Pinoy nursing student helps save life of passenger mid-flight

by Bernie V. Franco
Oct 1, 2021
Filipino nursing student James Vincent Sayson (inset) recounts helping a fellow passenger who almost fell unconscious due to suspected hypoglycemia while they were inside a plane en route to Canada. Main photo shows James taking the vital signs of the patient.
PHOTO/S: Facebook (James Vincent Sayson)

Parang hinugot sa isang medical drama series ang nangyaring pagligtas ng isang Filipino nursing student sa isang passenger habang sakay ng isang eroplano papunta sa Canada.

Inilahad ni James Vincent Sayson, nursing student mula sa St. Luke’s College of Nursing Trinity of Asia, via a Facebook post noong September 24, 2021, ang kanyang hindi malilimutang karanasan.

Sa video clip na ipinost ng Pinoy nursing student, makikitang kinukunan niya ng vital signs ang isang Indian national gamit ang blood pressure monitor at stethoscope.

Habang ini-interview rin ng estudyante ang pasyente, maririnig ang maingay na makina ng eroplano, indikasyong umaandar ito.

"IS THERE A DOCTOR ON BOARD?"

May isang pasahero—isang Indian national—ang tila hinihimatay.

“I was on a plane ride when one of the passengers was unconscious and did not react to sound, but upon vigorous physical shaking by his seat mate, he then had a stupor level of consciousness (woke up but kept blacking out),” lahad ni James sa Facebook post.

Continue reading below ↓

Sa ulat ng GMA News, pahayag ng binata, “Ginigising siya ng flight attendant.

“Gumigising naman siya, pero parang bumabalik siya sa pagkatulog kaagad, na parang hindi na normal to the point na parang hindi na nagre-respond yung passenger.”

Pagpapatuloy ni James, “’Tapos sinabi ng flight attendant na, ‘Is there a doctor on board?’”

Nag-alangan daw munang mag-volunteer ang nursing student.

Pero dahil walang sumasagot, nag-volunteer na si James pagkalipas ng ilang sandali.

“Inantay ko po na may magresponde po bago sa akin," ani James.

“Pero dahil po nakita ko po na talagang kailangan po ng tulong ng pasahero, kahit po na estudyante lang ako, dahil alam ko po na may maitutulong ako, umaksiyon po ako kaagad.”

Sa pag-check sa vital signs ng Indian passenger, mahina na raw ang pulso nito at namumutla na ang labi.

Sabi ni James sa ulat ng GMA News: “Nalaman po namin na hypoglycemic po siya.”

Continue reading below ↓

Ang hypoglycemia ay isang kondisyon kung saan ang blood sugar (glucose) level ng isang tao ay mababa kesa normal.

Ayon sa www.hormone.org, ang hypoglycemia ay isang “very dangerous situation” kung hindi maagapan.

Pag inatake ng hypoglycemia ang isang tao, mahihirapan itong kumilos dahil sa physical at mental changes na epekto ng kondisyon.

Hindi na nagsayang ng oras ni James.

“In-instruct ko po yung flight attendant na bigyan po siya ng candy, ng soda, and ng juice po para ma-increase po yung level of blood glucose level niya po or yung blood sugar level niya.”

Nagdagdag ng detalye si James sa kanyang Facebook post.

Aniya (published as is), “After we provided sugary food on what we suspected was hypoglycaemia (dangerously low blood sugar). I further assessed his vitals signs, for which he had low heart rate of 55 while his other VS [vital signs] were normal.

Continue reading below ↓

Nursing student James Vincent Sayson did not waste time to help the passenger who was suffering from a medical condition.

“I had to carefully observe his condition in the next few hours.

“I concluded my finding with a doctor on board, and I informed the staff of preparing juices, sodas and candy by his side.

“We later got off the plane with his condition feeling better, and I informed him to ask the flight attendants if he needs any snacks when feeling this way again,” post ng estudyante.

Sa pakikipag-usap ni James sa pasyente ay may natuklasan ito tungkol sa nag-trigger sa health condition nito.

Ayon kay James, “I was able to probe the person and confirmed that he as an Indian and does not get treated proper meals on his flights which leads to him feeling this way.”

Gusto raw magpaalala ni James kung bakit siya nag-post: “I hope this would post would serve as a reminder to others that we should be more mindful and inclusive of others.”

Continue reading below ↓

TO SERVE AS AN INSPIRATION

Sabi pa ni James ukol sa kanyang post: “I wanna share this to give hope and inspiration to those health care students that are finding it rough during these times.”

Sa mga kapwa niya nursing students, sabi ni James, “Whatever your reasons for starting are, remember the duty that we possess to those around us and how we can affect those in need, because even one small act can make the make a difference.”

May mga pinasalamatan si James sa kanyang post gaya ng kanyang eskuwelahan at ang kanyang endocrine professor “who uses his diabetic condition as a comprehensive example.”

Dahil sa halimbawang ibinigay ng propesor, nalapatan nang tamang lunas ni James ang Indian passenger.

“Thank you to Gursimran and Saloni for documenting this event, and to the flight attendant Mary who helped me as my nursing aid,” ani James, tungkol sa video clip at photos sa Facebook post niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino nursing student James Vincent Sayson (inset) recounts helping a fellow passenger who almost fell unconscious due to suspected hypoglycemia while they were inside a plane en route to Canada. Main photo shows James taking the vital signs of the patient.
PHOTO/S: Facebook (James Vincent Sayson)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results