy na namuhay si Viktoria sa tulong ng mga gamot.

Pero pagkalipas ng tatlong taon, tinamaan din si Viktoria ng Stevens-Johnson Syndrome at toxic epidermal necrolysis, isang nakamamatay na sakit sa balat.

Continue reading below ↓

Ang Stevens-Johnson syndrome ay isang rare pero serious disorder na nakakaapekto sa ibang bahagi ng katawan, gaya ng balat, mucous membrane, genitals, at mata.

Pagbabahagi ng ina ni Viktoria na si Greta: “Lahat ng balat sa mukha niya, natanggal… sa kamay, sa paa, sa likod, sa dibdib, sa mga braso niya.

“Hindi nila ma-pinpoint kung ano talaga [ang naging cause].

“Pero malamang yung gamot na binigay, isang factor din iyon, yung antibiotic, or dahil din do’n sa lupus niya.”

Isang buwan matapos isugod sa ospital, na-comatose si Viktoria.

a mother's love

Sinabi raw ng mga doktor kay Greta na malala ang kondisyon ng dalaga at baka hindi siya mabuhay.

Makailang ulit na rin daw nakipagpatintero si Viktoria sa kamatayan. Pero sadyang fighter ang dalaga.

“Hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang ni-revive,” sabi ni Greta.

Sa kabila nito, hindi natibag ang pananampalataya ni Greta. Nanalig siyang gagaling si Viktoria.

Continue reading below ↓

Nire-record daw niya ang kalagayan ng anak. Kinakausap niya ito kahit hindi sigurado kung naririnig siya ni Viktoria.

“Nagvi-video ako para makita niya rin, di ba, pagkagaling niya,” sabi ni Greta.

“Kasi alam ko gagaling siya. Nilagay ko sa isip ko na gagaling siya.

“Makikita niya ang mga pictures at videos niya. Para makita niya kung gaano siya kalakas.”

VIKTORIA’S BOYFRIEND

Kaagapay ng pamilya ni Viktoria sa pagbabantay ang nobyo nitong si Nicholas “Nick” William Baldo.

Naging matiyaga si Nick sa pagbabantay sa kasintahan kahit wala itong malay. Lagi rin niya itong kinakausap.

“Usually, I would just tell her how everything is just gonna be okay, we love her," ani Nick sa Brigada.

“I would tell her what’s going on about her health that day, if there was news that day, I would always share that.”

Isang araw, habang kinakausap ni Greta ang anak, gumalaw ito.

Sinasabihan raw noon ni Greta ang anak ng “I love you.”

Continue reading below ↓

Pagbabalik-tanaw ni Greta, “Kinakausap ko siya. Sabi ko, ‘Anak, gumising ka na dahil nami-miss na kita.’ Ta'pos bigla siyang gumalaw.”

“Mama” raw ang unang salitang nabigkas ni Viktoria nang magising.

Hanggang sa tuluyan nang bumalik ang malay ni Viktoria.

Noong August 2019, habang nasa hospital bed pa si Viktoria at may mga nakakabit pang aparato sa kanya, nag-propose si Nick.

Ibinahagi ni Nick ang kanyang proposal noon kay Viktoria:

“I wanted you to know that I’ll be here for you forever, and as long as we both live, I will be there for you.

“And so, have this ring with me, I would like give it to you today.

“Victoria Angela Cupay, will you marry me?”

Tinanggap ni Viktoria ang proposal.

Continue reading below ↓

Greta Cupay, her daughter Viktoria, and Viktoria's fiancé, Nick William Baldo. Viktoria flashing the ring after Nick's proposal.

Pahayag ni Viktoria, “I was honored because when I was at my worst, Nick chose to see the best in me.”

Paliwanag daw ni Nick sa kanya, nag-propose siya dahil nais niyang maging happy ang kanyang memory kay Viktoria sakali mang may mangyari.

A MIRACLE

Hindi naman makapaniwala si Viktoria noong nakita niya ang mga videos at pictures na na-record ang mga pinagdaanan niya.

“I was in shock. Hindi nag-sink in agad kung ano’ng nangyari sa akin, and the extent of my injuries.

“I didn’t know that it was very serious. I didn’t know na they had to revive me so many times, close to death. Shocking talaga.”

Sabi ni Viktoria: “I would consider it a miracle.”

ON THE VERGE OF GIVING UP

Bumuhos naman ang suporta mula sa mga kaibigan at pamilya ni Viktoria.

Continue reading below ↓

Dahil nalagas ang buhok bunsod ng lupus, tuluyan siyang kinalbo.

Nang dumalaw ang kapatid nitong lalaki, nagpakalbo rin ito. Alam daw kasi nito na malungkot si Viktoria na nakalbo siya.

Sa pagpapagaling ni Viktoria, malaking emotional challenge daw ang kinailangan niyang harapin. Maraming beses daw niyang naramdaman na gusto na niyang sumuko.

“So many times I have felt that way. I wanted to give up.

“Sometimes I would tell my family, ‘Oh, I wanna give up.’

"But then they would tell me, ‘If you don’t wanna fight for yourself, fight for us.’”

Naramdaman daw ni Viktoria ang pagmamahal ng kanyang pamilya, kaya't lumaban siya at nagpalakas.

Continue reading below ↓

Nick and Viktoria in a virtual interview with Kara David for "Brigada."

Matapos ang pitong buwan sa ospital, nakauwi na si Viktoria.

Nalampasan ni Viktoria ang Stevens-Johnson Syndrome at toxic epidermal necrolysis, pero hindi ang lupus.

At para hindi ito lumala, patuloy ang kanyang medication at pinayuhan siya umiwas sa sun exposure.

Ang karanasang ito ni Viktoria, ibinabahagi niya sa TikTok bilang source of inspiration sa ibang taong may pinagdadaanan.

Payo ni Viktoria, “If you are going through something, it’s hard to believe.

“People will tell you things will get better.

“Because I have been there when I was at the lowest point of my life.

“There was no positivity. Parang sinasabi ko sa kanila, ‘I don’t believe you.’

"But looking back at my journey, it’s amazing how far I’ve come.”

Living proof si Viktoria na walang imposible kung may pananalig at tunay na pag-ibig.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A modern-day Snow White story. The inspiring love story of Viktoria Cupay and Nicholas William Baldo highlights the power of true love. Viktoria went into a coma for a month. When she woke up, Nick proposed to her.
PHOTO/S: Viktoria Cupay via GMA Public Affairs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results