Dating Pinay nanny sa Hong Kong, president at CEO na ng private school sa Canada

by Bernie V. Franco
Nov 19, 2021
Pinay AGA Academy Canada
Abby Villanueva (insert) is a former nanny in Hong Kong, who was able to migrate to Canada and put up her own school, AGA Academy.
PHOTO/S: YouTube (Momon TV) / aga-academy.ca (insert)

Malayo na ang narating ni Abby Villanueva, may-ari ng isang eskuwelahan sa Alberta, Canada.

Pero hindi instant ang success ng tubong-Ilocos dahil marami siyang pinagdaanan bago siya nag-migrate sa Canada.

Nagtrabaho muna si Abby bilang isang nanny sa Hong Kong, at matapos ang dalawang taong pamamasukan, tinulungan siya ng kanyang amo na mag-migrate sa Canada.

Kuwento ni Abby sa panayam ng OMNI Filipino ng OMNI News, “She hired me pero ang purpose niya talaga is to make sure na mabibigyan niya ako ng leverage to improve my life in Canada.

“So, nag-nanny ako ng two years. After that, sinuportahan nila ako to get my open work permit…

“And then after my permanent residency, nag-start na ako [sa] nonprofit organization.”

Gaya ng maraming OFWs, dumanas din ng mga pagsubok si Abby, at nagduda kung tama ba ang naging desisyon na pumunta sa Canada.

“Sabi ko, ‘Why did I move here?’”

Nanny school owner Canada

Continue reading below ↓

(AGA Academy President and CEO Abby Villanueva being interviewed by Ron Gagalac of OMNI Filipino)

PUTTING UP HER OWN SCHOOL

Pero hindi sumuko si Abby, at nagdesisyong gamitin ang kanyang background sa education.

Sabi niya sa panayam ng OMNI Filipino, “I had my foundation of education mismo sa Mariano Marcos State University,” na matatagpuan sa Ilocos Norte.

Noong nakaraang taon, kasama ang dalawang kaibigan, itinayo niya ang AGA Academy sa Alberta.

Si Abby ang siyang president at chief executive officer ng academy.

“I started with one student and one staff. And that staff is me.”

Pero sa maiksing panahon, mabilis na dumami ang mga nagsipag-enroll.

“Currently, we are close to 900 students... for the period of twelve months,” pagbibida ni Abby.

“We have six license courses right now, and we are waiting for ten more to come.

“Kasi yung licensing talaga, it takes between six months to one year.”

Kung titignan ang website ng eskuwelahan, ang ino-offer nilang mga programs ay ang sumusunod: Community Support and Addictions Worker Diploma, Tourism Management Diploma, Pharmacy Assistant, Massage Therapy Diploma, Advanced Massage Therapy Diploma, at Digital Marketing and Web Design Diploma.

Continue reading below ↓

Ngayong 2021, na-designate bilang learning institution ng Immigration, Refugees, and Citizenship Canada (IRCC) ang academy ni Abby.

Ibig sabihin nito, maaari na silang tumanggap ng international students.

Kaya lang, hindi puwedeng bigyan ng post-graduate work permit ang mga international students sa AGA Academy, dahil isa itong private school.

Pero dito nagmi-mediate sina Abby.

Personal nilang tinutulungan ang mga international students na ma-assist ng immigration consultant at immigration lawyer at sinusubaybayan ang kanilang application for work permit.

“That’s how we bridge the gap,” ani Abby, patukoy sa pagkakaroon ng partnership sa ibang institutions para mabigyan ng post-graduate work permit ang kanilang mga estudyante.

Mensahe naman ni Abby pagdating sa tagumpay, “If you fail, who cares?

“Do it again. Climb up the ladder. Do it again.

“Hindi ko matandaan kung ilang beses akong nag-fail in this path, but you know what, you will be successful. Just keep on trying.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abby Villanueva (insert) is a former nanny in Hong Kong, who was able to migrate to Canada and put up her own school, AGA Academy.
PHOTO/S: YouTube (Momon TV) / aga-academy.ca (insert)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results