Estudyanteng online gamer, paano naging full scholar sa isang university sa U.S.

by Bernie V. Franco
Aug 28, 2021
A 20-year-old student and member of the University of Sto. Tomas Teletigers Esports Club gets full scholarship in Harrisburg Univeristy in Pennsylvania, U.S.A.
PHOTO/S: MIchael James Gonzales

Karaniwan ang eksenang pagbabawal ng mga magulang sa mga anak sa paglalaro ng online games dahil sagabal ito sa pag-aaral.

Pero kabaliktaran ang kaso ng gamer na si Michael James “Maykel” Gonzales, 20 anyos.

Ang pagiging online gamer kasi niya ang naging susi para makakuha siya ng full scholarship sa isang unibersidad sa United States.

You heard it right!

Dahil sa pagkarir ni Maykel ng esports, naging full varsity scholar siya sa Harrisburg University (HU) sa Pennsylvania, U.S.A.

Ang esports—kilala rin bilang e-Sports, egames, o electronic sports—ay organized competitive video gaming.

Ang HU ay may inoo-offer na Esports Program, ang "first-and-only varsity sport" ng unibersidad.

HU Storm ang tawag ng university sa kanilang esports varsity team.

Taun-taon ang HU ay nagbibigay ng full tuition scholarship at housing allowance sa 22 esport players.

Ayon sa website nito: "Our student players have the opportunity to pursue degrees in today’s hot fields, compete under a world-class coaching staff, and learn in our state-of-the-art practice space."

Continue reading below ↓

Isa rin ito sa iilang university na nagbibigay ng kurso para sa Esports Management, Production and Performance.

Sa murang edad na 11-anyos, natuto na si Maykel ng online gaming, gaya ng DoTA noong una, at kalaunan ay ang League of Legends (LoL).

Ang LoL ay isang sikat na team-based at multiple-players online game.

Maraming oras ang ginugugol ni Maykel bilang gamer at suki siya ng computer shops.

Ang ibang magulang sisigawan ang kanilang mga anak kapag naadik sa online gaming.

Pero hindi si Maykel.

Dahil ang pagiging online gamer niya ang nakatulong para makabayad ng tuition.

Paliwanag ni Maykel sa GMA News, August 25, 2021, “Meron po kasing mga maliliit na tournament lang. Dahil sa mga tournaments na iyon, nakakapag-ipon din ako nang paunti-unti.”

Ito rin ang naghatid sa kanya ng suwerte para maging scholar sa HU sa Pennsylvania.

GIFTED GAMER

Si Maykel ay naging miyembro ng University of Sto. Tomas Teletigers Esports Club sa loob ng tatlong taon.

Continue reading below ↓

Hinirang siya bilang AcadArena National Campus Open LoL Tournament noong 2020.

Ang AcadArena “is the leading organization for Campus Gaming and Esports Education in the Philippines and Southeast Asia.”

Pinangunahan rin ni Maykel ang kanyang grupo para umabot sa quarterfinals ng 2020 International Esports Festival League of Legends.

Ayon sa kanyang teammate at Teletiger Esports Club founder Theo Ignacio, si Maykel ay mabangis pagdating sa paglalaro at very competitive,

Ani Theo, sa ulat ng Inquirer.net, “Maykel was always passionate about winning. In his stay with Teletigers, I always saw him as a player driven by that will to win, and he would do anything to get that victory with his team.”

Pero may higit pang mahalagang kabuluhan ang online gaming para kay Maykel.

Nahikayat siya ng kanyang kuya at pinsan na maglaro noong bata pa siya.

Sa kanyang paglaki, nakahanap siya ng support system sa eskuwelahan sa tulong ng mga kasamang gamers.

Continue reading below ↓

SCHOLARSHIP IN THE U.S.

Kuwento ni Maykel sa GMA News, nalaman niya ang tungkol sa HU offer nang mag-post ito ng tryouts via Twitter.

Aniya, “Kilala po yung school na yun bilang nagde-develop ng esports sa kanilang program.

“Nag-post po sila sa Twitter for tryouts and nag-apply po ako doon.

“’Tapos nung ano na, nag-send lang kami ng mga videos ng paglalaro namin. ‘Tapos ako naman po yung natanggap.”

Siyempre raw ay natuwa ang kanyang mga magulang at all-out support ang mga ito kay Maykel.

Pakli niya, “Natuwa po sila, ‘tapos tinatanong agad yung mga details. ‘Tapos tinulungan po nila ako sa pag-aasikaso, sa pag-process ng visa, at sa application.”

Noong August 16, nag-post pa ang HU upang ianunsiyo ang pagkakatanggap kay Maykel bilang bagong addition sa team nito.

Mababasa sa tweet: “Our next addition to the League team is no stranger to the collegiate AND international stage. 9 years of experience will make Maykel a star on our bottom lane.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A 20-year-old student and member of the University of Sto. Tomas Teletigers Esports Club gets full scholarship in Harrisburg Univeristy in Pennsylvania, U.S.A.
PHOTO/S: MIchael James Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results