Watch Now

SUCCESS STORY: Ang engineer na topnotcher sa 3 board exams

by KC Cordero
Dec 13, 2021
Kathreen Louise Del Rosario graduation photo, and with helmet
Tatlong engineering board exams ang kinuha ni Kathreen Louise Del Rosario dahil gusto niyang marami siyang choices para sa kanyang career. Hindi naman niya inasahan na magiging topnotcher siya sa bawat board exam na kinuha niya.

Naging topnotcher si Kathreen Louise Del Rosario, 26, sa tatlong engineering board exams.

Nakuha niya ang ikawalong puwesto sa 2016 Civil Engineering board exam.

Fourth placer siya sa Master Plumber board exam noong February 2017.

Fifth placer naman siya sa September 2017 Materials Engineer Accreditation Examination.

Kathreen Louise Del Rosario in helmet

Produkto si Kathreen ng Bulacan State University, at nagtapos bilang magna cum laude sa kursong civil engineering.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang Facebook post noong December 3, 2021, nag-share siya ng panayam sa kanya ng isang engineering community.

Aniya sa post, “Once a year lang naman ito nise-share ng GineersNow.com kaya sulitin ko na.”

Nakapanayam si Kathreen ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 6 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

NURSING SANA ANG KUKUNING COURSE

Ibinahagi ni Kathreen na tadhana ang naghatid sa kanya sa mundo ng engineering.

“I used to be a happy-go-lucky student during my high-school years. My parents back then wanted me to become a nurse like my mother.

"That is why I took [and luckily passed] the entrance examination for BS Nursing in BulSU.”

Kathreen Louise Del Rosario Facebook profile photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, nang mag-e-enroll na siya ay napabalita na maraming nursing schools ang nagsasara dahil hindi na in demand ang mga nurse noon.

Dahil civil engineering ang isa pa niyang choice, pumayag ang kanyang parents na itanong sa university kung puwede siyang mag-shift ng course.

Ayon kay Kathreen, “There was no vacant slot that time, but God is good dahil nagawan pa din ng paraan at naisiksik ako sa civil engineering.

“Just for the record, that time, wala akong ideya sa kung anong course yung pinasok ko since my mindset back then was focused on BS Nursing.”

Madali naman siyang naka-adjust sa kursong kinuha. Ayaw niya ng mga subjects na maraming kailangang i-memorize.

Sabi pa nito, “Kaya nga ako nag-engineering para wala masyadong kabisaduhan, e.”

Naging paborito raw niya ang mathematics at iba pang engineering subjects, “I go for all problem solving or computation-related subjects as my favorites.

“These include Mathematics, Surveying, Geotechnical, and Design subjects. Basta puro numbers lang and formula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LAGING TALO SA SCHOOL COMPETITIONS

Kuwento ni Kathreen ay marami siyang “hugot” sa kanyang buhay-estudyante lalo na noong high-school years niya.

“During my last year in high school, I competed in three different contests.”

Wala umano siyang napanalunan, “Yes, wala akong nakuhang medal kahit isa. Kahit nga sitaw, walang naisabit sa leeg ko, e. Hahaha!

“Ang nakakahiya pa was yung part na madami naman kaming inilaban, 'tapos yung mga kasabayan ko sa ibang category, nagka-place.

"Pero ako talaga sa kangkungan lang ako pinulot. Ganern!”

Noong college naman, sumali si Kathreen sa PICE National Quiz Bee, pero hindi niya nagawang mag-qualify para sa Nationals na gaganapin sana sa Bacolod City.

Wish pa naman raw niyang makasakay sa eroplano noon.

“Sobrang lungkot ko nun kasi alam mo yung eroplano na, naging bato pa. Sayang!

“This is one of the most saddening moments in my life. I knew I gave my best back then but I guess it was not good enough."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang “significant downhill” sa buhay-college niya ay nabigo siyang maging summa cum laude.

Pero pampalubag-loob, “Nevertheless, I graduated as magna cum laude. Please, don’t get me wrong.

"Maybe some of you would say, ‘At least, you had the chance to represent your school’ or ‘At least, you are a magna cum laude, while others are already happy with passing.’

