Paalam, Lola Iska, “oldest living person in the world"

by Bernie V. Franco
Nov 30, 2021
lola iska, francisca susano
Pumanaw na si Francisca Susano a.k.a. Lola Iska sa edad na 124 years old, bago pa man ma-verify ng Guinness World Records committee na siya ang oldest living person.
PHOTO/S: Merlene Susano

Pumanaw na sa edad na 124 si Francisca Susano, ang itinuturing na pinakamatandang tao sa Pilipinas.

Namatay si Lola Iska noong November 22, 2021, ayon sa Facebook post ng City Government of Kabankalan sa Negros Occidental.

Sabi pa sa post, “Her official declaration as the oldest person in the world at 124 years old is currently validated by the Guinness World Records.”

Continue reading below ↓

As of September 2021, bine-verify pa ng Guinness World Records organization ang mga dokumento ni Lola Iska bilang world’s oldest person.

Oras na ma-verify ito, malalampasan ni Lola Iska si Jeanne Calment ng France bilang world’s oldest person. Pumanaw si Calment noong 1997 sa edad na 122.

Isinilang si Lola Iska noong September 11, 1897.

Siya ang pinakahuling Pilipinong isinilang sa 19th century at naabutan pa ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas, si Emilio Aguinaldo.

Ibig din sabihin nito, isinilang si Lola Iska sa taong naimbento ang ice cream scoop at cotton candy, at bago nagkaroon ng eroplano (1903) at ballpen (1888).

SECRET TO LONG LIFE

Noong July 20, 2021, naisulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kuwento ni Lola Iska.

Nakausap ng PEP.ph ang apo ni Lola Iska na si Merlene Susano, 45.

Si Lola Iska ay nagkaroon ng labing-apat na anak.

Sa ngayon, walo na lamang sa mga anak ni Lola Iska ang buhay pa. At ang pinakamatanda ay 100 o 101 anyos.

Continue reading below ↓

Walang dudang nasa lahi nina Lola Iska ang mahaba ang buhay. Ayon kay Merlene, maging ang tito ni Lola Iska ay umabot pa noon ng 130 anyos.

Naibahagi rin ni Merlene ang sikreto sa mahabang buhay ni Lola Iska.

lola iska oldest person

Hindi raw ito nakikipag-away sa kanyang mister noong nabubuhay pa ito. Bihira rin daw itong magalit sa kanyang mga anak.

Continue reading below ↓

“Oo, pag inaaway iyang si Lola, aalis na lang ng bahay. Pupunta iyan sa bundok at magtatanim na lang po ng mga kamoteng kahoy or gabi,” ani Merlene sa PEP.ph.

May disiplina rin si Lola Iska pagdating sa pagkain.

Mas gusto ni Lola Iska ang kumain ng gulay at honey. Iniwasan niya ang mga pagkaing may maraming seasoning.

Nasa oras daw ito kumain at alaga sa vitamins.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Nominate your Lodi.
Sino ang LODI mo?
*Please fill out this field.
This story is about me
Bakit siya LODI para sa ‘yo? Ano ang kahanga-hanga niyang ginawa?
Word: 0/150.
*Please fill out this field.
Anong pangalan mo?
*Please fill out this field.
Email Address
*The email you entered is invalid.
Contact Number
*Please fill out this field.

By signing up, I agree to PEP.ph Term of Use and Privacy Policy.

Your extraordinary story has been submitted.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na si Francisca Susano a.k.a. Lola Iska sa edad na 124 years old, bago pa man ma-verify ng Guinness World Records committee na siya ang oldest living person.
PHOTO/S: Merlene Susano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results