SUCCESS STORY: Aaron Polancos, ECE board topnotcher who failed Mapua exit exam 6 times

by KC Cordero
Oct 5, 2021
Naging challenge ni Engineer Aaron Polancos sa sarili na patunayang ang isang ordinary student ay kayang maging board topnotcher.

Very interesting ang pagiging board topnotcher ni Aaron Polancos sa ginanap na Electronics Engineering Licensure Examination noong April 2017 dahil wala siyang award nang magtapos sa kolehiyo.

Produkto siya ng Mapua University Manila sa kursong Electronics and Communications Engineering (ECE).

Anim na beses din siyang kumuha ng exit exam, na requirement ng kanyang university, para makapasa sa kanyang kurso.

ordinary student naging board topnotcher

Continue reading below ↓

Sa artikulong lumabas sa gineersnow.com ay ibinahagi ni Aaron na may pressure mula sa kanyang ina na maka-graduate siya on time.

Aniya, “I have failed six times in an exit exam. I was a graduating student back then.

“My mom pressured me to graduate and I can’t figure out how to pass that exam.

"I’ve studied hard and failed miserably every time.”

Ang exit examination ay prerequisite sa Mapua University para makapag-enroll sa advanced course o sa correlation engineering course.

Ang isang estudyante ay dapat na makakuha ng score na at least 70% para pumasa sa exit examination.

Ayon kay Aaron, “In my seventh take, I have passed.”

CHILDHOOD DREAM ANG MAGING ENGINEER

Bata pa lang ay pangarap na ni Aaron na maging engineer.

Pagbabahagi niya, “Ever since I was about seven or eight years old during my prep years, I dreamt of becoming an engineer.”

May tiyahin kasi siyang civil engineer na naging idol niya.

Continue reading below ↓

“During high school, I don’t have an idea what engineering field I would take.

"My mom told me to take up ECE, and the rest was history.”

Pero naging malaking balakid sa kanya ang exit exam.

Kaya nang sa wakas ay nalusutan niya, ginawa niya yung challenge para may patunayan sa kanyang sarili.

“I think that this is one of the many reasons why I’ve aimed to top the board exam wherein I can redeem myself.”

Continue reading below ↓

NON-STOP ANG GINAWANG PAGRE-REVIEW

Ibinuhos ni Aaron ang kanyang oras sa pagre-review at pagbabasa ng textbooks.

Sabi niya, “I have a goal to be one of the topnotchers and reading books is not an option but a necessity.”

Sinimulan niyang magbasa ng tungkol sa kanyang favorite subjects, at unti-unti ay isinama na niya ang iba pang subjects.

Kuwento pa niya, “In the long run, I’ve become comfortable and took long hours reading.

"Every struggle that come has been overpowered by my will to achieve my goal that time.”

Ibinahagi rin niya ang kanyang naging study habits, “I usually study non-stop during review days from morning until evening.

“There are times that even when I’m trying to sleep, my mind is still solving problems, still asking questions, still analyzing.

Nagpapahinga lang siya pag sa palagay niya ay overloaded na ang kanyang isip.

At para mas maging preparado, nag-enroll din siya sa isang review center.

Continue reading below ↓

Payo ni Aaron, “I would recommend it since it gave me the best of results.”

NAGDUDA SA KANYANG SARILI DAHIL SA HIRAP NG BOARD EXAM

Pagkatapos ng exam, ang naisip ni Aaron ay magiging pangarap na lamang ang pagiging board topnotcher.

“After I took the electronics subject, doubt comes into my mind since it is really hard.

“I’ve counted my sure answers, and I think it is not topnotcher numbers. I’ve just prayed and hoped that I can still do it.”

Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang ibalita sa kanya ang resulta.

“I was sleeping when the results came out. I was pissed since my phone rang so loud that disturbed my sleep.

“I was so confused that time. My aunt told me that I’ve got the rank one.”

Napakarami rin niyang natanggap na messages nang i-check niya ang kanyang Facebook, na aniya ay bihirang mangyari.

Doon na nag-sink in sa kanya na totoo nga.

Continue reading below ↓

“I was not dreaming that night. I screamed at the house saying ‘Top 1 ako!’”

Utang raw ni Aaron ang naging tagumpay sa kanyang pamilya, lalung-lalo na sa kanyang parents at mga kapatid, professors, mentors, mga kaibigan, at sa kanyang girlfriend.

At higit sa lahat, “To God who filled my life with people who are always on my side.”

Payo niya sa mga gusto ring kumuha ng engineering course, “Engineering is a big learning ground. We will encounter our weaknesses as we go by.

Hindi aniya maiiwasan ang mga pagkakamali at pagkabigo, pero hindi dapat maging sagabal ang mga iyon. “We must learn to overcome them.

“Don’t feel so lowly about it. Just remember that obstacles will make you better.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging challenge ni Engineer Aaron Polancos sa sarili na patunayang ang isang ordinary student ay kayang maging board topnotcher.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results