“I am very happy with all those experiences I had. I just want to share the moments in my life when I felt, ‘Sayang, bes, konting kembot na lang,’ or ‘I could have done better.’”

Ginawa naman niyang inspirasyon ang mga naging karanasan sa buhay-estudyante para lalo siyang magsikap nang maka-graduate sa college.

HINDI NAG-AIM NA MAGING TOPNOTCHER

Limang buwan na naghanda si Kathreen para sa civil engineering board exam at naging smooth naman daw ang kanyang pagre-review.

“At first, there was no pressure at all. I was not aiming to be among the topnotchers.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, nabago aniya ang sitwasyon.

Kathreen Louise Del Rosario with lecture sticky notes

Lahad niya, “I felt the pressure weeks before the examination after I topped all three pre-board examinations in our review center.

"I realized that some people are counting on me.

“I asked myself, ‘What if I do not make it?’ and ‘What if this is not for me?’ since all my past experiences were always ‘almost there.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero na-realize niya na advantage na rin para sa kanya ang mga kabiguan sa mga una niyang laban.

“Because if ever I would not be making it to the top 10, I would feel only a little heartache since I was already numb to the feeling of losing over and over again.

“So I was sure I would be okay. Like what other people say, ‘Sanay na akong masaktan’. Haha!”

ALAY SA PAMILYA ANG TAGUMPAY

Nagmo-movie marathon si Kathreen nang lumabas ang resulta ng civil engineering board exam.

“I had received a congratulatory phone call from a close friend.”

Ang kanyang ama ang nagkumpirma sa kanya na totoo ang balita.

“We felt extremely overjoyed as we glorified the Lord for the blessing He has bestowed upon our family.”

Aminado naman siyang kumpara sa CE board exam na nakapaghanda siya nang todo, nahirapan siya nang kumuha ng dalawa pang board exams dahil nagtatrabaho na siya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nang malaman niyang nakapasa siya at nakasama sa topnotchers, hindi napigilan ni Kathreen ang mapaiyak.

Sakay umano siya ng bus nang ibalita sa kanya ng ama ang resulta.

“That was when my tears started falling and my voice started breaking as I thanked my parents. The happiness I felt was uncontainable.

“The eyes of the other passengers on the bus were all on me as I was crying a lot that time. Mukha akong baliw sa bus nun, grabe!

“My heart was jumping after I heard the good news. God is really good.”

Ang lahat ng tagumpay ay inialay ni Kathreen sa kanyang pamilya. “Win or lose, they would always make me feel that they are proud of me.

“My success is because of them and for them. They serve as my inspiration and my motivation to keep going.”

Nakatanggap siya ng cash incentives mula sa mga review center kung saan siya nag-review, at cash gifts mula sa kanyang alma matter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAYO SA MGA KUKUHA NG BOARD EXAMS: UMIWAS SA SOCIAL MEDIA

Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho si Kathreen bilang structural design engineer sa Arcadis GEC Manila at review instructor sa Review Innovations, Inc.

Pagbabahagi pa niya, “Also, I now have a small design consultancy focusing on a residential and commercial building.

“And at the same time, I am active in TikTok as a Foodie Creator with screen name kathsielog with almost 60K followers.”

Ano ang pakiramdam na naging topnotcher siya sa tatlong board exams?

Ani Kathreen, “Masaya siyempre kasi more opportunities for me dahil broad din ang CE."

Kathreen Louise Del Rosario giving lectures

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mahalagang payo naman siya sa mga kukuha ng board exams. “Maybe the most extraordinary thing I did during the board exam preparation was shutting myself from social media.”

Aminado siyang noon ay weakness niya ang Facebook at Instagram dahil puwede siyang nakababad sa mga nasabing sites nang buong araw.

“It would have been a big distraction, that was why I voluntarily gave up my smartphone and switched to the keypad phone.

“I literally switched my hobby to studying.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatlong engineering board exams ang kinuha ni Kathreen Louise Del Rosario dahil gusto niyang marami siyang choices para sa kanyang career. Hindi naman niya inasahan na magiging topnotcher siya sa bawat board exam na kinuha niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results