Genette Mujar: Pinay na dating caregiver, ngayon ay isa nang fashion designer sa Canada

Nov 15, 2021
genette mujar caregiver fashion designer
Genette Mujar (left photo center), the late-blooming fashion designer, and the models (right photo) wearing some of her creations. At age 50, she enrolled at a visual arts and design school in Vancouver to hone her passion for making clothes.
PHOTO/S: @genttemujar on Instagram

Meet Genette Mujar, isang fashion designer na based ngayon sa Canada.

Siya ang owner at chief executive officer ng Gnetz Design clothing line.

Pero bago siya naging fashion designer at naitayo ang kanyang sariling clothing line, nagsimula muna si Genette bilang caregiver sa Canada.

Tubong-Daraga, Albay, at nag-aral sa Bicol University, lumipad siya patungong Canada noong 2007.

Nagtrabaho si Genette bilang caregiver, pero hindi niya isinuko ang kanyang pangarap na maging fashion designer.

Sa ulat ng The Filipino Channel (TFC) News, sapat lamang ang sahod nito bilang caregiver para mapaldalhan ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Ang natitirang pera ay ipinambibili niya ng mga damit sa mga thrift store.

Sabi niya sa ulat, “Hahanapin ko iyon isa-isa yung mga branded, na outdated, na sale.

“In the end, ire-restyle ko siya para, at least, meron akong magandang panglabas [na damit].”

Kalaunan, sa edad na 50, sumugal si Genette na mag-loan para pang-tuition sa kursong fashion design.

Continue reading below ↓

Ayon sa kanyang Facebook page, nag-aral siya sa Visual College of Art and Design sa Vancouver.

Sabi ni Genette sa kanyang post, “I had an opportunity to study here, why not grab it, right?”

“And I know I can make it. If others can, why can’t I?”

Genette Mujar

Continue reading below ↓

Hindi naging madali ito dahil pinagsabay ni Genette ang kanyang pagtatrabaho bilang caregiver sa umaga at pag-aaral sa hapon.

Pero nagbunga ito dahil natupad niya ang pangarap na maging fashion designer at magkaroon ang kanyang sariling clothing brand.

Nagagamit ang designs ni Genette sa magazine photo shoots, at nakakatrabaho niya ang mga sikat na photographers at make-up artists.

Na-tap din siya bilang designer ng ilang candidates ng Binibining Pilipinas International Canada.

Ang inspirasyon naman ng kanyang mga disenyo ay ang Filipiniana.

Kahit sa kanyang mga post, hangad ni Genette na magsilbing inspirasyon ang kanyang success story.

Payo niya, “Kung anuman yung mga bagay na they’re passionate with, huwag silang matakot.

“Just to do it, dahil malay mo, you’re better than them.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Genette Mujar (left photo center), the late-blooming fashion designer, and the models (right photo) wearing some of her creations. At age 50, she enrolled at a visual arts and design school in Vancouver to hone her passion for making clothes.
PHOTO/S: @genttemujar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results