Ang kuwento ng pagpupursige ni Marvin Arnoza, 4Ps scholar na isa nang engineer

by KC Cordero
Aug 29, 2021
Hindi pinalampas ni Engineer Marvin Arnoza ang oportunidad na makatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pag-avail ng 4Ps scholarship program ng pamahalaan. Nagpapasalamat siya sa taumbayan na ang buwis ay nakatulong sa kanyang kinalalagyan ngayon. Photos courtesy of Marvin Arnoza

Nagpapasalamat si Engineer Marvin Arnoza, 23, sa lahat nang Filipino taxpayers.

Bilang isang beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) scholarship program, alam niya na buwis ng taumbayan ang nagpaaral sa kanya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin noong August 26, 2021.

Nabanggit niya ang kanyang naging buhay bago siya nagsimulang mag-aral.

Pagbabahagi ni Marvin, “Kabilang po ang aming pamilya sa beneficiary ng 4Ps na programa ng gobyerno.

“Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya—isang kahig, isang tuka.

“Madalas, hirap kami na makakain nang tatlong beses sa maghapon, lalo na kapag may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani.”

Continue reading below ↓

NAHIRAPAN SA GASTUSIN KAHIT MAY AYUDA NG GOBYERNO

Panlima si Marvin sa walong magkakapatid. Siya ang unang nakatuntong sa kolehiyo dahil sa 4Ps scholarhip program.

“Hindi ko po pinalampas ang oportunidad kahit medyo may kalayuan ang unibersidad mula sa amin. Nagsakripisyo din po ako sa loob ng limang taon.”

Nag-enroll siya sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa Bicol University-Legazpi noong 2015.



Continue reading below ↓

Pagtuntong niya sa kolehiyo ay agad din siyang sinubok ng tadhana.

“Hindi po naging madali ang buhay estudyante ko bilang isang iskolar.

“First year college pa lang po ako nang sumakabilang buhay ang aming tatay.

Nagdalawang-isip siya noon kung tutuloy pa ba sa pag-aaral o hindi na. “Pero inisip ko po na mas mahirap bumalik sa pamumuhay na mayroon kami.”

NAGTRABAHO BILANG CONSTRUCTION WORKER

Bukod sa ayuda ng gobyerno, para kumita si Marvin kapag bakasyon o semestral break, sa halip na magpahinga ay nakikiani siya ng palay at nagkokopra para pagbalik niya ng unibersidad ay may dagdag siyang pangkain at panggastos.

Kuwento pa niya, “Noong summer vacation bago ako tumuntong ng ikalimang taon ko sa kolehiyo, nagtrabaho po ako as construction worker.

“Naging laborer din po ako dahil tuwing bakasyon ay wala naman po kaming allowance. Kaya kailangang kumayod para may pangdagdag na pangkain ang pamilya.

“Sa loob po ng limang taon, di ko na mabilang kung ilang beses akong lumuha dahil sa hirap...”

Continue reading below ↓

MUNTIK NANG MAG-GIVE UP

Aminado si Marvin na minsan ay nawawalan din siya ng pag-asa. “Pero nanguna po sa mga naging inspirasyon ko yung pamilya ko...

“Na sana darating yung araw na hindi na namin kailangang maging uhaw sa ayuda ng gobyerno...

“Na sana dadating yung araw na hindi na kami makakarinig ng sumbat mula sa kapwa namin dahil masakit po...

“Masakit na kahit ano’ng kayod mo, kulang at kulang pa rin. 'Tapos, ang tingin sa iyo ay tamad dahil walang nararating sa buhay.”

Nagpalakas din sa loob niya ang sinabi ng isa niyang kaibigan. “Tumatak yun sa akin. Sabi niya, ‘We're living in the same generation, but not with the same experience.’"

Kaya naman labis ang kanyang pasasalamat na sa kabila ng hirap na dinanas sa pag-aaral ay natapos niya ang kanyang kurso.

Continue reading below ↓

“Ngayon isa na po akong Inhinyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo. Gusto kong iparating na may magandang naidudulot po ang buwis ninyo.

“Salamat po...”

