Balut vendor for five years, isa na ngayong engineer

by Bernie V. Franco
Oct 3, 2021
Benny Jose Tomas supported his studies by selling balut for five years. He recounts, “Nung una na magtitinda ako parang nahihiya ako. Kaya kinapalan ko yung mukha ko. Wala namang masama doon sa pagiging balut vendor."
PHOTO/S: YouTube (News5Everywhere)

Matapos ang limang taon niyang pagtitinda ng balut, isa nang licensed sanitary engineer si Benny Jose Tomas, 25.

Mula sa Cagayan, pumunta sa Ilocos Sur si Benny para magkolehiyo sa University of Northern Philippines.

Wala siyang kilala at kamag-anak nang dumating sa Ilocos Sur, at para matustusan ang kanyang gastusin buwan-buwan, nagdesisyon siyang matinda ng balut.

“Nung una na magtitinda ako, parang nahihiya ako. Parang binababa ko yung sarili ko, parang ganoon,” aniya sa panayam ng Frontline sa Umaga ng News5, September 22, 2021.

“Pero na-realize ko na pag ganito ang nagiging feeling ko, wala akong patutunguhan.

“Kaya kinapalan ko yung mukha ko. Wala namang masama doon sa pagiging balut vendor.”

Ang benta ni Benny kada araw ay PHP500.

BENNY CHASES HIS DREAM

Tubong Lal-lo, Cagayan, si Benny ay ikalima sa siyam na magkakatapid. Ang kanyang mga magulang ay parehong magsasaka.

Tanging si Benny pa lamang ang nakapagtapos sa kanilang magkakapatid.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagkayod, tiniis ni Benny ang pangungulila sa pamilya.

Ang naging motivation niya ay ang maiahon sila sa kahirapan.

“Mahirap po kasi pag tinatawagan ko kasi si Mama, wala po silang ulam.

“Umuutang na lang sila ganoon. Ang daming utang.

“Pero someday, alam ko na mawawala lahat iyan.”

CHALLENGES DURING THE PANDEMIC

Nagsilbing malaking hamon kay Benny ang pagkakaroon ng pandemya noong nakaraang taon.

Iyon din ang kanyang huling taon sa kolehiyo.

“Mahirap po nung naging pandemic. Mahirap magtinda,” sabi ng binata.

Nangamba si Benny na baka tamaan siya ng virus, pero humugot siya ng lakas ng loob sa Diyos.

Noong nakaraang taon din ay nakaranas ng stroke ang kanyang ina.

Continue reading below ↓

Balut vendor Benny Tomas faced a challenge in 2020, his last year in college. He said, “Mahirap po nung naging pandemic. Mahirap magtinda."

DAILY GRIND

Nairaos ni Benny ang pagtitinda ng balut at pag-aaral sa pamamagitan ng time management.

“Pag may break po kami ng daytime po sa schedule namin sa school, bumibili po ako sa tindahan doon sa palengke po ng balut na hindi pa luto po.

“Every time po na may break, ginagawa ko po yung business ko, na bumibili po ng paninda.

“Pag may break na naman, lilinisin ko ‘tapos pagkatapos ng klase namin, iluluto ko na po iyon.

“Magluluto po ako ng 5:00 p.m. to 6:00 p.m. ‘Tapos 6:00 p.m. to 8:00 p.m., magtitinda po ako.”

Gagawin niya ang assignment pagkatapos magtinda.

Sa loob ng limang taon, ganito ang araw-araw na ginawa ni Benny.

“Parang paulit-ulit, pero I received strength from God. Kaya pag lumalapit ako kay God, nari-renew ko yung strength.”

Continue reading below ↓

“Paminsan-minsan masaya, paminsan-minsan nahihirapan, ganoon.

"Paminsan-minsan gusto ko nang sumuko, pero thank God hindi Niya ako pinabayaan,” aniya sa interview ng GMA Regional TV Balitang Amianan.

Pumasa sa sanitary licensure exam si Benny nito lamang September 2021.

Isa na siyang ganap na inhinyero.

Balak manatili ni Benny sa Ilocos Sur para magtrabaho at matulungan ang kanyang pamilya.

“Magtiyaga lang kayo kahit anong hirap," payo sa mga kagaya niyang may pangarap na makapag-aral sa kabila ng kahirapan.

“Mahirap talaga ang buhay, pero pag may tiyaga, makakamit mo ang pangarap mo. Pray to the Lord.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benny Jose Tomas supported his studies by selling balut for five years. He recounts, “Nung una na magtitinda ako parang nahihiya ako. Kaya kinapalan ko yung mukha ko. Wala namang masama doon sa pagiging balut vendor."
PHOTO/S: YouTube (News5Everywhere)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results