UST IT students, silver medalist sa 2021 Youth Robotics Competition

by KC Cordero
Oct 2, 2021
Nasungkit ng UST IT team na binubuo nina Karlo Angelo Tino, John Cedric Hizon at Rein Amiel Miranda ang Merit Certificate at Silver Award sa ginanap na August 2021 Youth Robotics Convention and Competition. Photo: University of Sto. Tomas on Facebook

Nagwagi ang mga BS Information Technology students mula sa College of Information and Computing Sciences ng University of Sto. Tomas sa ginanap na August 2021 Youth Robotics Convention and Competition (YRCC).

Ang kumpetisyon ay inisponsoran ng Data Science and Technology Corporation.

Isinagawa ito nang online noong August 7-28, 2021.

May limang kategorya ang kumpetisyon—ang Online Sumobot, Robot Line Tracing, Coding Challenge, Innovation Entrepreneusrship Robot Contest, at Mission Games.

Sa patnubay ni Assistant Professor Eugenia R. Zhuo, nanalo ang UST team na binubuo nina Karlo Angelo Tino, John Cedric Hizon, at Rein Amiel Miranda ng Merit Certificate at ng Silver Award sa Line Tracing contest.

UST at YRCC Line Tracing Contest

Continue reading below ↓

Nag-deploy ang team ng educational robot para sa line tracing at nag-participate sa Senior contestants category.

Ayon sa mga organizers, ang 2021 YRCC ay nakadisenyo para magkaroon ng training and exposure ang mga kalahok na nais iangat ang kanilang robotics skills sa international robotics level.

Mas lalawak rin ang kaalaman nila mula sa mga ibinibigay na lectures ng mga speakers, workshops, and pre-competition trainings for their future robotics endeavors.

Nasusubukan rin ng mga kalahok ang kanilang skills kung nakakasabay sila sa world standards, at natutukoy nila ang areas for improvement para sa robotics, team building, communication, and project management.

Bukod naman sa mga mga medalya at tokens, tatanggap din ang tatlong UST IT students ng US$30 (PHP1,531.35) discount scholarship mula sa IRO Korea.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasungkit ng UST IT team na binubuo nina Karlo Angelo Tino, John Cedric Hizon at Rein Amiel Miranda ang Merit Certificate at Silver Award sa ginanap na August 2021 Youth Robotics Convention and Competition. Photo: University of Sto. Tomas on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results