PAANO MAG-AVAIL NG 4Ps SCHOLARSHIP

Ayon kay Marvin, kabilang sa mga gastusin na sakop ng 4Ps scholarship ang tuition fee, book allowance, uniform allowance, at maging ang board and lodging.

Paliwanag pa niya, “Wala naman pong specific maintaining grades as long as maipasa mo every year yung lahat ng subjects.”

Dahil sa posibilidad na may mga kabataang ma-inspire sa kanyang kuwento, naitanong namin kay Marvin kung paano ang requirements para maka-avail ng nasabing scholarship.

Aniya, “Eligible po lahat ng 4Ps beneficiaries na magkokolehiyo for the educational grant.

“Magpi-fill up ng application. Then, kailangan pong makapasa and mag-qualify sa chosen course/program sa school na papasukan.”

Bukod sa kanyang nabanggit, sa website ng Commission on Higher Education (CHED) ay ito ang mga detalyadong requirements para maka-avail ng 4Ps scholarship:

Continue reading below ↓

DOCUMENTARY REQUIREMENTS

  1. Accomplished SGP-PA Application Form
  2. DSWD Certification-as Pantawid Pamilya beneficiary
  3. Birth Certificate-NSO or local civil registrar certified
  4. Health certificate-government physician
  5. Form 138 or passer of PEPT exam
  6. Certificate of grades-last semester attended

GENERAL REQUIREMENTS

  1. “4P” beneficiary
  2. Not more than 30 y/o at time of selection
  3. Physically and mentally fit
  4. High school graduate or equivalent
  5. No other higher education scholarship/grant from public institutions
  6. Pass the entrance exam and academic requirements set by the SUCs
  7. Pass the requirements set by the National SGP-PA Committee
  8. Must enroll/shift/transfer to CHED Priority programs preferably in the leading identified SUCs most accessible from their residence

HINDI KAILANGANG BAYARAN ANG NAGASTOS NG PAMAHALAAN

Pagka-graduate ni Marvin ay sumabak na agad siya sa review. “Nag-review po ako for board exam from June to November 2019 sa Cebu.

“Nag-exam po kami last November 2019. Nakapasa po ako last November 2019 din po.

“Nagtatrabaho na po ako since January 2020 sa isang private construction firm dito sa Marilao, Bulacan.”

Continue reading below ↓

Nagbahagi rin siya ng kanyang future plans para sa career at personal na buhay.

“I do have a girlfriend, pero pareho naman po kami na family muna ang priority, to give back first para sa mga sakripisyo nila sa amin.

“Sa career naman, on the process pa rin po ako sa choice of field ko. Nagko-cope up pa lang po ulit ako sa new learnings and environment, na hopefully ay magamit ko in the future.”

May payo naman siya sa ibang nais ding mag-avail ng 4Ps scholarship grant.

“General na po siguro ito para sa mga katulad ko na less fortunate pero gustong makapagtapos at makatulong sa pamilya at sa lahat nagsasakripisyo para sa kani-kanilang mga pangarap: endure the pain, embrace the struggles dahil ilang years lang naman iyon.

“Mas worth it po yung lifetime na puwedeng may mabago sa takbo ng buhay nila and ng mga taong puwede nilang matulungan in the future.

Continue reading below ↓

“More prayers, more hard work. Be of good attitude and everything will follow. Wala pong imposible sa taong naniniwala.”

Sa huli, inalam ng PEP.ph kay Marvin kung bilang isang 4Ps scholar, ngayong may trabaho na siya ay may obligasyon ba siyang ibalik sa pamahalaan ang ginastos ng mga taxpayers sa kanyang pag-aaral?

Aniya, “Hindi po. Wala pong babayaran.

“But we all know na we have to extend help din doon sa mga nangangailangan if maging stable na kami, just to give back voluntarily.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pinalampas ni Engineer Marvin Arnoza ang oportunidad na makatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pag-avail ng 4Ps scholarship program ng pamahalaan. Nagpapasalamat siya sa taumbayan na ang buwis ay nakatulong sa kanyang kinalalagyan ngayon. Photos courtesy of Marvin Arnoza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results