Heir of Whang-od? Meet Princess Tacatac, ang pinakabatang tattoo artist sa Pilipinas

by KC Cordero
Nov 13, 2021
Princess Tacatac showing her tattooing skills
Pinakabatang mambabatok sa Buscalan, Kalinga—o posibleng sa Pilipinas—ang 13 anyos na si Princess Tacatac. Natutunan niya ang tradisyunal na paraan ng pagta-tattoo kay Apo Whang-od.

Si Princess Tacatac, 13, ang itinuturing na pinakabatang traditional tattoo artist ngayon sa Pilipinas.

Hindi ito nakapagtataka dahil siya rin ay taga-Buscalan, Kalinga, ang tahanan ng Pinay legendary and world-renowned traditional tattoo artist na si Apo Whang-od.

Ang Facebook Page na Tabuk Kalinga ang unang nag-post ng larawan ni Princess bilang pinakabatang mambabatok noong June 10, 2018.

Nine years old Princess Tacatac

Continue reading below ↓

Nine years old pa lang siya noon pero nakakapag-tattoo na.

Si Apo Whang-od din ang nagturo sa kanya.

Ang sining ng paglalagay ng tattoo na tinatawag na "batok" sa Kalinga ay gumagamit ng indigenous materials gaya ng tinik ng puno ng citrus na nakalagay sa kawayang patpat at tinta na nagmula sa pinaghalong charcoal at water.

Idudutdot ang tinik ng puno ng citrus sa pinaghalong charcoal at tubig, saka ipupukpok sa bahagi ng katawan ng kliyente batay sa disenyong gusto nito.

Naging popular naman sa buong mundo ang natatanging paraan ng pambabatok dahil kay Apo Whang-od.

13 years old Princess Tacatac

Continue reading below ↓

Ayon sa post ng netizen na si Carl Taawan sa kanyang Facebook noong October 24, 2021, kasama si Princess ng iba pang kabataang tattoo artists mula sa Buscalan na lumahok sa isang tattoo event sa Baguio City.

Ibinahagi nila ang kanilang talento sa mga nais magpa-tattoo sa pamamagitan ng tradisyunal na paraan at mga disenyo ng Kalinga bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous People's Month.

Tumanggap ng mga kliyente sina Princess mula October 23-25.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinakabatang mambabatok sa Buscalan, Kalinga—o posibleng sa Pilipinas—ang 13 anyos na si Princess Tacatac. Natutunan niya ang tradisyunal na paraan ng pagta-tattoo kay Apo Whang-od.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results