Estudyanteng nakatira sa barung-barong, head engineer na ngayon

by KC Cordero
Nov 15, 2021
Shanty with tarpaulin
Kahit kapos sa pantustos sa kanyang pag-aaral at sa barung-barong lang nakatira, nagsikap si Crystalle Mae Malonzo Manalo para makatapos at maging isang engineer sa tulong ng kanyang Lola Gloria na nagpalaki sa kanya.

“Masaya akong maraming ma-inspire,” ito ang Facebook status ni Crystalle Mae Malonzo Manalo noong November 5, 2021.

Nag-trending kasi ang kanyang post tungkol sa kanyang pinagdaanan bago siya nakatapos ng pag-aaral.

Graduate si Crystalle ng Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa Colegio De San Juan De Letran-Calamba.

Siya ang Academic Excellence Awardee sa kanilang batch.

At isa siya sa mga pumasa sa February 2020 Mechanical Engineering Licensure Exam.

Lola Gloria in front of their shanty

Continue reading below ↓

Nakaagaw-pansin naman sa isa niyang post ang barung-barong kung saan nakasabit ang tarpaulin na na bumabati sa kanyang pagpasa sa licensure exam at pagiging ganap na engineer.

Ayon kay Crystalle, may magandang kuwento ang tarpaulin na iyon.

Nag-aalanganin kasi ang kanyang Lola Gloria na ipaskil ang tarpaulin dahil tagpi-tagpi ang kanilang bahay.

Pagbabahagi ni Crystalle, “Noong una, medyo nag-iisip pa siya sa paglalagay niya ng tarpulin sa munti naming bahay.

"Dahil ‘ika nga niya ay baka makita ng mga tao na engineer nga ako pero sa ganoon lamang nakatira.”

HINDI PERPEKTONG PAMILYA

Bata pa lamang umano siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang.

“Kaya ako maagang natutong maging independent. Nung hindi na kaya ni Mama mag-isang tustusan kaming magkapatid, inako na ng Lola Gloria ko ang pagpapaaral sa akin.”

Isa raw tindera at caretaker ang kanyang lola.

“Naglilinis kami ng resort sa Pansol, Laguna. Iyon ang bumuhay sa amin.”

Continue reading below ↓

Dahil mulat sa kahirapan, mula elementary, high school, at college ay natuto si Crystalle na dumiskarte para may pandagdag sa kanyang mga gastusin.

Aniya, “Nagbebenta ako sa paaralan namin ng kung anu-ano, at hindi ko ito ikinakahiya.”

Crystalle with her medals

Napagsikapan naman niyang makapagkolehiyo sa private school dahil nagpursige siya para maging dean’s lister at magkaroon ng discount sa tuition fee.

Continue reading below ↓

“Sa awa ng Diyos, ako po ay nakapagtapos na Academic Excellence Awardee hanggang sa nakapasa rin po ako ng board exam.

PINAKAMAGANDANG TAGPI SA BARUNG-BARONG

Employed ngayon si Crystalle bilang Shift Head Engineer sa Manila Water.

“Labis po ang galak ng buong pamilya ko na saksi sa lahat ng sakripisyo ko, lalung-lalo na ang lola ko.”

Crystalle now works as shift head engineer

Continue reading below ↓

Pahayag naman ni Lola Gloria, "Ganito pala ang nararamdaman mo na malaman mo na ang iyong apo ay isa sa mga pumasa sa board exam.”

Nagbalik-tanaw rin ang lola sa mga pinagdaanan nila noong nag-aaral pa si Crystalle.

Aniya, “Naiisip ko yung mga nangyari sa buhay naming dalawa na tuwing bayaran sa school, wala kaming pambayad. Puro pakiusap...

“Ito na ngayon, puro dasal na lang ang ginawa namin para makamit na niya ang maging engineer. Salamat, Lord, hindi mo pinabayaan ang apo ko."

Para naman kay Crystalle, mananatiling simbolo ng kanyang tagumpay ang tarpaulin na nakasabit sa kanilang barung-barong.

Aniya, “Kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa kanya [Lola Gloria], ‘’Nay, iyan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit kapos sa pantustos sa kanyang pag-aaral at sa barung-barong lang nakatira, nagsikap si Crystalle Mae Malonzo Manalo para makatapos at maging isang engineer sa tulong ng kanyang Lola Gloria na nagpalaki sa kanya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results