Proud tindera ng lumpia at turon, nagtapos bilang cum laude sa kolehiyo

by KC Cordero
Nov 20, 2021
Jogie Macaraeg Papillera holding a flag, Jogie Macaraeg Papillera holding her diploma
Kung gusto, may paraan, kaya ginawa lahat ni Jogie Papillera ang makakaya para makatapos ng pag-aaral. Nagtinda rin siya ng turon at lumpia hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo.

Nagtapos si Jogie Macaraeg Papillera, 24, tubong Laguna, bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa San Sebastian College Recoletos-Canlubang noong 2018.

Sa kanyang Facebook account ay madalas mag-post si Jogie ng mga throwback sa kanyang buhay—lalo na ang kanyang buhay-estudyante.

Jogie Macaraeg Papillera poses with someone while carrying a basket

WALANG PERA, WALANG MAKAIN

Naibahagi ni Jogie sa isang post na hirap na hirap ang kanilang pamilya noong bata pa siya.

Continue reading below ↓

Factory worker ang kanyang ama at tindera ng turon ang kanyang ina, na kalaunan ay naging isang overseas Filipino worker.

Aniya, “Nagmula ako sa mahirap na pamilya. Lahat naman ng pamilya ay dumaraan sa hirap at problema, iba-iba nga lang ng anyo.

“Naranasan namin noon ang matinding gutom, walang pera, walang makain.

"Noong ako ay bata pa, isang araw, ako’y umiiyak na sa gutom at dumating na 'ko sa puntong sinabi ko sa Diyos, ‘Lord! Kahit tatlong butil lang po ng kanin.'”

Dahil sa kahirapan ng kaniyang pamilya, pagsapit daw niya ng 10 years old ay tumulong na si Jogie na magtinda ng turon at lumpia .

“Grade V, pinayagan na ako ni Mama na magtinda. Masayang-masaya ako noon, kasi kahit papaano, nabawasan yung paghihirap ni Mama dahil may katuwang siya sa paglalako."

Bukod sa kanyang school backpack, bitbit din ni Jogie ang dalawang basket ng mga panindang turon at lumpia at isang bote ng suka.

Continue reading below ↓

Naranasan niya raw noon ang mapagtawanan at matukso ng mga kapwa estudyante.

“Binu-bully at babatuhin ng papel na bato tapos sasabihan akong baduy.

"Alam mo yung feeling na di nila alam ang hirap na pinagdadaanan ng pamilya ko, tapos magsasabi sila ng ganun?”

Madalas din siyang kantiyawan dahil hindi wala siyang pambili ng bagong sapatos.

“Siyempre, bata pa ako noon, kaya sobra kong dinibdib yung panlalait nila sa akin.”

Ang redeeming factor ni Jogie, mula elementary hanggang high school ay nag-graduate siya bilang class valedictorian.

NAGTINDA NG TURON AT LUMPIA HANGGANG KOLEHIYO

Pumasa si Jogie sa college scholarship kaya nagkaroon siya ng 75 percent discount sa tuition fee.

Malaking bagay rin na malapit lang sa kanila ang kanyang pinasukang kolehiyo.

“Lakad lang, mga isang kilometro lang siguro yun mula sa bahay namin. Alam ko kasi na hindi araw-araw ay may pera.

“Kung wala akong perang pambaon, okey lang. Makakapasok pa rin ako. Kasi kung sa malayo ako nag-aral, ang dami ko sigurong absent dahil walang pamasahe.”

Continue reading below ↓

Naging masigasig siya sa pagkokolehiyo para ma-maintain ang scholarship.

“Hindi na ako nawalan ng eyebags. Maraming group study ang pinuntahan ko. Ang kulit ko sa mga professors ko sa pagtatanong nga mga accounting topics.

“Ako pa naman yung klase ng tao na pag may hindi naiintindihan, makulit at hindi titigil hanggang sa matutunan ko na.”

Jogie Macaraeg Papillera in toga and basket

Continue reading below ↓

Tuloy pa rin ang kanyang pagtitinda ng lumpia at turon hanggang sa kolehiyo.

“Medyo kabado ako kasi baka pagalitan ako sa school sa pagdadala ko ng paninda. Nasarapan sila. Wala namang sumita sa akin.

“Sa Baste, isang pwesto lang, ubos na agad ang paninda. Minsan, napunta ako sa mga office sa second floor para makapagbenta sa mga ma'am at sir doon.”

Dahil sa kanyang determinasyon, maluwalhating natapos ni Jogie ang kanyang kurso at agad nagkaroon ng trabaho.

PINAGHAHANDAAN ANG LICENSURE EXAM

Sa ngayon ay nagre-review si Jogie para sa Certified Public Accountant licensure exam.

“Bilang isang BSA graduate, siyempre, board exam naman ang kailangang ipasa para maging isang ganap na CPA na ako.

"Sabi nila, ‘Uy cum laude ka, sure pasado ka na. Wag pa rin tayong pakasigurado dahil maraming pwedeng mangyari.

“Pero ako, inspirasyon ko ang pamilya ko, kaya talagang pagsisikapan kong pumasa. Excited na akong maging CPA.”

Natutuwa naman siya na maraming nai-inspire sa kanyang mga post tungkol sa kanyang mga karanasan sa buhay.

Continue reading below ↓

“Kasi sila mismo, nadama nila yung mga hirap na pinagdaanan ko, at yung hindi hadlang ang kahirapan sa kaunlaran.

“Sinabi ko nun, saludo ako sa mga mahihirap na pamilya na gumagawa ng paraan para kumita. Kahit nakakapagod, hindi naman kumakapit sa patalim.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung gusto, may paraan, kaya ginawa lahat ni Jogie Papillera ang makakaya para makatapos ng pag-aaral. Nagtinda rin siya ng turon at lumpia hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results