VIRAL: Buwis-buhay na paglalakbay ng Sarangani teachers

by Bernie V. Franco
Sep 17, 2021
No wind, no rain, ain't no mountain high enough to keep these teachers in Sarangani from going to school. (Inset) Michelle Buquiran-Miguel (rightmost, forefront) and her colleagues after the rain.
PHOTO/S: Facebook (Michelle Buquiran-Miguel)

Hindi nagpatinag ang grupo ng mga guro sa isang munisipalidad sa Davao Occidental sa kabila ng malakas na ulan, maputik, madulas, at mabatong kalsada makapasok lang sa first day of school.

Viral ang Facebook post ni Michelle Buquiran-Miguel nitong September 13, 2021.

Sa series of photos, makikita ang hamong pinagdaanan ng mga school teachers makarating lang sa school.

Caption ni Michelle “ULAN KA LANG, TEACHER KAMI! SULONG EDUKALIDAD!

Ang series of photos na ito ni Michele ay inilagay niya sa folder na 1st DAY OF CLASS 2021-2022 (MOVS)

Sa picture-taking makikita ang pagsuong nila sa maputik na daan na tila nasa kalagitnaan ng mga pananim at walang kabahay-bahay.

Naka-school uniform ang mga guro. Itinag ni Michelle ang mga kasamahan na sina sina Cryslyn Baltonado, Han Pellazar, Nicola Suazo, at Vincent Miguel.

Nag-post pa ng video si Michelle na habang nakapaa, muntik-muntikan pa siyang madulas ng ilang beses.

Basang-basa siya ng ulan at sa likod niya ay ang mga kasamang guro na nag-i-struggle din sa delikadong daan.

Continue reading below ↓

Walang mga payong at ang kanilang pananggalang ay ang kanilang jacket, bag, at cap.

Ang isa sa kanilang kasamahan, tinitingnan ang tumirik na motorsiko.

Nabanggit din ni Michelle na nangangamba siya dahil nabasa ang kanyang laptop.

Pero kitang-kita na walang bakas ng simangot si Michelle.

Nagbiro pa siya na dedma na sa ulan makapag-vlog lang na sinundan niya ng, “Char!”

Continue reading below ↓

The viral post of Teacher Michelle Buquiran-Miguel of Sarangani

Sa sumunod na larawan makikita sina Michelle na nakisilong sa nadaanang bahay. Pinunasan ni Michelle ang nabasang laptop.

At press time, ang post na ito ni Michelle ay mayroon nang 32,000 reactions, 26,000 shares.

Sa maraming comments, papuri sa grupo ni Michelle ang mababasa.

Pagpapahayag ng kanilang paghanga sa kanilang “buwis buhay” na dedikasyon bilang guro.

Continue reading below ↓

Due to rains, Teacher Michelle's laptop got wet and her uniform caught mud.

Na-pick up na rin ng iba’t ibang online news media outlets ang post ni Michelle kahit walang masyadong detalye.

Nabanggit na si Michelle at mga kasama niya ay mga guro sa Sarangani Province.

Kung titingnang mabuti ang I.D. lace ng mga guro, sila ay taga-Department of Education (DepEd) Division of Sarangani.

Samantala, isang signage at advertising store ang nakapansin sa post ni Michelle.

Nag-offer ito sa teacher na magbibigay ito ng stickers or decals dahil nakita niya sa post ang tumirik na motorsiklo.

Kahit man daw sa simpleng paraan ay maipakita ang paghanga sa mga guro.

Post ng store owner (published as is): “If wala ka pang decals mam or meron na at gusto nyo pong magpalit,please message us para padalhan ka namin FOR FREE bilang isang kunting pasasalamat sa iyong sakripisyo sa pagtuturo."

Nag-reply si Michelle at sinabi nitong ime-message niya ang business owner, pero magti-taping muna sila para sa “TELE-RBI.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

TV-RADIO SCHOOL

Kung titingnan ang “TELE-RBI,” sa Facebook, ito ay ang One Malungon Radio (OMR) Subida FM, isang TV-radio broadcasting station sa Sarangani.

Ang OMR Tele-RBI ay TV-radio school program na proyekto ng DepEd at Sarangani City government.

Ganito ang tagline ng OMR Tele-RBI: “Tara, Magklase nata… Subida-Eskwela sa Tele-Radyo”

“Nasa radio na, may video pa.”

Laman ng FB page nito ang recorded videos ng mga guro na nagtuturo ng ibat-ibang subjects, at mapanood at maririnig ng kanilang mga estudyante.

Bawat episode ay tinatayang 15 minutes na aralin at nagtataglay ng visuals para makasabay ang mga estudyanteng nanonood.

Continue reading below ↓

Ilan sa subjects ay English, Mathematics, Information and Technology, Physical Education, Filipino, at ibat-iba pang school subjects.

Pero sa panahon ng pandemic, at dahil walang face-to-face classes, bakit kailanganing pumunta ng mga guro sa paaralan?

Kung susuriin ang ilang photos ni Michelle, matutukoy na sa school classrooms sila nagre-record ng mga episodes.

Continue reading below ↓

Makikita ang set-up nila ng video, camera, scripts pati na rin ang chroma.

Sa school nila inire-record ang videos o nagla-live at naa-upload sa Facebook page ng Tele-RBI, na mapapanood naman ng mga estudyante.

The Sarangani teachers use the classrooms so they can go live and record educational videos for their students.

Continue reading below ↓

At take note din, naka-face masks din ang mga huwarang guro sa kanilang pagvi-video recording.

Saludo sa inyo, Teachers!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
No wind, no rain, ain't no mountain high enough to keep these teachers in Sarangani from going to school. (Inset) Michelle Buquiran-Miguel (rightmost, forefront) and her colleagues after the rain.
PHOTO/S: Facebook (Michelle Buquiran-Miguel)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results