Kilalanin si Arlyn Ramos: Lady guard na, dean’s lister pa!

by Bernie V. Franco
Aug 26, 2021
Meet Arlyn Ramos, 27. Siya ay security guard sa Bulacan State University, kung saan siya rin ay estudyante. This year, natapos niya ang kanyang kurso, at naging Dean's Lister pa.
PHOTO/S: Facebook (Bulsu Capture)

Lady guard na, Dean's Lister pa!

Nasa Dean's List ang lady guard at estudyante na si Arlyn Ramos, 27, na nagtapos ng kursong Food Service Management sa Bulacan State University (BSU).

Si Arlyn ay taga-Tagum, Marinduque, at nagsimulang magtrabaho sa BSU noong January 13, 2016.

Noong 2019, pinagsabay niya ang pagiging security guard at pag-aaral sa BSU.

Ang success story ni Arlyn ay naitampok sa Bulsu Capture, isang Facebook page ng nasabing unibersidad, noong August 16, 2021.

Ipinost ang larawan ni Arlyn na naka-uniporme ng security guard, katapat ang kanyang graduation picture.

Caption dito: “Ako si Arlyn, isang lady guard sa Bulacan State University at ga-graduate na rin ngayong taon sa kursong BIT major in Food Service Management, at isa ring dean's lister.

“2016 nang magsimula akong maging lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula taong 2019.

“Naging inspirasyon ko sa pag-aaral ang aking pamilya dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin.

Continue reading below ↓

“Nagsumikap ako magtrabaho at pag-aralin ang sarili ko..."

DREAM FOR HER FATHER

Gaya ng kanyang sinabi sa post, nagsumikap si Arlyn sa pag-asang matulungan ang kanyang mangingisdang ama sa kanilang bayan sa Marinduque.

Pero ayon kay Arlyn, hindi kalakihan ang naibibigay niyang tulong sa ama mula sa suweldo niya bilang isang security guard.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Arlyn sa GMA News, “Hindi po ganun kalaki ang nabibigay ko sa kanyang pera kasi nahahati sa pag-aaral ko, at para sa kanya, at sa pangungupahan ko ng bahay."

Ang pagtatapos ni Arlyn sa kursong food service management ay simula pa lamang ng kanyang mas malaking pangarap.

Gusto niyang maging chef sa isang cruise ship.

At habang patuloy ang pagsisikap niyang tuparin ang pangarap na ito, may pakiusap siya sa kanyang ama.

“Sa tatay ko po is, ano lang po siya, magtiyaga lang po sa paghihintay sa akin.

“Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga. Yung sa kanya lang talaga.

“Pagtiyagaan niya na lang ako kasi ito lang po yung nakakayanan ko na ibigay sa kanya hanggang ngayon.”

One step closer na si Arlyn sa kanyang pangarap at hindi malayong matupad ito sa kanyang pagtitiyaga.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Arlyn Ramos, 27. Siya ay security guard sa Bulacan State University, kung saan siya rin ay estudyante. This year, natapos niya ang kanyang kurso, at naging Dean's Lister pa.
PHOTO/S: Facebook (Bulsu Capture)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results