Graduate na si Anne Relente, estudyanteng masipag at Miss Part-time!

by Bernie V. Franco
Nov 26, 2021
Anne Relente labandera, graduate college
Ipinost ni Anne Relente sa Facebook na nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering mula sa Pamantasan ng Cabuyao. Pinasok niya ang pagtitinda, pagiging labandera, student assistant, at iba pa masuportahan lang ang pag-aaral.
PHOTO/S: Facebook (Anne Desiderata)

Salamat sa pagiging madiskarte, nakamit ni Anne Relente ang kanyang minimithi: ang makapagtapos ng kolehiyo.

Bukod sa pagbebenta ng sariling tie-dyed garments, pinasok din ni Anne ang pagiging labandera, part-time artist, at student assistant para kumita at mairaos ang pag-aaral.

Noong November 12, 2021, ipinost ni Anne sa kanyang Facebook account na natupad na niya ang kanyang pangarap.

Kalakip ng post ang kanyang graduation picture, at kasama rin ang photos ng pagtitinda niya sa kalsada ng kanyang produktong garments.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering mula sa Pamantasan ng Cabuyao sa Laguna.

Naging iskolar siya sa pamamagitan ng Tulong Dulong Scholarship, ang Grants-in-Aid program ng Commission on Higher Education para matulungan ang college students.

Inisa-isa rin ni Anne kung ano ang mga ginawa at pinasok niya para maitaguyod ang kanyang edukasyon na hindi umaasa sa iba.

Paglahad niya sa kanyang post (published as is), "Part time Portraiture Artist, Nag Part time Student Assistant, Nag Sideline sa Lazada para may pang bili ng brandew Scientific Calculator, Nag side line labandera."

Continue reading below ↓

Proud din si Anne na hindi siya umasa sa mga magulang.

Sa halip ay sinuportahan niya ang sarili sa pamamagitan ng kanyang negosyong tie-dye garments, na pinangalanan niyang Dapit-Hapon.

anne relente labandera graduate

Aniya, “Hindi humingi sa magulang ng pang thesis at mga pang gastos kasi may established business na Dapit-Hapon.”

Continue reading below ↓

Nag-iwan rin siya ng payo sa mga kabataan na huwag balewalain ang pag-aaral.

Mensahe ni Anne (published as is), “Being able to finish college is a privilege, and I would like to leave a piece of advice to some kids out there.

“Do not take your study for granted (specially if somebody sacrificed to provide your financial needs), collect great experiences and learn from those.

“Do not be afraid to try, learn from your mistakes and strive for excellence. The whole universe will conspire and meet you there.”

Pinasalamatan din ni Anne ang kanyang mga mahal sa buhay na nagsakripisyo at tumulong sa kanyang abutin ang pangarap.

Anne Relente labandera nagtapos ng college

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinost ni Anne Relente sa Facebook na nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering mula sa Pamantasan ng Cabuyao. Pinasok niya ang pagtitinda, pagiging labandera, student assistant, at iba pa masuportahan lang ang pag-aaral.
PHOTO/S: Facebook (Anne Desiderata)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results