Panalo sina Jefson Romeo B. Felix at Maria Rosario Isabel D. Seares sa ginanap na 2nd Association of South East Asian Nation (ASEAN) Youth Social Journalism (AYSJ 2021) contest.
Ang kanilang winning project: isang digital publication na tinawag nilang “Juan Health PH”.
Inilabas ang announcement ng kanilang pagkapanalo noong August 31, 2021.
Ang dalawang kumatawan sa Pilipinas ay mga estudyante ng Bachelor of Science in Medical Technology sa University of Santo Tomas.
Ayon kay Felix, naglalathala ang Juan Health PH ng mga “highly informative content”.
Bahagi ito ng kanilang social journalism campaign na may layuning ma-empower at mabigyan ang mga komunidad ng bago, tama, at madaling ma-access na mga impormasyon tungkol sa public health sa iba’t ibang social media platforms, tulad ng Facebook, Twitter, at LinkedIn.

Aniya, “Nag-establish po kami ng isang youth-led organization that addresses community and public health dilemmas. We built [Juan Health PH] from scratch in just the one-month grading period from June 6, 2021 to July 6, 2021.”
Maaari itong mabasa sa iba’t ibang lengguwahe at dayalekto, gaya ng English, Filipino, Bikolano, Hiligaynon, at Bisaya para maabot nito ang mas malawak na audience.
Dagdag pa niya, “With 170 members across 12 regions, Juan Health PH is powered by youth journalists, artists, translators, and management staff to help uphold the truth in the new normal, and to amplify the voices of the Filipino people.”
Samantala, si Seares ang kasalukuyang editor-in-chief ng UST Purple Gazette, ang official student publication ng UST Faculty of Pharmacy.
Ang AYSJ 2021 ay may temang “#ASEANYouth and Covid19 – Response, Recovery, and Resilience.”
Inorganisa ito ng ASEAN Foundation, United States Agency for International Development (USAID), at ng Embassy of Ireland.
Kinikilala nito ang mga malikhaing kampanya na nakatutulong sa mga komunidad sa mga bansang kasapi sa ASEAN.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.