Kuwento ng biker at bata na mag-BFF: From buko treat to memorable birthday gift

by KC Cordero
6 days ago
Clark Lynden Canlas and Angel riding in their bikes
Muling nagkita sina Clark Lynden Canlas at ang batang si Angel na nanlibre sa kanya ng buko. Inihatid ni Clark ang bike na regalo ng netizens sa 12th birthday ng kanyang BFF.

Kamakailan ay nag-trending ang batang lalaking si Angel dahil nilibre nito ng buko juice ang biker na si Clark Lynden Canlas.

Marami ang natuwa sa nabuong friendship ng dalawa.

Nangako rin noon si Clark sa isa niyang Instagram post na tutulungan niya si Angel.

Nitong October 19, 2021, nag-upload ng video si Clark sa kanyang YouTube channel habang nag-a-assemble ng isang bike.

Clark Lynden Canlas assembling a bike

Continue reading below ↓

Aniya sa simula ng video, “Gusto kong magpasalamat kay Lovely Mendiola, pati sa mga members ng Discord na bumuo ng fundraising para makapagbigay ng bike kay Angel.”

Ang 12th birthday ni Angel ay noong October 11. Nang araw ring iyon dinala ni Clark ang regalo sa kaibigan.

ANG EMOTIONAL NA MULING PAGKIKITA NG MAG-BFF

Sa video pa rin, matapos niyang mabuo ang bisikleta ay bumiyahe na si Clark patungong Magalang, Pampanga, para puntahan si Angel.

Kasama niya ang mga netizens na nagbigay nito.

Halata naman ang pagkasabik ng bata nang makita ang kaibigan. Agad din itong nagsuot ng facemask.

Wala itong kamalay-malay sa sorpresang matatanggap.

Clark Lynden Canlas and Angel walking and talking

Continue reading below ↓

“Na-miss kita,” ani Angel kay Clark habang naglalakad sila. “Tagal na rin kitang hinahanap. Sabagay, dami mo namang ginagawa.”

Tumawa lang si Clark. Nang malapit na sila sa lugar kung saan naka-park ang bike, tanong niya kay Angel, “Di ba gusto mo ng bike?”

“Oo...” agad nitong sagot. “Asan na?”

“Ayan, o...” At itinuro ni Clark ang binuong bike para kay Angel.

“Oh, no!” paulit-ulit na bulalas ng bata. “Oh, my God!”

Angel saw the brand new bike

Continue reading below ↓

Hindi ito makapaniwala habang hinahaplos ang bike.

“Sa iyo iyan,” ani Clark. “Ayan, may bike ka na.”

Tanong pa rin ng nasorpresang bata, na emotional na ang boses, “Akin ito?”

Pagtitiyak ni Clark, “Oo, sa iyo iyan,”

Tuluyan nang napahagulhol si Angel at yumakap nang napakahigpit sa kaibigan.

Angel embraces Clark Lynden Canlas

Inalo ito ni Clark. “Huwag ka nang iiyak. Magba-bike ka na. Sige na, sakyan mo muna.”

Continue reading below ↓

At inalalayan nito ang batang kaibigan para makasakay at ma-test ang bike.

Sinabihan din niya ito na magpasalamat sa mga nag-donate, na buong galang namang ginawa ni Angel.

ANGEL MAY SPECIAL NEEDS KAYA KAILANGAN NG SUPORTA

Tuwang-tuwa sina Clark at ang mga nagbigay ng bike kay Angel nang simulan na nitong sakyan ang kanilang birthday gift dito.

Muling umani ng papuri mula sa netizens ang bagong kabanatang ito sa friendship nina Clark at Angel.

Netizens reactions to Angel hugging Clark Lynden Canlas and Angel

Continue reading below ↓

Nabanggit naman ni Clark na may health condition ang kaibigan.

“Si Angel ay may mild autism po. Hindi po siya nakakapag-aral sa regular school. Kailangan po niya ng special education.”

Problema ng pamilya nito ang pampa-check-up kay Angel.

Ayon kay Clark, may nabuo naman na grupo ng mga netizens na handang tumulong dito.

Aniya, “Galing po silang Mindanao, norte, Visayas region. Talagang hindi ko po sila kilala, pati po yung mga nag-send ng pera.”

Malaking bagay aniya ang social media dahil marami ang tumutulong kay Angel.

Ani Clark, “Talagang ang social media kung minsan ay lason or toxic talaga, pero hindi lahat.

“May mga magagandang bagay din po na nangyayari sa social media na puwedeng maka-inspire sa ibang tao.”

Clark Lynden Canlas and Angel biking

Continue reading below ↓

Nag-post din siya ng picture nilang dalawa ni Angel habang nagba-bike noong October 21.

Ang kanyang caption: “We make a living by what we get, but we make a life by what we give. And no one has ever become poor by giving. Happy to see your smile, Angel. From buko to bike real quick!”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling nagkita sina Clark Lynden Canlas at ang batang si Angel na nanlibre sa kanya ng buko. Inihatid ni Clark ang bike na regalo ng netizens sa 12th birthday ng kanyang BFF.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results