SUCCESS STORY: Brylle Gilbuena, the topnotcher who had to work to afford review fees

by Bernie V. Franco
Oct 10, 2021
In 2017, Brylle Gilbuena took the mechanical engineering licensure exam. He was not able to answer all the 100 questions in the exam, but he still emerged as the topnotcher. Today, Brylle works in a private engineering consultancy firm in Metro Manila.
PHOTO/S: Facebook (Brylle Gilbuena)

Unang nakilala ng publiko si Brylle Gilbuena bilang topnotcher ng Mechanical Licensure Board Examination noong 2017.

Nakakuha siya ng average na 88.10 percent at nanguna sa 1,083 board passers mula sa halos dalawang libong examinees.

Isang graduate mula sa University of Cebu - Lapu-Lapu and Mandaue (UCLM), si Brylle ang nag-iisang taga-Cebu sa Top 10 board passers.

Maging si Brylle ay nagulat sa pagiging topnotcher niya sa licensure exam dahil hindi niya natapos ang pagsagot sa kanyang exam.

“Challenging ang Math and Sciences subject. For five hours, hindi ko nasagot ang 100 questions,” aniya sa wikang Cebuano-English sa ulat ng ABS-CBN News noong March 2017.

Dahil sa pag-top niya sa board exam, pinagkalooban noon si Brylle ng brand-new car ni University of Cebu Chancellor Candice Gotianuy.

Kaugalian sa University of Cebu na bigyan ng insentibo ang kanilang mga estudyanteng nagbibigay ng karalangan sa kanilang unibersidad.

Continue reading below ↓

In 2017, Brylle Gilbuena was given a brand new car by University of Cebu Chancellor Candice Gotianuy for topping the mechanical engineering licensure exam.

KUWENTO NG TAGUMPAY

Si Brylle ay pangalawa sa limang magkakapatid.

Bagamat consistent honor student siya noong elementary at high school, hindi niya na-maintain ito pagtuntong ng kolehiyo.

Para matustusan noon ang pag-aaral sa UCLM ay naging working student siya, at sinuportahan ng kanyang panganay na ate, na naging scholar at graduate rin noon sa UCLM.

Wala kasing permanenteng trabaho noon ang kanyang mga magulang.

Na-delay ang pag-take ng board exam ni Brylle dahil sa kakulangan ng pambayad sa kanyang pagre-review.

Para makapag-review ay nagtrabaho siya bilang senior high school teacher sa UCLM sa loob ng limang buwan.

Nanalig din si Brylle sa Panginoon, at nangakong patuloy niyang papupurihan ang Diyos, makapasa man siya o hindi sa exam.

“Before I start studying, I pray and read the Bible para ma-guide-an ako ni God at maalis ang akong pangamba.”

Continue reading below ↓

Kaya nang makapasa siya, sinabi ni Brylle na malaking bahagi raw ng kanyang tagumpay ang pagdarasal.

Sa interview noon, sinabi ni Brylle na wala pa siyang definite plans, pero ikinukunsidera niyang kumuha ng master's degree.

where is BRYLE NOW

Ngayon ay 26 anyos na si Brylle at kasalukuyang nagtatrabaho bilang mechanical design engineer sa Black & White Middle East, Philippines Inc. sa Ortigas.

Dahil may pandemya, work-from-home ang set-up sila at nasa Cebu ngayon si Brylle.

Anim na buwan pa lamang siyang nagtatrabaho sa bagong employer.

Bago nito, nagtrabaho muna si Brylle bilang mechanical design engineer sa Meinhardt Philippines Inc., isa sa mga kilalang engineering consultancy sa bansa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Brylle via call noong Martes, October 5, 2021.

Gamit pa rin daw niya ang kotseng natanggap niya noong 2017.

Taong 2018, kumuha siya ng Master of Science in Mechanical Engineering specialized in Thermofluidic Sciences sa Mapua University.

Continue reading below ↓

Pero pagkatapos ng isang taon, huminto si Brylle sa kanyang Master's degree.

“Yung thesis na lang yung kulang,” pagbabahagi ng binata. “Nawalan ako ng gana kasi hindi naman siya required sa job.”

Dagdag pa niya, “Humihiling din ng malaking budget para sa thesis. Wala akong ganoong budget.

“Nawala na lang yung gana ko. Hindi ko na lang tinuloy," ani Brylle.

LOOKING BACK AT being A TOPNOTCHER

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Brylle at binalikan ang pagiging topnotcher niya sa Mechanical Engineering Licensure Examination, apat na taon na ang nakakaraan.

Aminado ang binata na unexpected ang pagta-top niya sa exam, pero kumpiyansa raw siyang makakapasa.

“Yung pre-board kasi namin, Sir, yung sa review center, may pre-board kasi kami. Yung result naman is sakto lang naman ako sa pre-board.

"'Tapos hindi din naman kasi basehan yung pre-board na magta-top.

“Kaya hindi ko rin in-expect na magta-top. Pero pagkatapos ng exam, confident ako na papasa ako. Pero hindi ako sure na magta-top," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Ilang tanong sa exam ang hindi niya nasagutan?

“I think mga more than five siguro, but less than ten," sagot niya.

Nahahati raw sa tatlong subjects ang licensure exam: Power and Industrial Plant Engineering, Machine Design and Shop Practices, at Math and Sciences.

Sa huling subject siya nahirapan.

Ano ang pakiramdam niya matapos niyang mag-top sa board exam?

“Sobrang grateful. Parang sobrang pasalamat ko kay God. Ganoon ang feeling.

“Sobrang blessed. Hindi naman tsamba siguro.

“Pinaboran lang siguro ng Panginoon. Ganoon ang feeling," aniya.

Continue reading below ↓

Brylle is now working at a private engineering consultancy firm and says his life now is far better than before.

Sinabi rin ni Brylle na mas maayos na ang estado ng kanilang buhay ngayon.

“Medyo okay-okay na compared before, kasi may trabaho na. Nakakatulong na rin sa family."

May mensahe naman si Brylle para sa mga estudyante o kung sino mang nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

“Seek knowledge. Maging hayok sila sa knowledge. Hindi dapat for grades lang, para makapasa lang, para gumradweyt lang," pahayag niya.

“Dapat yung goal nila is may knowledge, na skill na ma-gain, instead of grades or diploma lang,” makabuluhang sabi ni Brylle.

Ano naman ang plano ni Brylle sa kanyang buhay?

“Mas mag-gain ng knowledge and skills sa profession ko.

“After noon, puwede na akong mag-apply ng professional mechanical engineer para makapagpirma na ng mga plans.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2017, Brylle Gilbuena took the mechanical engineering licensure exam. He was not able to answer all the 100 questions in the exam, but he still emerged as the topnotcher. Today, Brylle works in a private engineering consultancy firm in Metro Manila.
PHOTO/S: Facebook (Brylle Gilbuena)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results