Touching story: What a padyak ride means to this magna cum laude graduate

by KC Cordero
3 days ago
Sandra Estefani Ramos now; at the right is their photo of her father and his pedicab
Hindi ikinahiya kahit kailan ni Sandra Estefani Ramos ang hanapbuhay ng amang si Mang Renato na isang pedicab driver. Para sa kanya, dahil sa mga sakripisyo nito makatapos lang siya ng kolehiyo, ang kanyang ama ang tunay na magna cum laude.

Isang estudyante ang dumalo sa kanyang graduation sakay ng padyak.

Pero nag-viral ang kuwento niya niya noong April 2, 2019 dahil ang estudyante ay magtatapos bilang magna cum laude, at ang padyak driver ay ang kanyang ama.

Siya ay si Sandra Estefani Ramos.

Ayon sa kanyang post: “After so many years of hard work and sacrifices, Papa, Mama, heto na!

"’Pa, ihatod mo na po ang Magna Cum Laude mong aki gamit ang satong padyak!

“I am proud that my father is a pedicab driver.

“And indeed, he is the true magna cum laude.

“All glory be to God.”

Sandra Estefani Ramos with her father Renato

Continue reading below ↓

Nagtapos si Sandra sa kursong Bachelor of Secondary Education sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology.

Ang general weighted average niya ay 1.49.

IPINADYAK ANG PAG-AARAL NG ANAK

Inilihim ni Sandra sa ama at sa inang si Aling Cyril ang kanyang nakamit na karangalan para sana masorpresa ang mga ito.

Pero bago umano sumapit ang graduation day ay nalaman ang kanyang sorpresa.

Ayon kay Aling Cyril sa panayam niya sa ABS-CBN, “Sabi niya, ‘Mama, wag mong pakialaman yung folder kasi importante ito.’

“Nilipad nung electric fan, ni-number 3 ko, nabasa ko. Kinaumagahan sabi ko, ‘May tinatago ka ba sa akin?’ Sasabihin niya pala pagsabit ng medal."

Wala ring pagsidlan ng tuwa si Mang Renato sa tagumpay ni Sandra.

Napakalaki kasi ng kanyang naging sakripisyo para lang makapag-aral ang anak.

Ayon sa ama ni Sandra, “Sabi niya gusto niya maging teacher. Sabi ko, ‘Sige kung kaya mo, sige susuportahan kita.’ Sabi ko tiis-tiisin nila para makapagtapos sila."

Continue reading below ↓

Mula’t sapul ay pangarap ng mag-asawa na makatapos ang anak.

Sandra Estefani Ramos with her parents

Grade five lang kasi ang natapos ni Mang Renato, habang nakatapos naman ng high school si Aling Cyril.

Naigapang ni Mang Renato ang pag-aaral ni Sandra sa pamamagitan ng pagpasada ng kanyang pedicab.

Pinatunayan naman ni Aling Cyril ang sakripisyo ng asawa. “Inuuna po kasi ng asawa ko yung projects, pamasahe, yung tira, pagkain namin."

Continue reading below ↓

PROUD SA HANAPBUHAY NG AMA

Ever since naman ay hindi ikinahiya ni Sandra ang hanapbuhay ng kanyang ama.

Aniya, “Lagi ko siyang niyayakap pag hinahatid niya ako sa terminal.

“Hindi ko naranasang maging pedicab driver, pero pag tinitingnan ko siya, parang nararamdaman ko yung hirap kaya lalo kong ginagawa ang best ko."

Sandra Estefani Ramos' father Renato

Continue reading below ↓

Very humble din ang kanyang paliwanag kung bakit siya naging magna cum laude.

“Kahit ngayon hindi ko pa po alam kung paano ko na-achieve yung ganung honor. Kahit alam ko na may mas matalino kaysa sa akin, I still do my best.

“Kahit hindi ko po alam kung paano, alam ko po kung sino yung mga tao na naging rason bakit ako naging magna cum laude.”

Sa mga larawan, makikita sa mga mukha ng mag-ama ang ngiti ng tagumpay.

Sandra Estefani Ramos with her family

Continue reading below ↓

Kabilang si Sandra sa mga pumasa sa December 2019 Licensure Exam for Teachers.

Sa kasalukuyan, Junior High School Teacher siya sa Camarines Sur National High School.

Bokalista rin siya ng kanilang bandang 1MB, at aktibo sa kanilang church.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi ikinahiya kahit kailan ni Sandra Estefani Ramos ang hanapbuhay ng amang si Mang Renato na isang pedicab driver. Para sa kanya, dahil sa mga sakripisyo nito makatapos lang siya ng kolehiyo, ang kanyang ama ang tunay na magna cum laude.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results