Meet Rechie Valdes, the first Pinay elected member of Canada's Parliament

by Bernie V. Franco
Sep 25, 2021
Rechie Valdez is a proud to be the first Filipina to be a member of the parliament of the House of Canada. (Right Photo) Rechie and Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
PHOTO/S: @rechie.valdez on Instagram / YouTube (ABS-CBN News)

Achievement para sa mga Pilipino ang pagkakahalal ng Filipino-Canadian na si Rechie Valdez sa House of Commons sa Canada.

Si Rechie ang kauna-unahang babae with Filipino descent na nahalal sa Canadian Parliament, at pangalawang may dugong Pinoy na mahalal sa House of Commons sa Canada.

The Parliament of Canada has three parts: the Monarch, the Senate and the House of Commons.

Ang unang Pinoy-Canadian na naging member of Parliament ay si Rey Pagtakhan, na kinatawan ng Winnipeg North sa Manitoba at nagsilbi mula 1988 hanggang 2004.

Tinapos ni Rechie ang labimpitong drought ng kawalan ng representative ng mga Pinoy immigrants at Filipino-Canadian citizens sa Parliament.

Si Rechie ay kinatawan ng Mississauga-Streetsville sa eleksiyon na ginanap noong September 20, 2021.

Ani Rechie sa kanyang victory speech na ipinost ng OMNI News: Filipino Edition: “This is a ‘we’ moment. We did this together…Today we made history and her-story, as you helped elect the first Filipina in parliament.”

Continue reading below ↓

Na-quote rin si Rechie ng CBN News tungkol sa tagumpay nito "as a Filipina," isang achievement na ayon sa kanya "is like a humongous cherry on top.”

Noong kampanya, may mga post si Rechie sa Instagram at mga mensahe tungkol sa kahalagahan ng pagpili ng kanilang iboboto.

Post niya, “Representation matters because it’s important to bring our unique needs forward. Together, we will be a voice for you at the decision-making table.”

Isa sa mga issue ngayon ng Filipino community sa Canada ay ang hamon pagdating sa pagkilala ng Canada sa educational attainment ng mga Filipino mula sa kanilang pinanggalingan.

Isa umano ito sa mga nais isulong ni Rechie.

Ipinahayag rin ni Rechie noong campaign period na nais niyang maging ehemplo sa mga kababaihan, sa kinabibilangan niyang komunidad, at sa younger generation na may pangarap na pumasok sa politics.

Sa kanyang paglaki, saksi si Rechie sa sakripisyo ng kanyang mga magulang para mabigyan siya ng magandang kinabukasan sa Canada.

Continue reading below ↓

Ito rin ang babaunin ni Rechie sa kanyang bagong posisyon.

Aniya, “You need to know where you came from, you need to understand what that is, and that’s the reason why we have those privileges today.”

Makailang ulit na ring nakapagbakasyon sa Pilipinas si Rechie at mahilig siya sa Pinoy dishes, gaya ng sinigang, adobo, at caldereta.

Ang huling uwi niya sa Pilipinas ay bago nangyari ang pandemya. Nakasama niya ang mga kamag-anak at nagbakasyon sila sa Palawan.

Payo naman niya sa mga kagaya niyang nangangarap.

“You need to believe in yourself, you need to believe in who you are…

“Believe in all of that that grounds you, because that is the single most important thing you can do to navigate in this world.

“Always remember where you come from.”

Si Rechie ay ipinanganak ng kanyang mga Pilipinong magulang sa Zambia, Africa.

Dinala siya ng mga magulang sa Canada noong 1989.

Continue reading below ↓

Isang accomplished woman si Rechie—entrepreneur, banker, baker, podcaster, host, at basketball athlete.

Nagsilbi siyang corporate banker sa loob ng labinlimang taon.

Kasalukuyan siyang marketing vice president at creative head ng iba’t ibang brand sa sports industry, food, apparel, print, at apparel.

Bilang entrepreneur at baker, siya ay owner ng isang bakery at nag-i-specialize sa cakes at desserts.

Siya rin ay co-founder ng Filipino Fusion Desserts, isang food business na naglalayong ipalaganap sa wider audience ang Pinoy desserts.

Ano ang papel ng miyembro ng Parliament sa House of Commons?

Ang mga kagaya ni Rechie ay uupo sa House of Commons upang maging kinatawan ng mga tao.

Ang Parliament ang legislative body ng pamahalaan at kabilang sa trabaho nila ay kinatawan ng masa at paggawa ng batas.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rechie Valdez is a proud to be the first Filipina to be a member of the parliament of the House of Canada. (Right Photo) Rechie and Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
PHOTO/S: @rechie.valdez on Instagram / YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results